Maxine's POV
Tapos na ang trabaho ko. Ngayon ay naglalakad ako sa tahimik na kalye na 'to. Hindi ako dederetso sa dorm dahil magkikita kami ni Tayler ngayon. Tinext ko na sa kanya yung meeting place namin. Pupunta naman daw siya. Buti naman. Hay... Hindi talaga mawala sa isip ko si Levi. Pakiramdam ko talaga siya 'yun eh. Hindi ko talaga titigilan si Levi hangga't hindi ko napapatunayan na siya nga talaga yung taong 'yon. Hindi naman halata sa kanya na pumapatay siya ng tao pero malakas talaga yung hinala ko na siya yung mastermind sa lahat ng nangyari sa 'min, hindi dapat ako magkamali dun. Hindi ko man mapatunayan na may nunal siya sa likod ng tenga niya, basta kapag nakaramdam ako, sigurado na.
Ngayon lang talaga ako nanigurado hehe. Hindi ko rin naman inaasahan yung nangyari doon sa babaeng nagngangalang Seerah Choi. Siya daw yung nagsabi kay Tayler kung nasa'n ako nung mga oras na 'yon. Kinabukasan, namatay siya. Isa siya doon sa tatlong babae na nangiinis sa 'min nina Andrea n'on. Grabe, wala na talagang pinipiling lugar yung mga mamamatay-tao. Maski sa eskwelahan, pumapatay. Wala namang kinalaman si Seerah sa nangyari sa akin n'on or baka.... NAKILALA SIYA NUNG RAPIST TAPOS PINATAY SIYA?! Napatigil tuloy ako sa paglalakad nang maisip ko 'yon.
Nagulat ako nang may biglang may humatak sa 'kin mula sa kung saan at tinakpan niya ang bibig ko. Hindi nagtagal, nakaramdam ako ng pagkahilo hanggang sa napapikit na lang ako. Nagising na lang ako bigla at natagpuan ko na lang ang sarili ko sa isang hindi pamilyar na lugar. Sa paglibot ko ng tingin, biglang nahagip ng mga mata ko si Yuna?! Naka-kadena ang mga kamay at paa niya. Nakabusalan din ang mga bibig niya. Agad kong tinignan ang sarili ko. Katulad din ako ni Yuna. A-anong ibig-sabihin nito...? Bakit kami naka-kadena? Anong meron? At nasa'n kami? Hindi ko maintindihan... Anong nangyayari?
Bigla naman bumukas yung metal na pinto at niluwal nito si Levi? Anong ibig-sabihin nito? Hindi kaya..."Gising kana pala."bungad niya. Lumapit siya sa 'kin at tinanggal niya yung panyo na nakabusalan sa 'kin.
Gan'on din ang ginawa niya kay Yuna. Sa ginawa niyang 'yon, nagising na rin si Yuna."M-maxine?!"utal na banggit ni Yuna sa pangalan ko matapos niya kong makita
"Yuna?!"
"Hayop ka Levi bakit pati si Maxine dinamay mo?!"bigla na lang sinigawan ni Yuna si Levi.
Napangiti si Levi na parang nakakainis."Alam kong makakarating din kay Tayler yung nalalaman ni Maxine."matapos sabihin ni Levi 'yon ay lumapit siya kay Yuna. Nagulat ako ng bigla niyang sinakal si Yuna!"At ng dahil sayo napurnada lahat ng plano ko!"galit na sabi niya pa kay Yuna.
"Levi itigil mo na 'yan! Nasasaktan si Yuna!"sinubukan kong patigilin si Levi.
Bigla niya kong nilingon. Tinignan niya naman ako ng masama. Tinigil naman niya ang pagsakal kay Yuna at nilapitan niya ko."Ikaw... Sabihin mo sa 'kin, sino nagsabi sayo nung mga bagay na 'yon?"tanong niya sa 'kin.
"Hindi ko alam."
Nang sagutin ko siya n'on ay bigla niya kong sinampal. Tangina!"Sinungaling! Umamin ka! Sino ang nagsabi sayo n'on?!"pamimilit niya pa.
"Hindi ko nga kasi alam!"
Muli na naman niya akong sinampal. Ang bigat ng kamay niya kaya masakit kada-dadapo yung kamay niya sa mukha ko."Pan'ong hindi mo alam ha?!"parang nangagalaiti na siya sa galit ng sabihin niya 'yon.
"Isa kang Del Eillero 'di ba?"pagiiba ko ng usapan.
Mananampal ulit sana siya pero natigil 'yon nang sabihin ko 'yon sa kanya."Magaling kang manghula."nakangiting sabi niya sabay hinawakan niya ang baba ko.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...