CHAPTER 214

426 28 3
                                    

Maxine's POV

'Yon na nga. Oras na ng lunch time ngayon. Kaloka! Nakakabaliw yung long test kanina tapos biglaan pa! Buti na lang talaga at naga-advance reading ako. 'Yun din yung pinapagawa ko kina Andrea eh kung sakaling magbigay ng biglaang test or quiz, handa kami. Pero hindi lahat ng na aral ko ay nand'on sa tinest namin kanina. Hays grabe... Ganito talaga kapag college na. Kailangan mong mas lalong pagpursigihin at pagtiyagaan. Para rin kasi 'to sa future eh. Ang gusto ko talaga maging paglaki ko ay maging may-ari ako ng coffee shop. Trip ko kasi yung mga kape ngayon eh.

Pero minsan lang ako magkape sa gabi kung ayaw kong matulog ng maaga dahil minsan, marami akong kailangan na gawin or asikasuhin. Ganito talaga ang buhay ng isang college student. Sobrang thrill at nakakastress na. Hays. And... Speaking of student, habang naglelecture yung mga teacher kanina ay kinikilatis ko yung mga classmate ko. Nagbabakasakali lang ako na nandito yung taong tinutukoy doon sa papel. Pero bigo akong mahanap yung taong 'yon. Siguro sa cafeteria na lang. Kaso mas maraming tao d'on eh tapos mag-isa lang akong hahanap sa taong 'yon.

Jusmeyo marimar. Napailing na lang ako habang nagaayos ako ng gamit ko."Ahm Max... Can i talk to you?"boses ng pamilyar na tao.

Naalala ko bigla. Hays. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. Agad ko namang naayos ang mga gamit ko kaya matapos n'on ay lumabas na kaming dalawa ng room."Sa katunayan din niyan Vizier gusto rin kitang makausap."saad ko habang naglalakad kami. Bigla ko na lamang siyang hinatak papunta sa bench na nakita ko. Umupo kami rito. Humugot muna ako ng lakas. Hay bahala na si Batman."Alam mo kasi Vizier...."

"You don't have to say. I already know."biglang sabi niya.

"Kung alam mo na... Pwede bang itigil mo na yung balak mong manligaw sa 'kin?"kumbinsi ko sa kanya."Dahil ayokong mag-away din kayo ni Tayler, Vizier."

"I'm sorry Maxine.... I can't..."si Vizier.

"Kung hindi mo kaya, bakit 'di mo subukan hanggang sa masanay ka? Dahil hindi mo gugustuhin na makalaban ako."may boses naman na nakisingit."Maxine can you leave us alone? I wanna talk to him, man to man."baling niya sa akin na tinanguan ko na lang. Agad na lang akong umalis palayo. Lagot talaga 'tong si Tayler kapag may ginawa siyang kung ano kay Vizier...

Tayler's POV

Pupuntahan ko ngayon si Maxine para sabay kaming mag-lunch. Pero nahinto ako sa paglalakad ng may namataan ako. Habang mas lalo akong lumalapit sa kanila, mas lalo ko namang naririnig ang usapan nila."Kung hindi mo kaya, bakit 'di mo subukan hanggang sa masanay ka? Dahil hindi mo gugustuhin na makalaban ako."singit ko sa usapan nila."Maxine can you leave us alone? I wanna talk to him, man to man."baling ko kay Maxine na tinanguan na lang niya bilang pagsang-ayon.

Hinintay ko muna siyang umalis bago ko kausapin si Vizier. Nakita ko siyang biglang tumayo."If you think you can please me, mapapayag mo na 'ko. No... You can't because i won't let you happy with her. Isang beses mo na siyang iniwan Tayler at base rin sa mga nakwento ni Maxine, matindi din ang pinagdaan at pinaghirapan niya. I won't let it happen again Tayler. And i don't want seeing Maxine in pain. Mas makakabuti si Maxine sa 'kin kesa sayo."mariin nitong sabi.

Napamulsa ko ang mga kamay ko sa suot kong pants sabay tumitig ako sa kanya."All i want is stop what your doing."sabi ko sabay humakbang ako papunta sa gawing kanan niya at tumayo lang ako."Kung ayaw mong tumigil, pwes maghanda kana. I'm silent but deadly. Hindi mo gugustuhin na makalaban ako Vizier. Mas mabuti pang hanapin mo na lang ang nawawala mong nakababatang kapatid na babae."dagdag ko pa sa sinabi ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon