CHAPTER 237: SPECIAL CHAPTER

531 18 5
                                    

Maxine's POV

Nagayos ako ng mga gamit ko dito sa office dahil may biglaan kaming dinner date ni Tayler. Bwisit na 'yan. Ngayon lang nagsabi. Male-late na tuloy ako. Nandoon na daw siya sa restaurant ni kuya kaya ako ngayon, nagmamadali. Magta-taxi na lang ako papunta doon dahil wala namang susundo sa 'kin. Ang lupit ng date ko 'no? Akala ko nga susunduin ako ng mokong na 'yon eh. Bago ako lumabas ng café ay binilin ko sa mga tauhan ko ang café. Pagkatapos n'on ay nag-antay na 'ko ng taxi. Limang minuto na ang nakalipas wala pa rin taxi. Ilang saglit pa, may nakita akong taxi na paparating kaya pinara ko na 'yon.

Buti naman ay tumigil si kuya sa harap ko kaya pumasok na agad ako. Sinabi ko naman na agad nay kuya kung saan ako pupunta. Hindi naman nagtagal ay nagmaneho na siya. Mukha namang hindi traffic. Napabuntong-hininga tuloy ako habang pinagmamasdan ko yung labas ng bintana nitong taxi. Ang bikis ng araw. Parang kailan lang ang lahat. Sana naman sa pagkakataong 'to, maging tahimik na ang pamumuhay namin. Dahil hindi rin magtatagal, magkakaroon din kami ng sari-sariling pamilya. Ilang beses ko na ngang inisip kung kelan ba magpo-propose sa 'kin si Tayler.

'Yan yung nasa isip ko nitong mga nakaraang araw eh. Since matagal naman na kami, bakit kaya hindi kami magpakasal? Dream mama namin 'yon noong mga bata pa kami. Hays.... Hayaan ko na lang basta ang mahalaga kasama ko siya. Ganap na siyang CEO ngayon. Nasa mansyon na din siya nakatira. Lahat ng kayaman na naiwan ng mommy niya noon, nasa pangangalaga niya na. Hindi ko inaasahan na aabot kami sa ganito. Sa dami ng pagsubok na hinarap namin, hindi ko na namalayan na natapos na pala namin. Nakakatuwa dahil nalagpasan namin yung pagsubok na 'yon. Nakakatakot pero hinarap pa rin namin. Ibang klase...

Gusto ko ng mabuhay ng tahimik ngayon kasama yung mga mahal ko sa buhay. Kaso may isang hindi namin kasama, si Lisa. Wala na kaming balita sa kanya. Hanggang ngayon pa rin naman, sinusubukan pa rin na kontakin ni Tayler si Lisa. Kahit makakuha lang ng information kung nasa'n siya, wala kaming makuha. Yung mga social media accounts niya, deleted na. Pati na rin yung sa mga relatives niya kaya clueless kami ngayon. Pero maliit ang mundo... Sigurado akong pagtatagpuin pa rin ng tadhana sina Liam at Lisa. Mangyayari 'yon kung sila talaga ang para sa isa't-isa...

Ilang saglit pa, nakarating na ko sa restaurant ni kuya. Nagmadali akong pumasok sa loob. Nakita kong kinawayan ako ni Tayler kaya madali ko siyang nakita. Agad akong nagtungo sa table niya."Sorry Tayler na late ako... Ikaw naman kasi, late mo na sinabe."sabi ko sa kanya habang paupo ako.

"Nah, it's okay."aniya."So, can we eat now?"sabi niya na tinanguan ko na lang.

Nang matikman ko ang luto ni kuya ay feeling ko, nasa bahay lang ako. Habang kumakain kami at biglang napatayo si Tayler. Nagtaka naman ako dahil may napansin akong kakaiba sa kanya."Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya. Hindi niya ako sinagot. Bigla siyang parang may gustong iluwa. Nagaalala na ko kaya napatayo ako."Tayler ayos ka lang ba talaga?"tanong ko pa sa kanya.

Nakita kong lumapit sa 'min si kuya."Anong nangyayari dito Maxine?"tanong sa 'kin ni kuya.

"Hindi ko alam kuya eh..."sinagot ko naman siya."Basta parang may kung anong gustong ilabas si Tayler..."dagdag ko pa sa sinabi ko.

"May nakain lang akong kung ano kaya 'wag kang magaalala."nagsalita naman na siya.

Bigla ulit siyang napaubo. Ibang ubo na para talagang may gusto siyang ilabas."Tulungan na kita. Baka kasi may nakain ka talagang hindi maganda."prisinta naman ni kuya.

Pumwesto si kuya sa likod ni Tayler. Pinaupo naman niya si Tayler sabay niyakap ni kuya si Tayler mula sa likod at doon na niya tinulungan ilabas yung kung anong bagay na nakain ni Tayler. Ilang saglit pa ay biglang may lumabas na kung anong bagay sa bibig ni Tayler. Agad niya 'yon pinunasan ng tissue na nasa ibabaw ng table namin. Hindi ko nakita dahil agad niyang kinuha. Bigla naman siyang lumuhod sa harapan ko habang nakatayo ako. Hindi kaya....? OMG!!! MAGPO-PROPOSE NA BA SA 'KIN SI TAYLER?! AAAAHHHHH!!!

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon