Chapter 4

7.7K 93 13
                                    

"Red velvet cupcake and frappucino please."

Siya yung lalaki noong isang linggo. Seryoso ang mukha niya. Ang formal niya today. He is wearing a baby blue polo with sleeves folded into three-fourths. Nakabukas ang isang butones niya sa pinakataas at nakasabit lang sa braso niya yung coat niya. Mukhang may trabaho siya. Ngayon nalang ulit siya napadpad dito ah.

"Good morning, Sir!" masigla kong bati. Sinasabi ko na nga ba eh. Siya yung lalaking pumunta rito na napagbuntungan ko ng galit noon. Bakit sabi niya roon sa ospital, hindi raw siya? Imposible namang kamukha lang niya. Kamukhang kamukha niya naman, sobra.

Tinanguan lang niya ako. Mukhang bad mood na naman si Kuya ah. Napakamoody naman ng isang to.

I punched in his order. Ibinigay ko yung resibo niya. "Umupo po muna kayo roon at hintayin niyong tawagin kayo para makuha niyo yung order niyo."

Walang imik na umupo siya. Pagkatapos ay inilabas niya yung cellphone niya saka may tinawagan. Habang nag-a-assist ako sa ibang customers, tinitingnan-tingnan ko siya. Ang misteryoso ng lalaking yun. Hindi ko trabahong mangielam sa buhay ng iba pero nakaka-curious kasi siya. Bakit niya itinatangging napunta siya rito noon sa akin? Tapos hindi man lang niya ako binati ngayon.

Anyway, it's not a big deal.

"Che, hindi ba siya yung lalaking bumili rito noon?" tanong ko.

"Yung bang nakasagutan mo? Oo, siya yun. Pogi niya no? Ang sungit-sungit lang," sabi ni Cheska.

Nagkunwari kaming nag-aayos ng box na pinaglalagyan ng mga cupcakes na tine-take away.

"Nakabungguan ko kasi siya noon sa ospital nung sinamahan namin si Alynise."

"O? Edi sumabog yung ospital?"

"Hindi nga eh. Nakakapagtaka. Ang bait-bait niya sakin noon. Panay pa nga ang sorry niya eh."

"Edi maigi."

"Nagsorry na rin ako tungkol doon sa nangyaring sagutan namin."

"O?"

"Hindi raw siya yun."

Napakunot ang noo ni Cheska. "Ha?"

"Ang sabi niya sa akin, nagkakamali lang daw ako. Hindi raw siya yun. Gusto ko ngang um-agree kasi ibang iba ang ugali niya noon pero alam ko talagang siya yun. Hindi pa malabo ang mata ko, Che. Siya talaga yun."

"Ang laki ng problema mo, girl. Pabayaan mo nalang siya. He's just another ordinary, regular customer."

Pero... pakiramdam ko hindi lang siya ordinaryong customer dito. May iba pa.

"Pero baka nga hindi lang siya basta ordinaryong customer. Kapag kasi nandito siya, para siyang magnet na humahatak ng mga malalanding dalagita kaya nagkakaroon tayo ng mga customers na dati ay dumadaan-daan lang naman," dagdag pa ni Cheska.

Nilingon ako ni Cheska nang hindi ako sumagot at nakatitig pa rin doon sa lalaking mukhang aburido na sa kausap nito sa telepono. Napapatingin din dito ang ibang dalagita naming customers. May ilan pang patagong kumukuha ng picture.

Kung alam lang nila. Baka kapag nahuli sila nitong kinukuhanan ito ng picture, baka madurog nito ang cellphone nila.

"Girl, tigilan mo na siya. Baka moody lang yung tao."

"Hindi ko alam. Para kasing hindi eh. Parang..."

"Gutom lang yan. Nag-almusal ka na ba?"

Nilingon ko si Cheska. "Hindi pa nga eh. Ano bang pwedeng makain?"

HF 2: His ThantophobiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon