CHAPTER 179

521 29 6
                                    

1st Person's POV

Ilang araw na ang nakakalipas ng makauwi ako dito sa pilipinas ang dami at ang laki ng pinagbago. Katulad ng pagbabago ngayon dito sa pilipinas, magbabago din ang pinlano namin noon bago magkawatak-watak ang grupo ng Vitale's Brotherhood. Kahit hindi ako kabilang sa grupong 'yon ay marami akong alam sa kanila at maski sa plano nila dahil palihim na may nagsasabi sa akin ng mga plano at hakbang na ginagawa nila. Ilang taon na rin ang nakakalipas na mabuwag ang grupong 'yon. Actually, hindi sila nabuwag, namatay silang lahat at dahil 'yon kay Tayler at sa mga kasamahan niya.

Ilang taon na rin ang nakakalipas. Hanggang ngayon daw ay hindi pa rin nila nakikita o nahahanap ang katawan ni Tayler. Lahat sila ay naniwala at natanggap na patay na talaga ang hayop na lalaking 'yon. Pwes ako, hindi. Hangga't hindi ko nakikita ang katawan ni Tayler hindi ako maniniwalang patay na talaga siya kaya ako nagbalik para ako mismo ang maghanap sa kanya. Nag-hire ako ng mga tao para tumulong sa akin sa paghahanap. May naghahanap sa dagat kung saan siya nahulog at meron din sa paligid. Binigyan ko sila ng mga litrato ni Tayler para kung sakali man na makita nila ang demonyong lalaking 'yon.

Ako ang magpapatuloy ng plano. Kung sa tingin nila ay na tapos na ang delubyo sa buhay nila? nagkakamali sila. The show must go on. At sa sobrang swerte, nakilala ko kaagad at nahanap ko kaagad ang nobya ni Tayler. Gagamitin ko siya upang lumabas si Tayler sa pinaglulunggaan niya ngayon. Hindi ako susuko hangga't hindi ko mismo napapatay ang lalakinh 'yon. Titigil lang ako kung tuluyan na talagang mawawala ang lalaking 'yon. Ayokong magpakampante. Pero buti na lang at walang nakakakilala sa akin dito. Tanging ang mga kaibigan ko lang at ang mga tauhan ko lang ang nakakikala sa akin.

Tama lang ang pagbabalik ko dito. Tuloy pa rin ang plano kahit na anong mangyari. Kahit ako lang ang magtuloy ng plano ay ayos lang. Kailangan ko lang ng mga gagamiting tao. Pera lang ang katapat ng mga tao ngayon. Hindi naman mahirap sa akin ang pagkuha o magkaroon ng pera. Sa ngayon muna, kailangan kong ituon ang pansin ko kay Maxine Sharlamagne Zian Xenn Samantha Alonzo. Ang liit naman talaga ng mundo. Best present 'yon sa akin dahil kakauwi ko lang kamakailan dito sa pilipinas.

May biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko."Come in."sabi ko.

Bumukas na ang pinto at iniluwal nito ang kaibigan ko. Binaba ko ang hawak kong libro sa maliit na lamesa na nasa tabi lang ng kama ko."Nandito na sila."sabi sa akin ng kaibigan ko.

Matapos niyang sabihin 'yon sa akin ay may nagsipasukan na mga tao."Good job."nakangiting sabi ko sa kaibigan ko.

"Anong kailangan mo sa amin?"tanong sa akin nitong lalaking kasama ng kaibigan ko.

Tumayo ako at naglakad ako palibot sa kanilang lahat."May ipapatrabaho ako sa inyo."sagot ko naman sa kaninang tanong niya.

"Kung papayag kami na gawin 'yan, ano naman ang kapalit?"

Tumigil ako sa harap nila at binigyan ko sila ng kakaibang ngiti at titig."Alam niyo na kung ano 'yon kaya hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mong 'yan."sabi ko pa sa kanya.

Nakita kong napangiti sila at nagkatitigan pa."Deal. Payag kami."pagsang-ayon nila."Ano naman ang kailangan naming gawin?"muli niya pa akong tinanong.

"All you have to do is play with Maxine until someone will come for help her."sagot ko naman."Do anything what you want. Hindi na ako aangal pa sa mga gagawin niyo basta do you job well and the most important is don't you dare tell them that i'm the master mind of all because i will kill you ALL, anytime and anywhere that i want."may pagkakadiin na sabi ko.

"Yon lang naman pala eh. Hindi mo na kami kailangan pang takutin. Madali lang naman kaming kausap kaya 'wag mo ng aalalahin pa 'yon. At wala ka ng dapat pang aalalahanin dahil hawak ko sa leeg ang mga alaga ko."

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon