Chapter 15

6.7K 97 8
                                    

"Pang-fifteen mo na yang buntong-hininga."

Nilingon ko si Zach na nagsalita. Nakatambay na naman kami sa favorite spot naming dalawa—ang terrace ng bahay na inuupahan ko.

"Hindi ko mapigilan. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Parang... Parang ang bilis ng mga nangyayari," sabi ko habang nakahalumbaba.

He shook his head vigorously. "Akala ko ba gusto mo nang magkaayos kayo ni Keith? You should be thankful at this very moment. Nasagot na lahat ng katanungan mo. Hindi nga man lang hinanap eh. Yung sagot na mismo ang lumapit sayo."

Tama si Zach. Hindi naman ako naghahanap ng sagot. Nagtatanong lang ako sa sarili ko pero ang sagot mismo ang lumapit sakin. Si Aly na mismo ang lumapit sa akin.

Nang makita ko siya kahapon sa labas ng bahay, pinigilan ko ang mga kamay kong sabunutan siya at kaladkarin sa daan. Nakakainis siya! Sinira niya ang pagsasama namin ni Keith. Sinira niya ang tiwala ko sa lalaking mahal ko. Pinaghinalaan ko si Keith dahil sa mga kasinungalingan niya.

"Glenn, can we talk?"  tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. Bukod sa gulat ay nag-uumapaw ang inis ko. Baka mamura ko siya kapag nagsalita agad ako. Matalim na nakatingin ako sa kanya. Oo, hindi nga kay Keith yung bata... pero hindi niya alam kung gaano kasakit ang naranasan ko dahil sa pag-aakalang anak nga iyon ni Keith. Pasalamat nalang siya at buntis siya, dahil kung hindi, pinasa na siya sa akin.

I was about to open my mouth and finally speak when I got shocked of what she did next. Umiyak siya... at lumuhod.

"Glenn, sorry. I... I was..." Hikbi siya nang hikbi. Naka-dress siya at dahil sa pagluhod niya, siguradong magsusugat ang tuhod niya dahil nasa labas siya ng gate. Kung yun ngang pagluhod sa sahig sa loob ng bahay ay masakit na, ito pa kayang nasa may puro pebbles na lupa? "Someone ordered me to do this. I didn't mean to hurt you. I just need to follow her for my career's sake. You could slap me as many times as you wanted to."

Something in me shouts, "It is okay, Glenn! She deserve it. Hayaan mong magsugat ang tuhod niya. Sampalin mo siya. Dapat lang yan sa kanya." But then there is also in me that shouts, "Glenn, kaya mo bang tiising makita yan? Kaya mo bang maatim yan? Ikasasaya mo ba kung gagantihan mo siya? Glenn, buntis siya."

I raised my hand. She closed her eyeswaiting for my palm to land on her cheek. But instead of slapping her, I held her both arms... and helped her stand up from the ground. Nakatitig lang siya sa akin habang pinapagpagan ang tuhod niyang puro lupa na at may bakat-bakat na ng pebbles.

"Masama sa buntis ang naluhod sa lupa. Gaga ka ba? Ano ang tingin mo sa akin, santo?" sabi ko habang patuloy na pinapagpagan ang tuhod niya. "At least, sana hinintay mo munang makapasok ka ng bahay bago ka lumuhod. And don't you ever kneel to someone but God and the other saints. Never do that again."

Lalo siyang umiyak. Bago pa man kami makagawa ng eksena sa labas, pinapasok ko siya. Nagulat pa siya nang makita si Zach sa loob ng bahay ko. Nagulat din si Zach pero madali ring naka-recover. Hindi na nakapagtanong pa si Aly. Dere-deretso siya sa pagpapaliwanag.

"I owe Grace my career life. If it wasn't because of her father, I wouldn't be a model. She asked her father to recommend me to a modeling agency. Her father did. That is how I become a model. Then she told me what she wants in return."

Iyon na nga. Inutusan siya ni Grace na landiin si Keith.

"Tyler..." Sandaling sinulyapan ni Aly si Zach. "Tyler is still my boyfriend when she told me that. I wanted to quit... but my parents were so proud when I told them I am already a model, which they always wanted me to be. And I just couldn't let them down. So... I broke up with Tyler."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon