Chapter 26

6K 88 13
                                    

Nagising ako nang may tumamang liwanag sa mga mata ko. Napatingin ako sa wall clock. 1:21 pa lang ng umaga. Pagbaling ko sa tabi ko, wala na si Keith. Napabangon tuloy ako. Nasaan na ang lalaking yun?

Bumangon ako kahit na medyo antok pa ako. Yung liwanag na tumama sa mga mata ko ay yung liwanag mula sa baba ng bahay dahil bukas ang pinto ng kwarto. Anong oras pa lang? Ano naman kayang kalokohan ang ginawa ni Keith?

Pagkababa ko, naabutan ko siyang nakaupo sa dining.

"Keith..."

Nagulat pa nga siya nang magsalita ako. "Ginulat mo naman ako."

"Anong ginagawa mo? Madaling-araw pa lang ah."

Nang makalapit na ako, nakita kong nagkalat ang mga bulak sa table at mga betadine at iba pang mga gamot.

"Hindi mo kasi ginamot yung sugat ko kagabi. Humapdi bigla kanina nung natampal mo habang natutulog ka. Ang likot mong matulog. Seriously," reklamo niya.

Oo nga pala. Nalimutan ko na yung paggamot ng sugat niya. Siya rin naman.

"Kasalanan ko pa, ganon?"

"Ganon na nga."

Binatukan ko siya.

"Aray! Hindi mo na nga ako ginamot, nananakit ka pa," sabi na may halong pagtatampo. Ang arte! Jusko.

Pinanood ko siya sandali. Hindi siya marunong. Sa sobrang ingat na ingat niya sa mukha niya dahil baka masaktan siya, hindi na masyadong dumadampi yung bulak sa sugat niya.

"Akin na nga. Ang tanga nito," sabi ko sabay kuha sa kanya nung bulak.

Ginamot ko siya. Paminsan-minsan ay napapapikit siya sa sakit. Medyo napapadiin kasi minsan. Pero sinasadya ko yun nang kaunti. Nakakabwisit kasi siya eh! Ang galing makipagbasag-ulo, hindi naman marunong maggamot ng sariling sugat. Reklamo nga siya nang reklamo kada pagdidiin ko ng bulak sa sugat niya.

"Naku! Binabasag nila ang gwapong mukha ni Keith Jacob Anietas." Iniabot ko sa kanya yung ice pack na panglagay niya sa pasa niya sa cheekbone.

"Kaya nga eh. Baka mamaya lalo mo akong iwan kapag hindi na ako gwapo," biro niya na alam kong may ibang meaning.

Kunwari nalang hindi ko nagets at wala akong narinig.

"Tulog na tayo," yaya ko dahil antok na ako.

"Una ka na. Mag-e-xbox lang muna ako," sabi niya saka tumayo. Yung mukha niya... Oo na. Ang gwapo pa rin niya sa paningin ko kahit na puro band-aid na ang mukha niya.

"Ha? Hindi ka pa antok? May pasok ka pa bukas ah." Niligpit ko na yung mga ginamit namin. Siya naman, tumayo at pumunta pang sala.

"Hindi pa eh. Hindi ako papasok bukas. Absent. Broken-hearted." Tumawa pa siya. "Joke."

Pero alam kong hindi yun joke. Natigilan tuloy ako at medyo nakonsensya.

"Galit ka pa rin ba sakin?" tanong ko sa kanya habang tinatapon yung mga bulak sa basurahan.

Binuksan na niya yung xbox. "Hindi ah. Bakit ako magagalit? Mas okay na yun kaysa yung parang napilitan ka lang. Mas mabuti na rin na mas maaga mong na-realize. Baka kasi mabatukan ako ulit ni Ate kapag pinauwi ko na naman siya rito para sa kasal kong hindi na naman matutuloy." Tumawa siya nang pagak. Ang sakit pakinggan. "Kung sa kasal mo pa yan na-realize at iniwan mo ako sa harap ng altar, baka hindi na ako magpakasal kahit kailan sa trauma."

"Yan ba ang way mo ng guilt-tripping?"

"No!" Nilingon niya ako. He smiled... didn't reached his eyes. "Wala akong balak konsensyahin ka. Ano ka ba? Desisyon mo yun. I respect that."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon