CHAPTER 212

412 22 6
                                    

Maxine's POV

Wala na ako sa ospital ngayon. Nandito ako sa loob ng sasakyan kasama si Tayler. Ihahatid niya na muna ako sa dorm. May nagbabantay naman kay Aya. Dumating na kasi si Liam kaya siya na muna yung magbabantay kay Aya. Hindi ako makatingin ngayon kay Tayler. Parang nahihiya ako na ewan. Seryoso ba talaga sa sinabi niyang 'yon? Kami na?! Kingina... Ako naman 'tong si tanga na walang ginawa. Nanahimik lang at hindi ako naka-imik. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana na parang baliw. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin 'yon. At ngayon din, hindi ako nagpapahalata kay Tayler.

Kilala ako ng isang 'to. Kapag nakahalata siya na kakaiba ang kinikilos ko, agad niya akong tatanungin kung ano yung ginagawa ko or gagawin ko pa lang. Mas tumitimbang pa rin talaga yung takot at kaba ko. Kakalma lang ako kung magiging na si Aya. Kailangan niyang malaman ang totoo. Kung hindi kayang sabihin nina Tayler ang tungkol sa nangyari sa lola niya, ako mismo ang magsasabi sa kanya. Masakit mawalan ng mahal sa buhay. Naranasan ko na 'yon. Pero wala ng iba pang magagawa si Aya kundi tanggapin na lang niya ang nangyari sa lola niya.

Ginawa naman na nina Justine ang makakaya nila para maligtas yung mga taong nasa dorm pero huli na ang lahat para sa lola niya. Parang ako yung nasasaktan para kay Aya. Bigla naman nasagi sa isipan ko sina mama at papa. Ilang taon ko ng hindi sila nabibisita sa Palawan kung nasaan ang mga puntod nila. Siguro sa darating na pasko, doon muna ako magi-stay. Buo pa naman yung bahay namin doon eh. Hindi naman namin 'yon binenta. Tsaka masarap tumira doon. Kasi paglabas mo ng bahay, buhangin at asul na dagat kaagad ang bubungad sayo.

Ilang taon na rin ang nakalipas ng huli akong nandoon. Pero sa ngayon muna, magpo-focus muna ako sa mga plano namin ng taong 'yon. Napabuntong-hininga tuloy ako."Something bothering you?"nagulat ako ng bigla niya akong tanungin.

"W-wala."utal naman akong sumagot pero nanatili akong kalmado.

"Uulitin ko sayo Maxine. Girlfriend na ulit kita. Kaya patigilin mo na si Vizier at si Damon sa panliligaw sayo. If you don't do that, wala akong choice kundi ako na lang ang kakausap sa kanila."wika pa nito.

Napa-cross arms ako."Nababaliw kana ba? Alam kong hindi lang simpleng usap ang gagawin mo Tayler. Kilala kita."masungit naman na sabi ko.

"Kaya nga mamili ka. Ikaw o ako ang gagawa."

"Bakit ba? Ha? Tsaka hindi naman ako pumayag na maging girlfriend mo ulit ah!"

"Kung gan'on... Anong ibig-sabihin nung paghalik mong pabalik sa 'kin kanina?"

Parang may lalabas na usok sa ilong ko sa sobra kong inis sa lalaking 'to."Mister..."tawag ko sa kanya.

"Maxine boyfriend mo palang ako. 'Wag mo 'kong tatawaging mister hangga't hindi pa tayo kasal."hindi ko na lang siya pinansin pa. Narinig kong napahagikgik siya pero binalewala ko na lang dahil baka mainis ako sa isang 'to at madisgrasya pa kami."Nga pala. May bumisita ba kay Aya kanina?"bigla naman niya akong tinanong.

Lagot! Dapat hindi niya malaman na may taong nagpunta kanina."Ahm... Wala naman."sagot ko sa kanya."Magdamag akong gising kanina kakabantay kay Aya at wala naman akong napansing kahit na sino."sabi ko pa sa kanya."Oo nga pala. Kamusta si ate LL?"pagiiba ko ng usapan.

"Maayos naman siya pero mukhang natroma pa din doon sa nangyari."sagot niya sa tanong ko.

"Hindi niyo pa ba nalalaman or nakikilala kung sino yung gumawa n'on kina Aya?"

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon