Vizier's POV
Nakarating na kami sa dorm ni Maxine. Naitabi ko na ang sasakyan ko. Sabay namimg tinanggal ang suot naming mga seat belt pagkatapos ay bumaba kamin ng sasakyan. Habang sinasara ko ang pintuan ng driver seat at tinitignan ko ang oras sa relos ko, 9:04 PM na. Nagkititigan kami ni Maxine at sinenyasan niya ako na sumunod na ako sa kanya. Siya ang unang umakyat pagkatapos ay sumunod ako. Nakabuksan pa ang ilaw dito ng makaakyat kami ni Maxine. May nakita akong mga tao na nakatambay sa salas. Sila yung mga kaibigan ni Maxine.
Lumapit si Maxine sa kanila. May pinaguusapan sila. Tumabi muna ako sa isang tabi at hinintay ko siya."Vizier, maupo ka muna dito. Magpapalit lang ako ng damit."bigla akong tinawag ni Maxine.
Agad akong lumapit sa kanya. Umupo na ako sa tabi nung mga kaibigan niya. Napapagitna pa ako. Umalis na si Maxine ng makaupo ako."Uy Mr. Hotty magkasama kayo ni Maxine?"tanong sa akin nung nagngangalang Andrea."Hinatid mo ba siya dito? Sabay ba ulit kayo maghahapunan?"mga tanong pa niya sa akin
"Andrea! Naririnig kita! 'Wag mo ng tanungin ng kung ano-ano si Vizier!"biglang sumigaw si Maxine.
Natahimik kaming dalawa. Nag-peace sign siya sa akin."Vizier lagi ba talaga kayong magkasama ni Maxine?"tanong naman sa akin nung nagngangalang Yna, yung roommate ni Maxine.
Nakayakap siya sa unan habang may kinakalikot sa cellphone niya, katulad na lang nung nagngangalang Andrea."Kapag sinagot ba kita ng OO maniniwala ka?"sabi ko naman.
"Oo naman! Tsaka mukhang katiwa-tiwala ka namang tao eh."si Yna.
Hindi ko na lang siya pinansin ng sabihin niya sa akin 'yon."Ay nga pala Vizier, may girlfriend kana ba or nagkagirlfriend kana?"muli akong tinanung nitong Andrea.
"Wala akong girlfriend since birth at magpahanggang ngayon."sagot ko sa tanong niya.
Nakita kong nagulat ang naging reaksyon niya. Napatakip pa siya ng bibig at nanlaki ang kanyang mata. May dapat bang ikagulat sa sinabi kong 'yon?"Hindi naman sa minamadali kita pero dederetsahin na kita."sabi niya pa sa akin."May gusto ka ba kay Maxine?"muli na naman niya akong tinanong.
Sasagutin ko na sana yung tanong niyang 'yon ng biglang lumabas si Maxine."Vizier kumain na tayo para makauwi kana. Baka gabihin ka pa eh."sabi sa akin ni Maxine. Tumayo na ako. Parang nakapantulog na si Maxine. Long sleeve na polo. Ang haba, lampas hanggang hita niya. Mukhang nakamaikling short lang siya. Nakapuson ang tali. Naupo na kami."Dito ka makakatikim ng mga pagkain na hindi mo pa natitikman kasi sure akong puro pangmayaman yung mga kinakain niyo."sabi pa ni Maxine habang tinatanggal yung takip na parang basket. Lumitaw ang mga ulam."Ito dinuguan, sinigang na tahong, favorite ko 'yan tapos itong sisig."pagpapakilala niya pa sa akin sa mga pagkain. Pamilyar sila sa akin pero hindi pa ako nakakain ng mga ganyan lalo na yung d-dinuguan... Napalunok ako."Wag kang magalala, safe 'yang kainin. Pwera na lang kung nilagyan 'yan ng lason ni Andrea. Joke."pabiro pa niyang sabi.
Narinig kong natawa yung mga kaibigan ni Maxine."Sasaluhan mo ba ako o hindi?"tanong ko sa kanya.
"Sasaluhan syempre. Nagugutom na kaya ako tsaka mainit-init pa 'yan oh tapos niluto pa nila yung favorite kong sinigang na tahong. Wait kukuha lang ako ng mga plato."pagkatapos niyang sabihin 'yon ay nagtungo na siya sa kusina.
Ilang saglit pa ay nakabalik na siya. Nilapag niya ang mga plato, spoon at fork. Nilagyan niya ako ng kanin at nilapit niya sa akin akin yung mga ulam."Thanks."pagpapasalamat ko naman.
Kumuha siya ng tubig at ng mga baso. Siya na din ang naglagay ng tubig sa baso ko pagkatapos n'on at naupo na siya sa tabi ko."Kumain kana. Wag kang matakot. Promise masarap 'yan. Baka 'da best magluto ang mga cheerleaders."sabi ni Maxine.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...