Three-day camp, Keith? Three-day camp para sa photography?
Kahit bukas ang TV, hindi ko pa rin maintindihan ang nangyayari sa pinapanood ko. Nagki-quiz bee na sa loob ng utak ko at walang nakakakuha ng tamang sagot. Yung mga tanong, imbes na masagutan, nag-aanak lang ng bagong mga tanong.
Akala ko ba may camp sila? Bakit nandon sa bahay nila Geo? Bakit hindi niya ako tinetext na hindi pala sila natuloy? O kaya ni hindi man lang tumawag nung umuwi sila? Natuloy nga ba? May three-day camp nga ba? Kung wala, bakit nagsinungaling siya sakin?
Hindi kaya bakla na si Keith at may affair sila ni Geo?Nakurot ko ang sarili ko sa pumasok na tanong sa utak ko. Hindi bakla si Keith. Kung bakla yun, hiniwalayan na ako non nang tuluyan.
Hindi pa nga ba?Napakapit ako sa gilid ng sofa. Hindi nga kaya sineryoso niya yung sinabi kong maghiwalay na kami?
Sinapok ko ang sarili ko. Leche ka kasi, Glenn! Padalos-dalos ang dila mo. Hindi ka nag-iisip. Nauuna ang dila bago ang utak. Kapag nawala si Keith sayo, kasalanan mo yun. You pushed him away.
Namamawis ang kamay ko nang hawakan ko ang cellphone ko. Tawagan ko kaya si Keith?
Siya dapat ang tumawag. Siya ang lalaki.Putspa, Glenndaline! Wala nang oras para sa pride. Hindi porket lalaki siya ay siya lagi ang nauunang magtext. Kasalanan mo na, siya pa rin ang magsosorry? Wag ganon. Tao rin yan. Babae ka lang at lalaki siya pero hindi ibig sabihin, ikaw na lagi ang tama at siya lagi ang magpapakumbaba.
Pero bakit siya nagsinungaling?
Tawagan mo nang malaman mo.Hindi... Hindi ko pa kaya.
Edi mamatay ka sa kakaisip.Bumuntong-hininga ako. Mukhang mamamatay nga ako sa kakaisip kung hindi ko siya tatawagan kaya pikit-mata kong pinindot ang cellphone ko saka itinapat ang earpiece sa tenga ko.
Kumakabog ang dibdib ko habang nagriring yung phone. Mga ten minutes siguro bago niya sinagot.
"Glenn?"
I breathed in and out. Bakit ba kinakabahan ako nang sobra?
"K-Keith... hindi ba kayo natuloy?"
Walang sumagot. Pakiramdam ko mabibiyak na ang dibdib ko. Bakit hindi siya nasagot?
"Keith Jacob, alam kong kasalanan ko. Sorry. Gusto ko lang kasing perfect lahat sa kasal natin. Siguro nga ang babaw na nung ibang reasons ko kung bakit hindi natutuloy. Na-realize ko lang na sakin pala talaga lagi yung issue. Sorry."
Pinigilan kong umiyak. Magsosorry lang, iiyak pa? Inarte?
"Keith, sumagot ka naman. Sorry na o."
Wala pa rin.
"Keith!"
Bakit ba ayaw niyang sumagot?
"Keith, ano ba?"
Tiningnan ko yung cellphone ko at... lfjsiwkanaoapqnd!!!!!!! Nalobat. Ang lintik kong cellphone ay nalobat habang nag-e-emote ako kay Keith! Ang epic fail. Bwisit. Taksil. Nalimutan kong magcharge. Hampaslupa. Nakakaasar.
Ibabato ko sana ang cellphone ko kaso sayang. Sarado ang Cups and Cakes kaya wala pa akong pera. Asa lang sa stocks na pinamili namin ni Keith for two weeks. Kaya ibinato ko pa rin pero hindi na sa sahig. Sa kama nalang.
I slomped on the bed then I cried. Miss ko na talaga si Keith. Kahit na hindi pa naman ganon katagal nung umalis siya, miss na miss ko na siya. Naisip ko na matapang lang naman talaga akong awayin siya kasi alam kong hindi niya ako kayang iwan pero ang totoo, takot na takot akong mawala. Although I'm always pushing him away, I am still afraid to lose him.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)