Maxine's POV
Naidilat ko ang aking mga mata. Nakaramdam kasi ako ng lamig kaya nagising ako. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Wala si Tayler. Umupo ako dito sa kama niya. Nakuha ng atensyon ko yung litratong nasa lamesa niya. Inabot ko 'yon. Litrato namin 'tong dalawa. Hindi ko maalala kung kelan 'to basta ang natatandaan ko may cinelebrate kami nito. Saan niya kaya 'to kinuha? Ewan ko pero bigla akong napangiti habang tinititigan ko 'tong picture. Nakakamiss. Ang sarap balikan nung nakaraan pero sa tuwing maalala ko yung nakaraang 'yon, hindi ko maiwasan na maalala din yung mga nangyari noon.
Pero unti-unti ko na rin namang nakakalimutan na. Nasaan kaya si Tayler ngayon? Bigla kong naalala yung ginagawa ko kagabi sa kanya shit! >_< bigla ko ba naman siyang halikan eh. Ewan ko basta parang nagkusa yung katawan ko n'on. Sinubukan ko namang pigilan eh kaso ayaw shuta. Parang ngayon ako nakaramdam ng hiya sa ginawa kong 'yon! >_< bakit ko 'yon ginawa?! Nakakahiya ka self. Sa dami naman ng pwedeng gawin eh yung halikan pa yung nagawa mo? Kingina, wala ng panahon para magsisi. Nagawa ko na eh. Ano namang magagawa ko kung nangyari na? Hindi ko na talaga uulitin pa 'yon.
Nakakahiya talaga! >_< Nasagi sa isipan ko yung nangyari sa akin kagabi. Mga walang hiya talaga yung mga lalaking 'yon. Parang sinet-up ako. Yung feeling na parang ako yung puntirya nila? Nakapagtataka naman. Sa dami ba naman ng babae ako pa?! Pero si Tayler, tinuluyan na yung apat na kulugong 'yon. Pero paano na lang kung masangkot na naman siya sa gulo dahil doon sa ginawa niya? Hindi na 'yon iba sa kanya kung masangkot na naman siya sa gulo. Pero kasi apat na tao yung tinuluyan niya eh. Kingina ang daming 'pero' sa utak ko. Feeling ko talaga, gagantihan si Tayler ng kung sino.
Biglang bumukas yung pinto dito sa loob at niluwal nito si Tayler. May dala siyang tray."Gising kana pala. Kumain kana. May dala ako."bungad niya sa akin. Breakfast in bed ba 'to? Umupo ako ng maayos. Inaasikaso na ni Tayler yung pagkain. Sabi na eh, breakfast in bed 'to. Sinenyasan niya ako na kumain na."Sige na kumain kana diyan."pamimilit niya pa."Para makainom kana ng gamot."sabi niya pa pagkatapos ay dinampi niya ang kamay niya sa noo at leeg ko."Kaya mo bang umuwi o gusto mo pa bang mag-stay dito?"tanong niya sa akin."Don't worry, i'll take care of you. Ako ng bahala."hindi ako naka-imik kaagad."Baka may balak kang magsalita?"
Parang nahimasmasan ako ng sabihin niya 'yon."A-ah oo— I mean h-hindi na kailangan."pagtanggi ko naman."Kaya naman ng katawan ko eh tsaka hindi mo na kailangan pang magaalala sa 'kin at baka kapag mag-stay pa ko ng matagal dito eh baka maaabala't-maistorbo pa kita."dagdag ko pa sa aking sinabi.
Umupo siya sa gilid ng kama."Hindi mo naman ako naaabala at naiistorbo. Pero kung ayaw mo, hindi naman kita pipilitin. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Nandiyan lang ako sa labas. Eat well. Ihahatid kita sa inyo mamaya."sabi niya pa pagkatapos ay tumayo na siya.
"Teka sandali Tayler!"aalis na sana siya ng tawagin ko siya. Nilingon niya ako."Ahm... B-baka mabinat ako k-kung... Umalis ako ngayon."bigla naman akong nautal."Tignan mo, ang init ko oh."sabi ko pa sabay iwas ng tingin sa kanya. Parang balisa ako sis!
"Dami mo pang palusot, gusto mo lang naman akong makasama."natatawang sabi niya.
"H-hoy h-hindi ah!"pagtanggi ko pa sabay nilingon ko siya.
Lumapit siya sa akin. Yumuko siya at nilapit niya ang mukha niya sa akin pero agad naman akong nagiwas ng tingin."Oh bakit hindi ba?"sabi niya pa pero hindi ako naka-imik. Potek! >_<. Inilayo niya na ang mukha niya sa akin."Kakausapin ko si Alexander, sasabihin kong i-excuse ka muna."
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...