Damon's POV
Oras na ng lunch break ngayon. Hindi ako nakapagfocus kanina sa mga lessons dahil doon sa lalaking kasama ni Maxine sa detention room. Pinagtanggol pa ni Maxine yung lalaking 'yon. Napakayabang nung gagong 'yon. Ngayon ay papunta kaming apat sa cafeteria dahil sabay-sabay kaming kakain ng lunch break. Baka lalo akong mawalan ng gana nito dahil sa bwisit na lalaking 'yon. Sa lahat ba naman ng pwedeng makasama niya, eh si Maxine pa! Bwisit talaga kahit kailan yung terror professor na 'yon. Kasalanan din niya eh. Pinapasok niya si Maxine kasama yung gagong lalaking 'yon sa detention room.
Sa kamalas-malasan ay dahil sa kakaisip ko sa lalaking 'yon kanina pa ay nahagip siya ng mga mata ko. Hinarangan ko siya."Hoy."tawag-pansin ko sa kanya."Sino ka at bakit mo kilala si Maxine?"sinubukan ko siyang tanungin.
"Why do you want to know?"kalmado niyang pagkakasabi.
Hinablot ko ang damit niya sa may bandang dibdib."Tinatanong kita ng maayos tapos mamimilosopo ka? Gago ka ba? Just answer me idiot."gigil na sabi ko pa sa kanya.
"Maxine is my classmate."deretso niyang pagkakasabi.
Inis kong binitawan ang damit niya."Wag kang lalapit-lapit kay Maxine kung ayaw mong guluhin ko yung buhay mo."maowtoridad kong pagkakasabi.
"Pa'no kung hindi ko gagawin yung gusto mo?"malumanay niyang pagkakasabi.
Nakaramdam ako ng galit ng sabihin niya 'yon. Mas lumapit pa ako sa kanya."Ako ang makakaharap mo."seryoso kong sabi sa kanya.
"Like you?"natatawang sabi niya."Ang isang kagaya mo ay walang laban sa 'kin kaya 'wag kang magsalita na parang kaya mo 'ko at kilala mo 'ko. Know me first before say that shits to me."sabi niya pa sa akin.
"Ang yabang mo ah!"galit na sabi ko sa kanya.
"Mayabang din ako kung gan'on din ang kausap ko."walang ganang sabi niya.
Sasapakin ko sana siya ng may biglang sumabat."Anong kaguluhan 'to?"boses ng isang babaeng may edad na. Hindi siya pamilyar sa akin pero mukha siyang teacher.
"W-wala po hehehe."sabi ko dito sa babaeng sumulpot.
"Nakita kong aambahan mo sana siya ng suntok pero nung dumating ako ay natigil ka."sabi niya pa.
Hinawakan ko ang pisngi nitong lalaking 'to sabay pinanggigilan ko."Ay h-hindi ho, nakakamali ho kayo. Kukurutin ko ho sana yung pisngi niya kaso dumating ho kayo."sabi ko dito sa mukhang propesora habang nakatingin ako ng deretso dito sa lalaking 'to."Ang cute-cute!! ho kasi ng pisngi niyaa!!"habol ko pang sabi.
Nagpakawala ng maikling hininga itong babaeng mukhang professor."Oh siya, paraanin ninyo muna ako."sabi niya sa amin.
Matapos niyang sabihin 'yon ay umalis kami sa tapat ng isang pintuan na kinatatayuan namin nitong lalaking 'to at saka na siya punasok sa loob. Bigla namang humakbang ang lalaking 'to papalapit sa akin."Duwag."bulong niya pa sa akin sabay bangga sa braso ko at saka siya umalis na parang walang nangyari.
Hindi na ako nagulat sa ginawa niya pero nakaramdam pa rin ako ng inis."Sino ba yung lalaking 'yon? Masyado siyang mayabang ah!"sabi ko habang sinusundan ko pa ng tingin yung lalaking kausap ko kanina.
"Siya si Vizier Cal Nicolas, 21 years old. Classmate ni Max sa first subject."bigla namang nagsalita si Lairus.
"Vizier, pala ah."sabi ko sabay ngumiti ako na parang may binabalak ako."Tara na."aya ko pa sa kanila pagkatapos ay naglakad na ako.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...