Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman habang nakaupo kami sa loob ng kotse ni Keith. Siguro kung sa ibang mga tao ito, sumabog na ang kotse. Ikaw ba naman, kasama mo yung "kabit" ng suppose-to-be husband mo pati siya sa iisang kotse. Siguro kung si Cheska ang nasa kinatatayuan ko ngayon, baka napatay niya na si Alynise noong kasal pa lang. Baka nakaladkad niya na si Alynise at naibuhol kay Keith.
Mas matapang naman talaga kasi kaysa sa akin si Cheska noon pa lang. Brutal at bayolente at masungit ako, pero mas matapang sa akin si Cheska.
Nag-iinit na naman ang gilid ng mga mata ko. Ang hirap isipin na hahantong kami ni Keith sa ganito. Hindi ko rin kahit kailan naisip na magiging ganito ako kaiyakin... ganito ka-insecure.
Isang model si Alynise. Maganda. Sosyal. Sino ba naman ako?
Naramdaman ko ang paghawak ni Keith sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya. Nakangiti siya pero nakatingin pa rin sa daan. Napangiti na lang ako nang halikan niya yung likod ng palad ko. Dati, lagi niya yung ginagawa kapag nagkakaaway kami. Alam niya kasing iba ang impact sa akin kapag doon niya ako hinahalikan. Parang ang sweet-sweet kasi.
"I love you," he mouthed.
Hinigpitan ko nalang ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Yun naman talaga kasi ang kailangan namin ngayon: ang hawakan nang mahigpit ang kamay ng isa't isa.
"Are we there yet?" tila naiiritang tanong ni Alynise sa backseat.
"Malapit na," tanging sagot ni Keith.
Wala na saming nagsalita afterwards. Ang awkward. Nakasilip nalang ako sa labas ng bintana. Nagpatugtog si Keith para mabawasan yung awkwardness. It didn't work. Puro kasi love songs ang nasa soundtrack. So he decided to turn off the radio instead.
Ewan ko ba pero kinakabahan ako habang naglalakad na kami papunta sa ob gyne ni Alynise. Bigla ko tuloy kinuwestiyon ang pagsama ko. Parang hindi ko ata kayang tingnan ang ultrasound ng anak ni Keith sa iba.
"Good morning!" bati sa amin ng may-edad na babaeng nakaputing coat. Tinanggal ni Alynise ang shades at cap niya. "Miss Armistead!" Bahagyang kumunot ang noo ng ob gyne niya nang makita ako at si Keith.
"Ultrasound," is he only reply of Alynise.
"He must be the father." Napalunok ako nang nakangiting ituro niya si Keith. I feel like I am going to burst. "And she must be..."
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ano ang isasagot ko? Girlfriend ako ni Keith? Ano nalang ang iisipin nung ob gyne sa akin? Sa amin?
"Girlfriend ko po," sagot ni Keith.
Tuluyan nang kumunot ang noo nung ob gyne. "So, ikaw ang magpapa-ultrasound?" tanong niya sakin.
"No, it's me."
Mukhang sobrang confused si Doctora sa introduction namin. Sino ba namang hindi, diba? Ako raw ang girlfriend pero si Alynise ang magpapa-ultrasound at si Keith ang ama. Nakakalitong nakaka-pntangina.
Hindi na nagsalita pa si Doctora Iya, ayon sa pagpapakilala niya. Nakaupo lang ako doon sa upuan malapit sa pinto habang si Alynise ay pinahiga niya at in-ultrasound. Si Keith naman ay tahimik na nasa tabi niya at panaka-nakang natingin sa akin. Nginingitian ko siya nang hindi umaabot sa mata. Ako dapat yung nakahiga roon eh. Ako dapat yung nagpapa-ultrasound. Hindi sa gusto ko nang mabuntis. Pero ako kasi yung...
Kaya mo ba, Glenn?
Nagsimula na sila. May kung anong apparatus ang idinikit kay Alynise. Hindi ko naman maiintindihan kung ano-ano yun dahil hindi naman ako doctor. Ilang sandali pa ay lumabas na sa screen ng maliit na monitor yung ultrasound. May gumagalaw sa loob ng tiyan ni Alynise na nagpapatunay na buntis siya. Tutok na tutok si Keith sa screen. Nakangiti si Alynise pati si Doctora Iya. Hindi ko magawang tingnan yung nasa screen. Naluluha na naman ako.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)