Tayler's POV
Naikuyom ko ang mga kamao ko at lalo akong ginising ni Levi dahil sa narinig kong sigaw ni Maxine. Sobrang lakas ng sigaw niya. Halata sa mga sigaw niya na takot na takot siya. Kailangan ko na talagang umalis dito. Wala lang naman 'tong mga sugat na 'to at sapat na nakapagpahinga ko. My energy to fight again is back. They no need to worry about me. Ang alalahanin nila ay si Maxine. Kung gusto nilang mailigtas na si Maxine, paalisin nila ako dito. My doctor said that i am now stable. But i need to stay here to rest and monitoring. Medyo mahina pa daw ang katawan ko pero hindi ako naniniwala. I'm okay now! Kayang-kaya kong kalabanin yung mga 'yon maski na si Levi pa yung humarap sa 'kin.
Wala akong inuurungang kahit na ano. Kahit ikamatay ko pa, ililigtas ko si Maxine. Ako ang gusto ni Levi, kaya dapat pakawalan niya si Maxine. Pero hindi niya gagawin 'yon hangga't hindi ako nakakarating doon. Sigurado akong suot pa ni Maxine ang necklace na binigay ko sa kanya. Gusto kong puntahan si Cairo ngayon para malaman kung nasaan si Maxine. Sa cellphone niya naka-connect ang tracking device na nasa necklace ni Maxine. Sana suot niya pa ngayon... But now, i have to make a way how to escape here. I will no longer ask for their permission because they will not allow me to. Sa tingin kasi nila kapag lumabas ako dito, tatakas ako.
Malamang, tatakas talaga ako. What they want me to do? Stay here for my fully recovery? Then while Maxine is on Levi's hands. She can do whatever she wants while i'm not there. Kailangan ko siyang iligtas! Ayokong manatili dito. Wala naman akong pilay o kung ano man. Ilang oras na rin ang nakakalipas. Hindi ko alam kung nasaan sina Alex pero sigurado akong may nagbabantay sa 'kin diyan sa labas. Hindi na 'ko bata. Kaya ko na ang sarili ko. At alam ko ang gagawin ko kaya hindi na nila kailangan pang alalahanin ako. Sisiguraduhin ko naman walang mangyayaring kung ano kay Maxine. Maliligtas ko siya ng walang nangyayari sa kanya. Humanda lang talaga 'yang Levi na 'yan. I'm panicking right now... They don't know that Levi called me earlier and i heard Maxine are screaming.
Napabuntong-hininga tuloy ako. Tinanggal ko 'tong mga nakadikit sa 'kin sabay bumangon ako sa hinihigaan ko. Agad akong nagpunta sa pinto. Ang naalala kong sinabi ni Yna na room ni Cairo ay sa sumunod nitong kwarto ko. Dahan-dahan ko ng pinihit ang door knob. Sumilip muna ako. Nakita ko sina Andrea, Lairus, Summer, at Zack. Wala sina Damon, Vizier, Valvereen, Sunny at Kurt. Medyo malayo sa 'kin sina Andrea, Lairus at Summer. Ang nakabantay dito sa may pinto ay si Zack. May naisip tuloy akong gawin. I have to do this for Maxine's sake.
"I'm really sorry Zack but i have no choice."bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko na ng maluwag nag pinto at saka ko hinatak papasok dito sa loob si Zack pagkatapos ay dali kong sinara ulit ang pinto."T-tayler anong g-ginagawa mo?"taka niyang tanong.
"Zack i'm sorry but i have to do this for Maxine. Wag kang magaalala, maliit na injure lang naman ang gagawin ko."sabi ko sa kanya.
Taka niya kong tinignan."H-ha....?"rinig kong sabi niya. Nilapitan ko siya nang may kasamang masamang tingin habang siya naman ay napapaatras. Lalayo pa sana siya sa 'kin nang mahawakan ko siya."T-tayler pwede natin 'tong pagusapan eh..."aniya.
"May naisip ka pa bang ibang paraan bukod sa pagbali ng daliri?"
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya nang sabihin ko 'yon."O-oo..."utal niya pa rin na sabi. Lumapit siya sa 'kin at binulong 'yon. Ilang saglit pa..."Ano? Ayos ba sayo?"tanong niya sa 'kin.
Nagisip-isip muna ko sa suhestyo niyang 'yon. Balak niya kasing magpanggap na masakit ang tiyan sabay may isusuka siyang guyabano shake."Hindi ko alam kung gagana 'tong plano mo pero sige na."pagsang-ayon ko.
Napatango siya sa sinabi kong 'yon habang may ngiti sa labi niya. Kinuha niya yung guyabano shake na nasa lamesa. Dala 'yan kanina ni Sunny. Bigay niya sa 'kin kaso nakalimutan niyang bawal pala sa 'kin 'yon kaya hindi ko ininom. Ininom niya na yung shake sabay nagpunta na siya sa pinto nitong kwarto. Bago lumabas ay nag-thumbs up muna siya sa 'kin tuluyan naman na siyang nakalabas. Kinuha ko muna yung phone at susi ng sasakyan ko sa sofa pagkatapos ay nag-stand by na rin ako. Naka-abang na ako dito sa may pinto. Hinihintay ko na lang yung scene na aarte si Zack. Kapag nagsi-alisan na sila, doon na 'ko lalabas at pupuntang kwarto ni Cairo.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...