Sa sobrang nataranta ko, kahit sobrang bigat ng tiyan ko, agad kong ni-lock ang bahay at pumara ng dumaang taxi. Hindi pa man tapos magsalita si Matt at pilit akong pinapakalma ay pinatay ko na ang tawag para puntahan si Keith. Ni hindi ko na nga natanong kung saang ospital ako pupunta... o kung sa ospital pa nga ba ako pupunta.
I tried to suppress my tears but I can't. Napapalingon nalang sakin si Manong Driver na hindi rin alam kung saan nga ba kami pupunta.
"Manong, sa malapit na ospital nalang ho."
Nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Halos dasalin ko na lahat ng dasal na alam ko wag lang kunin sakin ni Lord si Keith. Gusto kong humagulhol pero hindi naman patay si Keith para iyakan... siguro. Nang sandaling yun, wala akong ibang nasa isip kundi ang makita si Keith at ang sana hindi pa huli ang lahat.
"Maam, andito na po tayo."
Sa sobrang bait nung driver, inalalayan pa niya ako papasok ng ospital. Siya pa ang nagpapaalala na wag daw akong tumakbo dahil baka malaglag yung bata.
"May dinala po ba ditong lalaking pangalan ay Keith Anietas? Naaksidente po sa kotse?"
"Wala po, Maam, eh. Wala pa pong dinadala ritong pasyente na naaksidente sa kotse."
I rushed out of the hospital. Luckily, Manong was still there. Siya ulit ang sinakyan ko. Hindi na tumitigil ang mga luha ko sa pagpatak. Inabutan nalang ako ni Manong ng tissue.
"Maam, wag po kayong mag-alala. Mahahanap po natin ang hinahanap niyo."
Sana nga sa ospital ko pa mahanap, Manong.
Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi lang basta panaginip ang lahat. Ang ikinakakaba ko lang ay kung ano yung sunod na nangyari pagkatapos ng aksidenteng napanaginipan ko. It ended just there. I'm hoping it won't do the same in reality.
Dalawang ospital siguro ang napuntahan namin ni Manong pero wala pa rin si Keith. Gusto ko nang maglupasay at umiyak nang umiyak. Gusto ko na sanang sumuko at pumunta nalang sa puneraryang malapit pero sumubok ulit kami ng isa pang ospital.
Halos kasabay lang naming dumating ang isang ambulansya. Yung bilis ng pintig ng puso ko sa pagod at kaba, dumoble nang makita ko yung ambulansya. Hindi na ako pumasok. Nakaalalay lang sakin si Manong habang tinitingnan ko kung si Keith ba ang ibababa sa ambulansyang iyon.
Nang makita ko si Matt na bumaba sa ambulansya, gusto kong tumakbo.
"Maam, dahan-dahan lang po. Yung bata."
"Matthew!"
Umiiyak na nilingon ako ni Matt. Puro dugo yung damit niyang puti. Namumutla na rin siya. Mabilis na nilapitan niya ako at niyakap.
"Glenn, I'm sorry."
Laking pasalamat ko na rin siguro na yakap ako ni Matthew dahil baka napaupo na ako sa sobrang panlalambot nang makita kong ibinaba ang stretcher kung saan nakahiga ang isang lalaking puro dugo. Napasigaw nalang ako. Hinigpitan ni Matthew ang pagkakayakap niya sa balikat ko. Inipon ko ang buong lakas ko para makawala at sinundan ang stretcher.
"Keith Jacob!" sigaw ko habang sinusundan ang stretcher.
"Maam!"
"Glenn, saglit!"
Mabilis na hinawakan ko ang duguang kamay ni Keith. Nanghihina ako sa nakikita ko.
Wala na akong nagawa nang harangan ako ng isa sa mga nurse nang ipasok na si Keith sa ICU. Naramdaman ko nalang na may humawak sa balikat ko.
"Glenn, hindi matutuwa si Keith kapag napaano ang bata," sabi ni Matt. "Kumalma ka lang."
It's ironic because he himself isn't even calmed. Kahit na pilitin niyang ipakita sakin na nagpapakatigas siya, kitang kita ko yung panginginig ng buong katawan niya at pamumutla ng labi niya.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)