CHAPTER 238: SPEACIAL CHAPTER

507 12 1
                                    

A few months after...

Maxine's POV

5 days from now, ikakasal na kami ni Tayler. Ang bilis 'di ba? Ngayon naka-schedule kaming pumuntang Palawan. Yes! Makakapunta na rin kami sa Palawan after ilang years. Si Tayler, ni-reschedule niya lahat ng meetings niya para sa limang araw. Kung may mahalaga naman daw na kailangan gawin, si Secretary Alvaro na daw ang bahala. Yakang-yaka naman na daw 'yon ni Secretary Alvaro. May tiwala naman si Secretary Alvaro kay Tayler eh. Ngayon, hinihintay ko na lang na dumating si Tayler. Ready na 'ko, siya na lang ang kulang. Gusto ko sanang kasama si kuya pero umayaw siya. Dahil may plano na pala sila ni Sunny na pumunta d'on.

Eh si Sunny wala pang bakanteng araw at si kuya naman busy pa sa restaurant kaya wala pa silang mapiling araw. 'Yon din ang dahilan kung bakit hindi kami pwedeng magsabay apat pero ayos lang sa 'kin. Tapos na ang pagpaplano ng kasal. Syempre sa simbahan kami ikakasal ni Tayler. Yung gown ko at yung susuotin ni Tayler, si Andrea mismo ang nagtahi. Meanwhile, yung sa kanilang babae, namili na lang sila. Syempre, si Tayler ang nag-bayad. Yung dress na susuotin nila ay violet na para bang pastel color. Basta 'yon. Then, magaganap yung kainan sa mansyon ni Tayler. Syempre yung gamit ko na nasa bahay namin ni kuya, dadalhin nila mamaya doon sa mansyon ni Tayler.

Kaunting gamit lang ang dinala ko ngayon sa lakad namin ni Tayler dahil isang gabi lang kami sa Palawan. Bigla namang may kumatok dito sa kwarto ko. Pinagbuksan ko siya at nakita ko si kuya."Nandito na si Tayler."pagpapaalam niya sa 'kin. Kinuha ko na yung bagahe ko sabay yung bag na naglalaman ng ibang gamit ko."Ako na diyan sa bagahe mo bunso."prisinta ni kuya.

Binigay ko na sa kanya yung bagahe ko sabay lumabas na kami ng kwarto ko. Nauna siyang bumaba sa 'kin dahil sinara ko pa muna yung pinto ng kwarto ko. Pagkatapos n'on, nagmadali na 'kong bumaba. Agad naman akong nakarating sa labas ng bahay at nakita ko na sina Tayler na nilalagay na yung gamit ko sa likod ng sasakyan niya."Bye kuyaaaa!"paalam ko kay kuya sabay niyakap ko siya.

"Mag-ingat kayo dun bunso ah?"nakangiting sabi ni kuya sa 'kin sabay ginulo niya ang buhok ko. Binalingan naman niya ng tingin si Tayler."Umuwi kayo agad ah. Baka dun niyo na gawin yung honeymoon niyo eh."biro ni kuya.

Natawa na lang kami ni Tayler. Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan ay kinawayan ko na muna si kuya. Pagkatapos n'on ay agad na nagmaneho si Justine, kasama namin siya ngayon para siya ang magasikaso sa pagpasok ng sasakyan ni Tayler sa eroplano."Nabilin mo na ba yung mga iniwan mo kay Secretary Alvaro?"tanong ko sa kanya habang chinecheck ko yung bag ko. Kung nandito ba lahat ng kailangan ko.

"Yeah."

Tumango na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Kita ko namang nadala ko ang kailangan ko. Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa airport. Madaling araw ang byahe namin ni Tayler kaya natulog ako ng maaga kagabi."Ako ng bahala sa sasakyan mo Tayler."ani Justine na tinanguan na lang ni Tayler. Bumaba naman na kami ni Tayler. Siya na ang nagbaba ng bagahe namin  sabay pumasok na kami sa loob. Inasikaso muna namin yung mga kailangan bago kami pumunta sa eroplano...

A moments later...

Pasakay na kami ngayon ni Tayler sa eroplano. Nag-text sa kanya si Justine na ayos na daw yung kotse niya kaya wala na kaming problema. Pagka-akyat namin sa eroplano ay agad naming hinanap ni Tayler ang mga upuan namin. Magkatabi lang naman eh. Nang mahanap namin ang mga upuan namin, nilagay muna namin sa taas yung mga bagahe namin. Pagkatapos n'on ay nakaupo na kami. Matapos naman ng ilang minuto, sinabihan na kaming isuot na ang mga seat belt namin since lahat naman na ay mukha ng maayos at kumpleto. Agad na lang namin 'yon ginawa. Ilang saglit pa ay dahan-dahan ng gumalaw ang eroplano hanggang sa makarating na ito sa himpapawid...

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon