CHAPTER 223

329 16 3
                                    

Tayler's POV

Kanina pa ako nandito sa labas ng school. Hinihintay ko si Maxine dahil sabi ko sa kanya, ihahatid ko siya sa pinagtatrabahuhan niya but where is she? I thought, she already here. Late ako ng ilang minuto kaya sigurado akong dapat nandito na siya kanina pa. I tried to call her but she didn't answer her phone. Male-late na siya sa trabaho niya. Nasa'n na ba kasi yung babaeng 'yon? Why she didn't tell me that she will be late too? I texted her around half hour of my class or before my class ends. She replied me immediately. And she said, she'll wait for me but where the hell is she?

Why she didn't text me if she going anywhere or someone commanded her to do something? Damn it... Lumapit na ako sa security guard na nagbabantay sa labas ng gate ng University."Excuse me?"tawag-pansin ko dito sa guard. Kinuha ko ang phone ko at pinakita ko ang picture ni Maxine."Nakita mo ba siyang lumabas ng campus?"tanong ko sa kanya.

Mukhang pinagmamasdan niya ng mabuti ang litarto ni Maxine."Hindi hijo. Pansensya kana."sagot niya.

"Are you sure?"paninigurado ko pa

"Oo naman. Kanina pa ko nagbabantay dito at hindi ko nakitang lumabas ang babaeng 'yan."paliwanag ng guard.

"Okay, thank you."

Matapos n'on ay bumalik ako sa loob ng campus. Habang naglalakad ay tinetext ko na si Summer. Dumeretso naman ako sa security room. Baka nahagip si Maxine ng CCTV. Hindi naman nagtagal, nakarating na ako sa security room. Kumatok muna ako."Pasok."boses ng isang lalaki ang narinig ko.

Pumasok naman na ko kaagad ng bigyan niya ako ng permission."Pwede ko bang makita ang lahat ng footage ng CCTV dito sa loob at labas ng campus?"tanong ko sa kanya.

"Bakit? May nawawala ba?"tanong nito.

"Yung girlfriend ko."agad ko naman siyang sumagot. Natawa naman siya. Dadaldal pa sana siya pero naglabas ako ng pera sa bulsa ko."Gagawin mo o sasayangin mo 'to?"

"Madali lang naman akong kausap eh."aniya.

Balak niya sanang kunin yung pera pero agad ko itong nilayo sa kanya."Gawin mo muna yung pinapagawa ko."utos ko sa kanya.

"Yes sir!"

After a few minutes...

"Mukhang hindi nahagip ng camera ang nobya mo."sabi niya sabay subo sa kinakain niyang lollipop. Binigay ko naman sa kanya yung pera pero binawasan ko."Huy ba't mo naman binawasan?"taka nitong sabi.

"Hindi mo nahanap diba?"sabi ko sa kanya bago ako lumabas ng security room.

Nagsisimula na 'kong kabahan. Wag naman sanang may mangyaring masama sa kanya."Dre."nakarinig naman ako ng isang pamilyar na boses.

"Mukhang galing ka sa security room ah. Anong ginawa mo d'on?"tanong sa 'kin ni Cairo.

Tinignan ko kung kasama nila si Maxine pero hindi. Mabuti na sigurong malaman nila."Mukhang nawawala si Maxine."ani ko.

"Ano?"gulat na sabi ni Alex.

"Pa'no nangyari 'yon?"- Cairo.

"Ang akala nga namin eh magkasama kayo."- Kurt.

"Ihahatid mo pa siya diba sa juice bar?"- Lairus.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon