CHAPTER 187

494 30 0
                                    

Alexander's POV

Matapos mapasok nina Yna si Maxine sa loob ng kwarto nila ay naupo ako sa salas. Nabigla ako sa sinabing 'yon ni Maxine. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi pero kilala ko si Maxine. Hindi niya ugaling magsinungaling. Kung magsisinungaling naman siya mararamdaman at malalaman ko 'yon kaagad pero kasi ngayon hindi ko alam. Para akong namanhid. Wala akong maramdaman na kahit na ako. May nafi-feel akong gusto kong maniwala, pero meron na din hindi ako naniniwala. Imposible naman kasi yung sinasabing 'yon ni Maxine. Ilang taon ng wala si Tayler.

Baka hindi niya pa rin talaga natatanggap ang pagkawala ng nobyo niya. Parang ako tuloy yung nasasaktan sa ginagawa ni Maxine. Akala ko ayos na ang lahat eh. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko kung sakali man na totoo nga ng sinasabi ni Maxine. Biglang tumaas ang mga balahibo ko. Hindi ko talaga alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi ng kapatid ko. Hindi naman magkakaganon si Maxine kung hindi 'yon totoo 'di ba? Kahapon pa daw weird ang ikinikilos ni Maxine kaya naman pumunta kami dito.

Umupo sa tabi ko si Summer."Sa tingin mo ba totoo yung sinasabi ni Maxine?"tanong niya sa akin.

Hinawakan ko ang kamay ni Summer."Hindi ko alam."sagot ko sa kanya."Gusto kong maniwala pero may nagsasabi sa akin na 'wag."dagdag ko pa sa aking sinabi."Kilala ko ang kapatid ko. Hindi niya ugaling magsinungaling."sabi ko pa.

"Kung totoo ngang buhay si Tayler bakit niya nilihim sa 'tin?"tanong ni Liam.

Walang naka-imik sa amin."Imposible talaga yung sinasabi ni Maxine."sabat naman ni Cairo. May lumabas sa kwarto nina Maxine, sina Yna."Oh, boo may nabanggit ba sainyo si Maxine?"tanong ni Cairo sa nobya niyang si Yna.

Lumapit sa kanya si Yna."Wala naman."sagot ni Yna sa malungkot na tono."Todo pilit lang siya na maniwala kami, maniwala tayo na buhay pa si Tayler."sabi pa ni Yna.

"Hindi naman magkakagan'on si Maxine kung hindi naman totoo yung sinasabi niya 'diba?"singit ni Kurt.

"Naniniwala ba kayo sa kapatid ko?"tanong ko pa sa kanila habang nakatulala ako.

"Hindi ko alam."si Zack.

"Ewan ko."si Andrea.

"Siguro?"si Damon.

"Hindi ko din alam."si Kaireen.

"Kumain na kayo pagkatapos maligo. Sabay-sabay na tayong pumuntang school tutal magkakasabay naman ang schedule natin ngayong araw."sabi ko pa.

Tinapik-tapik ni Summer ang hita ko."Hintayin mo kami ah?"sabi niya na tinanguan ko na lang.

Nagsimula ng kumilos ang mga babae. Naupo sa tabi ko sina Justine."Sa tingin ko totoo ang sinasabi ni Maxine."biglang sabi ni Justine."Kilala ko din si Maxine. Naging malapit din kami sa isa't-isa. Kaya alam ko din na kung nagsasabi ba siya ng totoo, o hindi."dagdag pa ni Justine sa kanyang sinabi.

"Sa tingin ko din, kailangan natin alam kung totoo nga bang buhay pa si Tayler."singit naman ni Lairus.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon