Chapter 30

6.2K 92 11
                                    

It was a hell night. Indeed. Para kaming tanga ni Ate Kiele na nagsasagutan pero indirect. Medyo nakakahalata na rin nga sina Keith at Aleisha. Napapatingin nalang sila pero hindi na nagsasalita pa. Nilo-low tone ko lang yung pagsagot kay Ate Kiele kasi kahit papaano, soon-to-be sister-in-law ko pa rin naman siya. May galang pa rin dapat. Saka kapag masyado kong pinantayan ang kamalditahan niya, baka magkalamat sa pagitan naming dalawa kapag ikinasal na kami ni Keith.

At ayoko namang mangyari yun.

But Ate Kiele sometimes just kept pushing my buttons. Is it proper to brag two ex-lovers' memories in front of the girlfriend? Grabe lang diba? Nakakahiya nga eh. Parang gusto ko tuloy biglang tumabi sandali. Harap-harapan eh.

"Naalala ko pa nga noon, lagi kayong magkaaway. Daig pa ang may gera kapag magkaaway. Pero kapag naman nagkabati, ultimo sulok ng bahay lalanggamin," nakangiting sabi ni Ate Kiele.

Sus. Nagawa na namin yan. Kahit nga noong hindi pa kami nag-aaway na kami. Nagiging sweet na rin kami non. Psh.

"That was a long time ago. Ang childish pa namin non," natatawang sabi ni Keith.

Aleisha smiled. She is sooo pretty. "Oo nga eh. Immature masyado."

"But still cute. Akala ko nga kayo ang magkakatuluyan eh," sabi pa ni Ate Kiele.

I saw Aleisha took a quick glance at me. She awkwardly laughed.

"Kaso hindi," sabi ko. "Sayang ba?"

Keith squeezed my hand. "Nope. If that break-up with Aleisha meant meeting you, it's not a waste. Totally worth-it."

"Sweet ka na niyan?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Alam mo ba, Aleisha, mas malala pa sayo itong si Glenn. Mas mapanakit. Grabe. Araw-araw noong high school ay may pasa ako sa suntok niya."

"Dahil nang-aasar ka," sabi ko.

"Tapos lagi nalang akong binubungangaan. Parang si Mommy."

"Kasi ang lakas mong mang-asar."

"Unang pagkikita nga namin, nagkabungguan kami. That is waaaay too cliche."

Ano kayang pinaglalaban ni Anietas?

"Hindi kasi siya marunong tumingin sa dinaraanan niya. Tapos alam mo... alam mo... Grabe yang magpawis kapag nakikita akong naka-trunks lang kapag may training kami sa swimming."

Aleisha giggled. No reaction si Ate Kiele. And I was there... dying to stab Keith with my fork.

"Naalala ko pa noon." Tumingin pa siya sa taas. "Pulang pula yan nung nakita akong naka-trunks lang. Naglalaway pa!"

I slapped his arm. "Hoy! Excuse me lang no."

"Tapos tuwang tuwa yun nung nalaglag siya sa ibabaw ko noong nasa dark room kami para kunin yung mga pictures para sa school paper."

Pasimple ko siyang kinurot. I was hoping he would stop it right now.

"Kilig na kilig kaya yan nung maging photojournalist ako sa SAAS kasi mas makakasama niya na ako. Patay na patay yan sakin. Alam ko na noon."

Tiningnan ko siya nang masama. Ang kapal din ng mukha eh no?

"Nagseselos pa yan kapag may kausap akong babae. Akala niya hindi ko siya halata. Kapag may kausap akong iba, nakatingin yan. Either lantaran o pasimple. Madalas pasimple. In denial eh. Tapos kapag kinausap ko, tatarayan ako."

"Isa pa, Keith," banta ko.

Nanlulubog na ako sa kahihiyan. Akala ko ba kanina nagre-reminisce sila sa memories nilang dalawa ni Aleisha? Eh bakit biglang napunta samin?

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon