CHAPTER 194

417 30 1
                                    

2 days after...

Maxine's POV

Dalawang araw na ang nakakalipas ng umalis si Tayler. Hindi na kami nagkami pa ulit nung nagpaalam siya sa akin. Hindi ko alam kung nakabalik na ba siya. Nasabi ko na din kina Justine na umalis si Tayler. Nagpalusot pa nga ako eh. Nabigla sila nung nalaman nilang nagusap kami ni Tayler. Tapos yung si Andrea naman todo tukso sa akin kay Tayler. Sabi niya pa sa akin mahal ko pa daw si Tayler tapos ako namang Lola niyo may padeny-deny pang nalalaman. Sina kuya mas ikinatuwa pa nila nung nalaman nilang nagkausap kami.

Tinanong din nila ako kung kailan ko sinimulang kausapin si Tayler tapos ako naman nagpalusot para hindi muna nila malaman. Sasabihin ko din naman sa kanila eh. Tapos kahapon napadaan ako sa building kung nasaan yung condo ni Tayler. Sinilip ko yung bintana ng unit niya. Pero hindi ko pa rin alam kung nakabalik na ba siya. Kahapon, habang kumakain kami sa cafeteria nasabi ni Kaireen na birthday niya this upcoming weekend, Sunday. Hindi ko alam kung pwede akong mag-leave or mag cut ng oras. Balak niya kasing i-celebrate yung birthday niya doon sa kanila tapos kami invited daw.

Sa gabi naman daw ise-celebrate yung birthday niya. Kaunti lang naman daw yung bisita kasi ayaw ni Kaireen ng maramihan. Yung family tsaka kami lang daw yung inimbitahan. So silang lahat go na ako na lang yung hindi. Nakapagpaalam na kasi sila ng maaga sa mga amo nila ako na lang yung hindi pa. Kaya pagkatapos ko dito sa work ko magpapaalam na ako kay Mrs. Andi. Nandito kasi ako sa work ko. Bakit kaya ang bilis ng araw ngayon? Ilang buwan na lang magbi-birthday na ako. Magtwe-twenty years old palang ako. Tapos ilang years na lang graduate na kami sa pagaaral.

Sure akong si kuya unang magaasawa sa amin or si Cairo. Ako nga wala pang jowa eh, gan'on din si Vizier at Damon. Yung dalawang 'yon? Patuloy pa rin sa panliligaw nila sa akin pero buti na lang hindi sila nagaaway.  Ewan ko na lang kung nagraratratan na sila sa likuran ko. Teka bakit ganito yung inisip ko? Sa totoo lang, gusto ko na silang tumigil sa ginagawa nila kasi ayoko silang umasa sa wala. Dahil magpahanggang ngayon, wala pa rin akong nararamdaman para kay Damon.

Gusto ko man siyang patigilin pero mapilit siya tapos ito naman si Vizier ang sarap kausap lalo na tuwing ngumingiti siya hehehe. HOY WALANG MEANING 'YON AH! Ang cute kasi niya kung paano siya ngumiti eh. Ang dami ngang babaeng nababaliw sa kanya ewan ko na lang kung wala siyang matipuhan eh halos lahat naman ng babaeng nagkakagusto sa kanya ay puro magaganda pero mga desperada. Natatawa na nga lang ako tuwing maalala ko yung mga araw na obsessed na obsessed sa kanya yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya lalo na yung mga bakla? Jusko daig pa ang babae n'on.

Natapos na ang oras ko ngayon dito sa Juice Bar. Agad akong nagbihis. Matapos kong makapagbihis ay binitbit ko na ang mga gamit ko at agad kong hinanap si Ma'am Andi."Ma'am Andi excuse me lang po hehehe."tawag ko kay Ma'am Andi ng makita ko siya sa may cashier.

"Oh ano 'yon Maxine?"tanong niya sa akin.

"Ay Ma'am pwede po ba kong umuwi ng maaga sa linggo kasi po inimbitahan ako ng kaibigan ko na pumunta sa birthday party niya."

"Of course why not?"nakangiting sabi ni Ma'am.

Natuwa naman ako dahil pumayag siya."Salamat po Ma'am."masaya akong nagpasalamat.

"Basta pagbubutihan mo ang pagtratrabaho mo dito at higit sa lahat? Magaral ka ng mabuti para maabot mo yung mga pangarap mo sa buhay."mas lalo naman akong napangiti ng sabihin naman niya 'yon."Bilid nga ako sayo Maxine dahil pinagsasabay mo yung pagaaral at pagtratrabaho. Ang swerte naman ng mga magulang mo dahil pinalaki ka nilang mabuting bata."dagdag pa ni Ma'am Andi sa kanyang sinabi na ikinalungkot ko naman."Oh bakit Maxine? May nasabi ba akong mali?"alalang tanong niya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon