CHAPTER 216

328 15 1
                                    

Maxine's POV

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa kwento sa akin ni Vizier. Naguguluhan ako kung bakit ginawa ni Tayler 'yon sa kanya. Ayoko sanang iwang gan'on si Vizier pero ang ending, hinatid niya pa ako dito. Parang ako tuloy yung nagi-guilty sa ginawa ni Tayler sa kanya. Sa lahat ng biro, yung ginawa niya angb pinaka hindi nakakatuwa at sa lahat ng kalokohang ginawa niya, ito yung pinakamasama. Makipaglaro ka ba naman sa isang kuya na gustong makita yung nakababatang kapatid niya eh 'di ba sasama loob mo nun? Kakausapin ko talagang yung isang 'yon mamaya.

Hindi ko kayang palampasin yung ginawa niya kay Vizier. Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa kanila pero bilang kaibigan ni Vizier at bilang girlfriend ni Tayler, gusto kong tumulong. Tulungan sila. Lalo na si Vizier. Gusto kong matapos na yung paghihirap ng pamilya nila sa paghahanap sa nakababata niyang kapatid. Kahit na sabihin pa ni Vizier na masaya siya, ako hindi. Hindi ako naniniwalang masaya siya kahit kasama niya pa ako dahil ramdam ko sa kanya na hindi talaga siya masaya. Malapit na siyang maging masaya eh pero si Tayler hinadlangan 'yon.

Hindi porke alam niya kung nasaan yung kapatid ni Vizier eh paglalaruan niya na yung tao. Hindi sa kinakampihan ko si Vizier pero walang karapatan si Tayler na gawin 'to. Deserve na makita ni Vizier yung kapatid niya. Bakit kailangan pahirapan pa siya ng ganito? Naaawa talaga ako sa kanya. Naiiyak tuloy ako. Nakakainis si Tayler! Hindi lang nakakainis, nakaka-high blood pa. Ang dami-dami ko na ngang iniisip, dumagdag pa 'to. Wala eh. Gusto ko rin namang tulungan si Vizier para matapos na yung paghihirap ng pamilya niya. Hay na'ko! >0<

Kinuha ko na lang ang bag ko at lumabas na ako ng kwarto namin ni Yna."Mga 'teh. Gora na 'ko ha?"paalam ko sa kanila.

"Ingat!"Sunny

"Kita kits na lang!"Andrea.

"Okay!"Kaireen.

Bumaba na ako ng hagdan matapos kong makapagpaalam sa kanila. Saktong pagkababa ko ng hagdan ay natanaw ko yung taong kinaiinisan ko ngayon. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas ako. Napatigil ako sa paglalakad nang may biglang humawak sa kamay ko. Nang makita kong si Tayler 'yon ay agad ko siyang sinampal.

"Can we talk Maxine?"tanong niya sa 'kin.

"Talk mo mukhang mo!"inis na sabi ko sa kanya. Maglalakad na sana ulit ako pero nakahawak pa rin siya sa kamay ko."Pwede ba bitawan mo yung kamay ko!"nagpumiglas ako pero hindi ko pa rin maalis ang kamay niya sa pagkakahawak sa 'kin.

"Maxine."tawag niya sa 'kin.

"Max—"

Nakita kong sumulpot bigla si Vizier. Tinanggal ko muna ang kamay ni Tayler sa pagkakahawak sa 'kin"Hayaan mong ako ang kumausap sa isang 'to Vizier."baling ko sa kanya at agad ko namang binalikan ng atensyon si Tayler."Alam mo Tayler wala ka pa rin pinagbago. Katulad ka pa rin nung dati, mas malala nga lang ngayon. Bakit mo naman hindi sinipot si Vizier kagabi ha? Alam mo bang asang-asa yung tao."inis na sabi ko sa kanya.

Lumapit sa 'kin si Vizier at pumunta siya sa likuran ko."Maxine hayaan mo na lang siya. Wala na kong pakealam sa ginawa niyang pagloko sa 'kin kagabi."rinig kong sabi niya.

"Kung ikaw hahayaan mo na lang, pwes ako hindi."sabi ko sa kanya."Alam mo bang nasapak pa 'tong si Vizier sa mukha dahil nakiusap siya kagabi doon sa magsasara ng park na gusto niya pang manatili dahil inaantay ka niya! Pero anong ginawa mo ha? Pinaasa mo lang siya! Tapos anong sasabihin mong excuse sa kanya ngayon ha? Alam mo bang sobrang sakit n'on!"ani ko.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon