CHAPTER 209

417 22 4
                                    

1st Person's POV

Ilang araw na akong naiinis dahil sa mga palpak kong mga tauhan. Kung ako man ang kikilos ay hindi na masusunod ang plano. Laro lang muna sa ngayon. Kailangan kong kumalma. May tamang panahon 'yong Tayler na 'yon. Sa ngayon, kailangan naming makuha si Aya. Nakalimutan ko yung babaeng 'yon. Maraming nalalaman ang isang 'yon sa 'kin, lalo na sa katauhan ko. Sigurado akong napiga na siya ngayon ni Tayler. Dapat talaga dati ko pa niligpit ang isang 'yon. Kingina bakit kasi hindi ko 'yon ginawa noon?! Inaalam pa ng mga tauhan ko kung saan tinago ni Tayler si Aya.

Sasamantahalin ko yung mga oras nila ngayon. Araw-araw ay pumapasok sila kaya may tyansa akong makita si Aya. Kailangan ko siyang makita ng maaga dahil baka kung ano pa yung masabi niya kay Tayler. Sigurado akong nagsimula na rin na kumilos yung mga kaibigan ni Tayler. Hindi dapat minamaliit ang grupo nila. Kahit aapat lang sila sa grupo nila, matinik pa rin ang mga 'yon. Marami akong nalaman dahil sikat pala ang grupo nina Tayler sa gangster groups na nakausap ko. Isang grupo ang nangahas na kalabanin sina Tayler noon kung saan ang isang sa mga miyembro nila ay ang kapatid ko na pinatay ni Tayler. Nakakadalawa na ang lalaking 'yon.

Mas matindi pa sa inaasahan ko si Tayler dahil maski sarili niyang ama ay pinatay niya rin. Ibang klaseng lalaki. Sigurado rin ako na nagulat ang mga 'yon sa ginawa ko sa room nila. Tignan na lang natin kung anong magiging reaksyon ng mga kaklase niya. Lalaruin ko muna sila ngayon habang ngumangalap pa ng mga impormasyon ang mga bata ko at may misyon akong pinagawa ko sa kanila. Nakakatawa. Kahit wala ako doon sa eskwelahang 'yon ay parang nakikita ko yung reaksyon nilang lahat. Hay sayang naman. Pero 'di bale na.

Oras na para sirain si Tayler sa ibang tao at lalo na sa kanyang minamahal na babae na si Maxine. Yung babaeng 'yon, madali siyang mauto at hindi siya marunong magtiis. Mapapakinabangan ko ang isang 'yon sa mga plano ko. Buti na lang at kinilala ko si Tayler ng maigi. May mga personality siya na hindi pa alam ng mga kaibigan niya. Masyado talagang masikreto ang isang 'yon. Kung ayaw niyang ipaalam sa iba, ako na mismo ang gagawa. Unti-unti kong ipaparamdam sa kanya ang sakit at unti-unti ko ring ilalayo ang tiwala ng mga kaibigan niya sa kanya lalo na ang pinakamamahal niyang babae. Good luck sa kanya...

A/N: So 'yon, umeksena lang siya saglit para sabihin yung hinaing niya kay Tayler at ang mga plano niya. Hakdog😃

————————————————

Justine's POV

Nauna na sina Sunny na pumasok sa loob ng school. Kami nina Cairo ay nandito pa sa parking lot sa harapan ng school. Hinihintay namin ngayon si Tayler. Hanggang ngayon ay hindi pa rin matigil ang magkapatid na Collins sa kakatawa. Iniisip pa rin nila siguro si Kurt. Napaka-siraulo talaga ng mga 'to. Kapag talaga nakalabas na yung isang 'yon sa ospital, mababatukan kaagad 'tong dalawang 'to. Poor Kurt. Pinagtatawanan lang siya ng kapwa niya babaero. Speaking of Kurt, mabuti naman na yung lagay ng isang 'yon. Pero hindi pa siya nabibisita ni Aya. Ewan ko nga kung dadaanan siya ni Tayler ngayon para kamustahin.

Pero sigurado naman akong dadaan siya kasama si Aya. pakiramdam ko kasi ay mangungulit si Aya kay Tayler na bisitahin si Kurt. Kahit na mag-ex na lang yung dalawang 'yon sigurado akong may feelings pa rin sila sa isa't-isa. Nung napakahamak si Kurt n'on sa Cavite dahil nga may mga taong sumusunod sa amin at gustong patayin si Aya, kita ko sa mata niya na alalang-alala siya kay Kurt. Smiles can lie but eye's can't. Kaya ko 'yon na makita sa kanila, kahit pa si Tayler. Kahit sa tono ng pananalita ng isang tao. Alam kong nagsisinungaling sila o sila.

Habang hinihintay namin yung isa na dumating ay may napapansin ako sa mga taong nasa paligid namin ngayon. May mga kahina-hinalang kilos ng mga lalaki ang napansin ko. Sinipa ko yung paa ni Cairo."Aray ko naman!"pagdaing niya habang hinihimas niya yung paa niya. Napalakas yata sipa ko. Pasimple kong kinamot ang likod ng tenga ko na sa tingin ko ay nahalata naman niya ang ibig-sabihin."Nasa'n?"bigla naman siyang nagtanong ng pabulong.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon