CHAPTER 229

276 12 0
                                    

Cairo's POV

Naglakad kami dito sa lugar kung nasaan si Maxine na na-track ko. Iniwan kasi namin yung kotse doon pagkalagpas namin sa check point dahil baka makahalata yung kaaway. Ngayon, nagtatago kami sa mga puno. Sa loob ng gubat na 'yon ang tinuturo ng GPS ko kung nasaan si Maxine. Puro gubat lang yung nandito. Tahimik ang kalsada. Mukhang wala masyadong dumadaan dito. Ang tahimik, nakakatakot. Hinihintay na lang namin si Tayler dahil ang sabi niya 'wag muna kaming gumawa ng kahit na ano habang wala siya. Tinext ni Justine si Tayler na iwan yung sasakyan niya doon pagkalagpas ng checkpoint at maglakad na lang papunta dito sa may gubat na madadaanan niya.

Nagtago kami dahil baka makita kami ng kalaban. Wala kaming ideya kung ilan sila. Buti na lang at may dala kaming mga patalim at tig-iisa kaming baril. Tangina, pistol lang yung dala ni Justine tss. Yung bala, baka kulangin pa sa 'min. Bwisit na 'yan. Hindi kami handa sa ganitong biglaang pag-rescue! Lagi na lang si Maxine yung kinukuha. Nagaalala ako dahil baka ma-trauma na si Maxine. Ilang beses na kaya siyang napapahamak ng ganito. Hay bwisit na 'yan, may gig pa kami ngayong gabi eh. Sayang 'yon pero mahalagang maligtas muna namin si Maxine at madala namin siya sa ligtas na lugar. Magiging mahaba sa 'min ang gabing 'to. Hindi pa nga kami nakakapagpahinga dahil galing kami doon sa squatter area eh.

Bahala na si superman. Nakita kong may mga parating na tao. Si Tayler kasama sina Vizier ba 'yon? At si Damon? Nilapitan ako nilang tatlo."Oh bakit kasama 'yang dalawang kulugong 'yan? Baka lalo tayong mapahamak sa kanila. Tsaka wala silang kinalaman dito ah."sabi ko kay Tayler.

"Not only Maxine do kidnapped. There's also a younger sister of Vizier. And Damon went along."nagsalita naman na si Tayler.

Napatingin na lang ako dito sa dalawa na may hawak na baril."Teka lang... Marunong ba kayong gumamit niyan?"baling ko naman sa kanilang dalawa

"No."sabay nila akong sinagot.

Natampal ko na lang ang noo ko."Any news?"si Tayler.

"Sa tingin namin, nasa loob ng gubat na 'yan sina Maxine. Diyan yung tinutukoy nitong GPS ko eh."paglahad ko naman sa kanya.

Nagpakawala ng hangin si Tayler at mukhang nagiisip-isip."Ganito, Damon sumama ka kay Justine. Cairo, kayong dalawa ng kapatid mo at ikaw Vizier sa 'kin ka sumama. Maging alisto kayo dahil hindi natin alam kung ilan silang nandito. Kilos na."aniya.

"Okay!"sabay-sabay naman naming sabing tatlo.

Maingat naman akong pumunta sa pinagtataguan ni kuya."Oh ano daw sabi?"agad akong tinanong ni kumag.

"Kilos na daw."sumagot naman ako. Nagsensyahan kaming lahat na ready na kami kaya nagsikilos na kaming lahat. Nasa unahan ko si kuya habang ako ay nasa likuran niya. Madalim dito. Wala kaming dalang flashlight. Biglang may tumamang kung ano sa kanang braso ko."Ahh..."napadaing naman ako. Nakita ko na lang may gasgas ang braso ko.

"Anong nangyari?!"alalang tanong ni kupal sa 'kin.

"May tumamang kung ano sa 'kin..."sagot ko naman habang nakahawak ako sa braso ko. Pati damit ko at napunit. Sa tingin ko, hindi ito gawa ng baril."Magpatuloy na tayo. Ayos lang ako."sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka?"paniniguro niya pa na tinanguan ko na lang.

Medyo masakit pero ayos lang. Nagpatuloy naman na kami ni kuya sa paglalakad. Ang tataas ng mga puno dito kaya naman sa taas ako nakatingin at mas tinalasan ko pa ang paningin ko dahil nga sobrang dilim ng paligid. Tangina linawag lang ng buwan ang nagsisilbi namin ilaw. Masama ang kutob ko dito. Parang may hindi tama. Siguradong pinaghahandaan ng mga kalaban yung pagdating namin. Hay bwisit. Samantalang kami, hindi. Lagot talaga ako kay Yna nito pagnalaman niyang nagasgasan yung braso ko. Si kuya din, natamaan siya ng bala ng baril kanina. Si Tayler, sa binti tinamaan. Si Justine, walang galos ni-isa.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon