Maxine's POV
Nandito na kami ngayon ni Vizier sa tapat ng dorm ng girls. Matapos niyang itabi sa harap ng dorm ang sasakyan niya ay tinanggal na namin ang mga seat belt na nakasuot sa amin pagkatapos ay bumaba na kami. Nagpagpag muna ako ng damit ko. May bigla akong naalala. Kailangan ko palang magpalaundry bukas dahil mapupuno na yung maliit na basket na lalagyan ng marurumi kong damit. Binuksan ko na yung gate. Buti na lang at hindi pa nila-lock ni ate LL yung gate. Alam niya kasi kung anong oras yung out ko sa work eh.
Matapos naming pumasok sa gate at dahan-dahan ko naman itong sinara pagkatapos ay ako ang naunang umakyat sa hagdan kung saan kailangan mo mung umakyat bago ka makarating doon sa taas. Pagkaakyat namin ay walang bumungad sa amin na kahit na sino. Nakaturn off na yung ilaw. Siguro ay natutulog na yung mga tao dito ngayon. Ang iba kasi sa amin ay may klase sa umaga kaya kailangan talagang matulog ng maaga. Muli kong tinignan ang oras sa screen ng cellphone ko, 10:35 PM na. Medyo nagtagal pala kami sa byahe kanina.
Agad kong pinindot yung switch para buksan ang ilaw."Vizier tara. Dito ka maupo."tawag ko kay Vizier habang nasa tapat ako ng lamesa kung saan sabay-sabay kaming kumakain.
Pinatong ko muna yung bag ko sa isang silya. Ang akala ko ay uupo na si Vizier pero nagtungo siya sa lababo para maghugas ng kamay? May ganito pa palang lalaki. Umupo na ako. Binuksan ko yung nakatakip. May pinakbet, sinigang na baboy at syempre kanin. Hinawakan ko ang mga bowl kung saan nakalagay ang mga ulam. Mainit pa ito, ganoon din ang kanin. Siguro ay nagsaing ulit sila dahil naubos na naman siguro ni Andrea yung kanin. At ininit siguro nila yung ulam bago sila natulog. Ibang klase talaga yung babaeng 'yon.
Kahit anong gawing kain ng skeleton girl na 'yon hindi pa rin siya tumataba or nagkakalaman jusko. Naupo na sa tabi ko si Vizier. Tumayo ulit ako para kumuha ng mga kubyertos at plato. Matapos kong kumuha ng kubyertos at mga plato at inilapag ko muna ang mga 'yon sa lamesa. Kumuha muna ako sa loob ng ref ng pitsel at syempre kumuha na rin ako ng baso. Matapos kong kuhanin ang mga kailangan para makakain na kami ni Vizier ay naupo na ako. Nilagyan ko muna ng tubig ang baso niya.
"Thanks."pagpapasalamat niya.
Nilapit ko sa kanya ang mga ulam at ganoon din ang kanin. Pinauna ko muna siyang pakuhanin bago ako. Matapos niyanh magsalin ng kain at ulam sa plato niya ay sumunod na ako."Pwede naman na siguro 'tong pambawi ko sayo?"sabi ko sa kanya habang nasasalin ako ng pagkain ko sa lamesa ko.
"Bawi kana."deretso niyang sabi sabay sumubo siya ng kanin na may sabaw.
"Ba't ba ang kalmado at ang lumanay mong magsalita?"tanong ko sa kanya habang hawak-hawak ko yung mga kubyertos ko.
Uminom muna siya ng tubig."Hindi ko kailangan makipagbolahan, asaran, makipag-away o sumigaw sa mga nakakausap ko kaya kalmado at malumanay akong magsalita sa kanila pero mararamdaman mo pa rin naman na seryoso at may diin ang bawat mga salitang sinasabi ko."sabi niya sabat subo ulit ng pagkain. Bigla naman akong hindi nakaimik ng sabihin niya 'yon kaya sumubo din muna ako ng pagkain."Hindi ko ugaling magtanong pero magtatanong na ako."bigla na naman siyang nagsalita."Do you have siblings? Ahm where's your parents? And why your live in dorm?"mga tanong sa akin ni Vizier.
Napatigil ako sa pagkain. Uminom muna ako ng tubig."May kapatid ako. Mas matanda lang ng buwan sa 'kin, lalaki. Naka-dorm din sila kasama nung mga kaibigan naming lalaki."sagot ko sa una niyang tanong."Kaya ako nag-dorm kasi gusto ko, besides wala na kaming matutuluyan ni kuya tsaka nakakuha kami ng libreng scholarship."sagot ko naman doon sa pangatlong tanong niya."Yung parents ko naman ahm....."napatigil pa ako saglit. Humugot muna ako ng malalim na hininga."Wala na sila."sagot ko sa pangalawa niyang tanong."Unang namatay yung mama ko. Matapos niya akong ipanganak, namatay siya. Si papa naman napatay ng mga gangsters at bullies sa tapat ng mall."kwento ko sa kanya sabay napayuko ako.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...