CHAPTER 180

535 28 1
                                    

Andrea's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria. Swerte namang umayon yung oras sa amin. Si Maxine na lang talaga ang kulang. Kanina pa namin siya kino-contact pero hindi naman niya sinasagot yung tawag namin tapos hindi din naman siya nagre-reply sa texts namin. Hinanap na nga siya nina Damon eh kaya kaming mga babae yung natira dito. Umorder na din kami ng mga pagkain para pagkarating nila kakain na lang din sila. Sinusubukan pa rin naming i-text at tawagan ngayon si Maxine para matulungan din namin yung boys sa pag-contact o paghanap kay Maxine. Saan kayang parte ng mundo nagsuot ang babaeng 'yon?

Nagaalala na nga si Alexander eh. Sabi ni Yna sa amin nakita pa niya si Maxine kanina kasama si Mr. Hotty bago siya pumasok sa klase niya. Sigurado akong magkasama pa rin yung dalawang 'yon hanggang ngayon. Baka nga nag-date pa eh. Siguro naman hindi nakakalimutan ni Maxine sa bawat lunch dapat eh sabay-sabay kami pero kapag hindi pwede at may gagawin siya ayos lang naman basta mag-text or tumawag siya. Kanina pa kasing aalalang-alala dito si Alexander eh. Magkakahiwalay silang hinanap si Maxine. Mukhang mayayari 'yon kay Alexander.

Nakatingin pa rin kami sa mga cellphone namin hanggang ngayon. Baka kasi biglang tumawag or magreply si Maxine sa isa sa amin eh."Hay hindi namin makita si Maxine sa buong school."biglang sumulpot si Liam kasama si Cairo.

Hingal na hingal silang naupo sa tabi ng mga girlfriend nila."H-hindi din namin nakita si Maxine..."hingal na hingal na sabi ni Lairus.

Agad ko siyang pinaupo."Ito tubig oh. Uminom ka muna. Parang nakipagsabak ka sa basketball ah."biro ko habang inaabot ko sa kanya yung bottled water. Agad naman niya 'yon na ininom.

Kasama ni Lairus si Zack at Kurt. Umupo na silang dalawa."Wala pa rin ba si Maxine?"bigla namang sumulpot si Alexander kasama si Damon.

"Wala pa."si Summer.

"Mukhang hindi na natin kailangan hanapin yung isang 'yon, Tignan niyo oh."si Yna.

Sabay-sabay kaming tinignan ang tinuro ni Yna. Tinuro niya ang nasa likuran namin. Nakita kong kasama ni Maxine si Mr. Hotty. Sabi na eh. Kumaway pa sa amin si Maxine. Agad din naman silang nakarating sa amin."Mga 'teh pasensy—"

Hindi natuloy ni Maxine ang sinasabi niya ng sabayan siya ni Alexander."Saan ka nagpunta?"seryoso niyang tanong sa nakababatang kapatid."At bakit mo na naman kasama yung lalaking 'yan?"maowtoridad na sabi ni Alexander kay Maxine.

"Kuya..."

"Wag mo 'kong makuya-kuya Maxine ah. Alam mo bang kanina ka pa namin hinahanap? Halos naikot na namin yung buong University pero hindi ka pa rin namin mahanap. Ni hindi ka sumasagot o nagrereply sa mga tawag at text namin sayo. Saan ka ba nagpunta? Anong ginawa mo? At alam mo ba? Aalalang-aalala na ako sayo! Alam mo naman 'diba yung nangyari 4 years ago diba? Ayoko na ulit na mangyari 'yon Maxine."biglang naging seryoso si Alexander.

Tanging pagyuko na lang ang nagawa ni Maxine. Nakita kong sinilip siya ni Vizier."Kasama niya ako kaya 'wag kayong magaalala."sabat naman ni Vizier.

"Tumigil ka. Hindi ikaw ang kinakausap ko tsaka bakit ka ba laging dikit ng dikit sa kapatid ko? Napapansin kong halos araw-araw na kayong magkasama ah."baling ni Alexander kay Vizier.

"Wala akong tiwala sa lalaking 'yan eh."singit naman ni Damon habang nakatingin ng masama kay Vizier.

"Maxine Sharlamagne Zian Xenn Samantha Alonzo."maowtoridad na banggit ni Alex sa pangalan ng kapatid."Tignan mo 'ko sa mata. 'Wag kang yuko ng yuko. Babaliin ko yung leeg mo."seryoso niya pang sabi sa kapatid.

Unti-unti namang iniangat ni Maxine ang ulo niya."Kuya nasa music room lang naman kami kanina. Tsaka kaya siguro hindi ko nasagot yung texts at tawag niyo kasi baka naka-silent yung phone ko. Tsaka kuya wala naman nangyaring masama sa akin. Kasama ko lang si Vizier. Alam kong hindi ako mapapahamak kapag siya ang kasama ko. Kung hindi niyo na itatanong pwes sasabihin ko na lang sa inyo."bigla din namang naging seryoso si Maxine."Ilang beses na akong niligtas ni Vizier sa kapahamakan. Una doon sa tennis field at pangalawa, doon sa eskinitang dinadaan ko papunta dito sa school at ipinagtanggo niya pa ako kay Prof Minerva. Kilalanin niyo muna kasi si Vizier. Hindi naman siya masamang tao katulad ng iniisip niyo. Tsaka kuya... Walang makakapagsabi kung may mangyayari ba sa akin or wala. Wala or meron man akong kasama, sure akong darating doon si Vizier para iligtas ako tsaka kuya hindi na mangyayari yung nangyari 4 years ago. Wala na silang lahat kuya pati yung lalaking minahal ko ng sobra!"bigla naman naging emosyonal si Maxine.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon