"Ate Kiele!" sabi ni Keith sabay akbay sakin.
Paano ba yung ngiting gagawin ko? Ngingiti ba ako na parang wala akong nalalaman? Nakaka-intimidate yung mga ngiti. Pati yung posture niya mismo. Sosyal na sosyal kasi ang dating niya. Kaya siguro hindi pa rin siya nakakapag-asawa. Siya kasi yung tipo ng babaeng katatakutan mo sa malapit pero hahangaan mo sa malayo. Ang maldi-maldita niyang tingnan pero ang ganda-ganda niya. Ang galing niyang magdala ng damit. Model material.
"Hey," bati niya sa kapatid niya sabay yakap. Hindi niya na ako pinansin.
"What are you doing here? Pasok ka," sabi ni Keith. Panay ang akbay niya sakin. I know why. Now, I know why. I used to though he is just being sweet and clingy. Yes, he is, but in a protective way.
Tinanggal ni Ate Kiele yung shades niya saka pumasok. Nagkatinginan kami ni Keith nang hilahin na ni Ate Kiele yung maleta niya. Is she staying here? Oh... good. Really.
"Hello po!" magiliw na bati ni Mario.
"Hi," she greeted shortly then turned to us. "Who's this? So you're practicing parenting."
"Si Mario. Apo ni Manang Cecille," sagot ko. Tumango lang siya. Nakaka-distract yung Louis Vuitton niyang maleta. Talaga bang mag-i-stay siya rito?
"Don't stare on my clothesbag like that! She had done nothing bad to you," Ate Kiele told us. Kinakabahang iniwas ko ang tingin ko. Si Keith, nakatingin pa rin doon sa bag niya. Matigas ang ulo.
"Don't tell me you are..."
"I am staying here for couple of nights."
"Oh, no. No."
"Yes. I just said it," she said nonchalantly.
Keith brushed his hair up. "Bakit?"
"Oh, don't be rude, Jacob! Bawal ba akong matulog dito?"
Umupo si Ate Kiele sa couch habang naka-de kwatro.
"Seryoso ka talaga?" tanong ni Keith.
"Do I look like I kid?" She snorted. "Asshole."
Napanganga ako at napatingin kay Keith. Mukha namang wala lang sa kanya. Hindi ko pa masyadong nakakasama si Ate Kiele kaya hindi ko alam ang ugali niya. Ngayon, alam ko na. She's the woman you don't wanna mess with or else you are getting anything you are going to get.
"Ha-ha-ha. You witch," Keith said. "Kumain ka na?"
"Not yet but no worries. I ate something sa byahe ko papunta rito."
"Where did you park your car?"
Sinamahan ko si Mario na magpalit ng damit. Pawisan na kasi siya. Nasa labas ako ng CR, taga-abot ng damit niya. Basa kasi sa sahig ng CR eh. Baka malaglag kung isasabit lang niya. Mabasa pa. Nakikinig pa rin ako kina Keith.
"I didn't bring my car. I rode in a taxi."
"Ano namang naisip mo at naisipan mong pumunta rito?"
"Hindi lang ako pumunta rito. I am staying in a short period of time."
I could guess Keith rolling his eyes. "Ganon din yun."
"Wala lang. Bakit? Bawal ba?"
"I am not convinced."
"Hindi kita pinipilit."
"Tapos na po ako, Ate."
Bumalik na kami ni Mario sa sala. Nanood kami ng tv. Ang awkward. Sobrang awkward. Ako lang ba ang nakakaramdam? Because it looks like the two feel just fine. Sino ba naman kasing hindi makaka-feel ng awkwardness diba? Para kaming nagpa-plastik-an dito na ako lang ang aware. I mean, they are also aware but they think I'm not.
BINABASA MO ANG
HF 2: His Thantophobia
Teen FictionHe is her serendipity. He fell in love and is afraid of losing her. - HF: Her Serendipity (book 1) HF 2: His Thantophobia (book 2)