Maxine's POV
Maaga akong nagising ngayon dahil ngayong araw ay babalik na ako sa dorm para doon na lang ako magpagaling. Sure naman akong aasikasuhin ako nina Summer eh tsaka konti na lang din naman magiging maayos na ako. Hindi na nga ko masyadong mainit eh. Baka nga bukas makabalik na ako sa school. Hinihintay ko na lang si Tayler. Naliligo pa siya eh. Hindi daw siya nakaligo kagabi kasi nalimutan niya. Pa'no naman kasi eh uminom na naman ang loko. Baka alak talaga ang magpapatumba sa isang 'to. Baka nga may sakit na 'to eh. 'Di lang niya makuhang magpa-check up.
Nauna kasi ako sa kanyang matulog. Siguro nung nakatulog na ako, doon na siya uminom. Ibang klase talaga ang isang 'yon. Baka kapag wala na ako dito, araw-arawin niya na. Kontrolin niya naman sana. Subukan lang talaga niyang ipakita sa akin na naninigarilyo siya, tatahiin ko na talaga bibig n'on. Hindi ko pa kaya nakikita siyang naninigarilyo. Pero 'wag niya talagang subukan. Makakatikim talaga siya sa akin. As a "friend" diba? Ano namang masama d'on. Syempre malalagay sa hindi maganda yung kalusugan niya 'no.
Kung 'di niya kayang kontrolin yung sarili niya, edi ako na lang, kami. Hindi lang naman ako yung concern sa magiging kalagayan niya eh kung ipagpatuloy niya yung gan'on. Sana naman isipin niya yung sarili niya. Hindi yung nagpapadala na lang siya sa gusto ng katawan niya. Siguro naman lahat ng bisyo natitigil diba? Basta may tamang pag-gabay. Okay lang naman na uminom siya eh. Pero kontrolin niya. Hindi yung bawat gawin eh iinom siya. Baka nga 'di pa siya kumakain eh umiinom na siya. Hay na'ko. Ang hirap talagang pasunurin ang isang Fuegeras.
May biglang kumatok sa pinto."Pasok."sabi ko.
Bumukas na ang pinto at iniluwal nito si Tayler. Nagpupunas siya ng buhok habang naglalakad palapit sa akin."Ready kana?"tanong niya sa akin.
"Malamang."medyo mataray akong sumagot.
Bigla siyang umupo sa tabi ko. Nagiwas naman ako ng tingin."Bakit parang galit ka? May nagawa na naman ba 'ko?"nagtanong siya ulit.
Napa-cross arms ako bigla."Sino? Ako galit? Huh. Baliw ka ba? Bakit naman ako magagalit? Hmp!"masungit kong sabi. Nagulat ako ng may biglang nangiliti sa akin."T-tama na Tayler! Nakikiliti ako! Hahahahahaha! Hoy tumigil kana! Hahahahahaha!"sabi ko pa sa kanya pero 'di niya ginawa."Uy 'di ko na kaya hahahahahahaha!"tawang-tawang pa rin na sabi ko habang sinusubukan ko siyang pigilan sa ginagawa niyang pangingiliti sa akin.
Napaatras ako palayo sa kanya pero lumapit pa rin siya. Nang makalapit siya ay muli na naman niya akong kiniliti. Yari talaga sa 'kin 'tong lalaking 'to kapag natapos 'to. Kingina hindi ko na kaya pangingiliti niya. Malakas pa naman kiliti ko. Sundutin mo lang tagiliran ko, mapapatalon na ako. Tagumpaya akong maalis ang kamay niya sa akin. Tatayo na sana ako para makatakas sa kanya pero hinatak niya ako hanggang sa napagulong ako at nahulog kaming dalawa sa kama. Napahiga siya sa sahig habang ako naman ay napapatong sa kanya. Unti-unti ko siyang tinignan. Mukha naman siyang maayos.
Hanggang sa nagkasalubong ang mga tingin namin. Habang tinitignan ko siya, pakiramdam ko may sakit sa mga mata niya?"Mag-aayos na ako para makauwi kana."bigla niyang sabi
Nabalik ako sa wisyo kaya napatayo ako bigla. Tinulungan ko naman siyang makatayo."I-ikaw kasi eh. Sabi ko sayo tama na."masungit na pagkakasabi ko sa kanya.
Nakita kong napailing at natawa siya. Naglakad na siya palabas."Tara na nga. Hindi na ako mag-aayos pa."sabi niya pa sabay kuha sa mga gamit ko.
Lumabas na siya kaya sumunod na kaagad ako. Ako na ang nasara ng pinto. Nakita kong kinuha niya na yung mga Susi niya sa babasaging lamesa. Nauna naman na akong lumabas sa kanya. Hindi naman nagtagal at lumabas na rin siya. Ni-lock niya na muna yung pinto bago kami magpatuloy. Matapos niyang masara ang pinto ng condo niya ay naglakad na kami palapit sa elevator. Nang magbukas ang elevator ay pumasok na kami. Siya na yung pumindot doon sa mga buttons. Matapos niyang gawin 'yon ay nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...