Chapter 14

6.2K 87 18
                                    

Dalawang araw pang nag-stay si Layla at Faith dito sa bahay. Okay na rin dahil nagkaroon ako ng kakwentuhan at kasa-kasama. Pansamantalang nawala yung pagiging loner ko. At ngayon, tatlong araw na ang nakakalipas simula nang umalis sila at naisipang bumalik nang Maynila.

Hindi nila sinasagot ang mga tawag ni Grace. At ayon sa kanila, hindi raw muna sila magpapakita rito. Wag na rin daw akong mag-alala tungkol sa sirang nagawa nila. Sabi nila, sila na raw ang bahalang maglinis ng pangalan ko sa Maynila. Kasalanan daw nila iyon kaya sila na mismo ang gagawa ng paraan para makabawi. They gave me their numbers.

Tatlong araw na pero hindi pa rin nawawala sa isip ko ang isa na namang confession na natanggap ko mula sa kanila.

Bago sila tuluyang makaalis ng bahay, hinawakan ni Layla ang kamay ko.

"Glenn, may gusto pa akong sabihin sayo," sabi niya. "Si... Si Aly..."

"Kilala mo si Aly?" gulat kong tanong.

She nodded. "Inutusan lang din siya ni Grace."

She didn't tell me the other details. Iyon lang ang iniwan niya sa akin kaya naging bagong palaisipan na naman iyon sakin. So, all this time, iisa lang pala ang taong may dahilan ng lahat ng ito. Si Grace lang naman pala talaga ang punong kontrabida sa buhay namin. Kumuha lang siya ng ibang mga alagad niya na ang dalawa ay sumuko na rin naman.

"Hindi ko talaga maisip. Paano nagawa ni Grace na utusan si Alynise? I mean, Alynise Armistead is a model in France. Hindi man siya gaanong kilala, pero syempre..." Napailing nalang ako. "Magaling lang talaga siguro si Grace mag-persuade ng iba."

Napansin ko namang walang imik o reaksyon si Zach sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa malayo.

"Zach?"

Napakurap-kurap naman siya at nilingon ako. "Bakit?" tanong niya.

"Okay ka lang? Lutang ka ata ah."

Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Nababasa ko sa mga mata niya na may gusto siyang sabihin... pero hindi niya magawa.

"M-may gusto ka bang sabihin sakin?" tanong ko.

He inhaled. "Meron."

Sinasabi ko na nga ba. "Ano yun?"

And then he exhaled.

"Mahilig si Alynise sa red velvet cupcake."

I was a bit puzzled. "So?" Pero naisip ko rin agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Bagaman alam ko nang iyon ang sasabihin niya, hindi ko pa rin mapigilang magulat.

"Si Alynise Armistead ang ex ni Tyler."

Of course, I wasn't able to speak at first. I was shock. I was dumbfounded. Lumiliit nga talaga ata ngayon ang mundo naming lahat. Sobrang liit ng mundo namin na nagkakakone-konekta na ang mga tao. Yung mga inaakala mong nakilala mo lang at aalis din agad, yun pala ay may mga dahilan pala talaga kung bakit sila dumating sa buhay mo.

"Hindi pa gaanong busy sa pagmo-model noon si Aly nang magkakilala sila ni Tyler sa France. They both loved each other. Of course, I know. I was a witness of that. Bigla nalang isang araw, naglaho lahat na parang bula at umalis si Aly at iniwan si Tyler," paliwanag ni Zach. "Actually, nagulat ako noong marinig ko yung pangalan niya mula sayo. Naisip kong baka nagkataon lang na kapangalan. Ito ang dahilan kung bakit ka pinasusundan sa akin ni Tyler. Dahil nalaman niya na nabuntis ng dapat na mapapangasawa mo si Aly. It broke his heart. Pero nang malaman niyang itinatanggi ni Keith na kanya yung bata, naisip ni Tyler na baka nga hindi kay Keith. Baka kanya. At ang naisip niyang paraan para malaman iyon ay ang malaman iyon mula sayo. Kaya pinasundan ka niya sakin. Nang makita ko na yung picture nila nung Keith sa cellphone mo, napatunayan kong ang ex ni Tyler at ang babaeng sinasabi mong nabuntis ni Keith ay iisa."

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon