CHAPTER 181

507 29 2
                                    

Vizier's POV

Matapos kong magpaalam kay Maxine ay sinundan ko na si Prof Minerva. Hindi ko alam kung saan patungo ang isang 'to pero mukhang sa lugar na walang tao siya pupunta. Alam ko na mangyayari na 'to kaya pinaghandaan ko na. Hindi ako sigurado kung pagkatapos nitong paguusap namin ay tigilan niya na si Maxine. Base sa mga nalaman ko, masyadong matigas ang ulo ng babaeng 'to. Mas matigas pa sa bato. Pero kahit ang isang matigas na tulad niya hindi ko uurungan. Kung mandidisiplina siya, dapat disiplinahin muna niya ang sarili niya bago ang iba. Mukhang nakahalata na siya.

Tumigil na siya sa paglalakad ng makarating kami dito sa likod ng University. Nakatalikod siya sa akin pero agad din naman siyang umikot paharap sa akin."You."nagseryoso siya bigla."Anong sinasabi mo kanina na kapag tinangka kong sampalin si Alonzo ay kung hindi ano? I think you know everything about me?"parang kinikilatis niya ako habang sinasabi niya sa akin ang mga 'yon. Napansin kong biglang nagulat o nabigla ang mukha niya.

Napangiti tuloy ako."Oo... Alam ko na may—"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan niya bigla ang bibig ko."Don't you ever try to tell them that you know about that. Ilang taon kong tinago 'yan at pinangalagaan kaya 'wag mong subukan na sabihin sa kahit na kanino ang tungkol diyan."parang nanlalaki pa ang kanyang mga mata habang sinasabi niya sa akin 'yon.

Tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko."Sasabihin ko yung sikreto mo kapag nalaman kong sinaktan at sinabihan mo na naman ng hindi magagandang salita si Maxine. Hindi ko gagamitin ang sikreto mo laban sayo. Gusto ko lang na malaman mong ayokong may nananakit kay Maxine."sabi ko naman sa kanya.

"Then bakit parang iniingatan mo si Maxine? Base ngayon sa mga narinig ko hindi na kaibigan ang concern mo sa kanya, am i right Nicholas? So i knew it. You like Maxine."napa-cross arms pa siya at sinabayan niya pa ng ngiti nang sabihin niya 'yon.

Nagpakawala muna ako ng hininga."Nagkakamali ka. Wala akong gusto kay Maxine. Sadyang ayoko lang na may nanakit sa kanya."kalmadong pagkakasabi ko.

"Nicholas, hindi mo 'ko ako maloloko. Dumaan na ako sa ganyan noong kaedad ninyo palang ako."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Bigla siyang natawa. Hindi lang pala ako ang weird dito, pati na rin pala yung babaeng 'to."Kung ako sayo umamin kana kaagad, bago ka pa maunahan dahil kapag hindi ka nag-confess ng feelings mo magsisisi ka sa huli."nakangiti niyang sabi sa akin."Alam mo, nagkahiwalay kami ng nobyo ko noon. Tapos may dumating. Naging matalik kaming magkaibigan hanggang sa dumating ang araw na nagbalik ang nobyo ko. Ang sabi niya, gusto niyang makipagmabutihan muli sa akin. Syempre ako nag-isip muna dahil hindi lagi ang puso ang tama at hindi lagi ang puso ang susundin natin. And after on, pinagbigyan ko siya hanggang dumating ang araw na nagsabi na sa akin ng nararamdaman ang kaibigan ko. Doon niya napagtanto na huli na ang lahat dahil nagkabalikan na kami ng nobyo ko."kwento ni Prof Minerva."Sana makatulong ang sinabi ko sayo. Kung hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo kay Alonzo, alamin mo na habang maaga pa. Mauuna na ako dahil may klase pa ako. Ipapaalala ko ulit sayo, 'wag mong sabihin sa iba ang nalaman mo."pagkatapos niyang sabihin sa akin 'yon ay umalis na siya.

Hindi ko alam kung anong sinasabi ng babaeng 'yon at tsaka bakit kailangan niya pang sabihin sa akin 'yon? Kaibigan lang ang turing ko kay Maxine, hindi na sosobra doon. Sigurado din ako na wala akong feelings for her. Hindi pa ako interesado na magka-girlfriend ngayon. Anong pumasok sa isip ng isang 'yon? Sa lahat ba naman ng pwedeng isipin 'yon pa? Tsaka hindi naman big deal sa akin 'yon. Wala namang ibig-sabihin yung pagproprotekta ay pagtatanggol ko kay Maxine. Ayoko lang talaga na sinasaktan siya nino man maski ang mga kaibigan niya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon