Yna's POV
Tapos na ang klase namin ni Sunny. Wala pa kaming sunod na klase dahil lunch break na ang kasunod. Nakaupo lang kami dito sa nakita naming bench ni Sunny. Inaayos namin yung notes na ibibigay namin para kay Maxine, para makahabol siya sa mga na-miss niyang lessons. Hindi naman kami nahihirapan sa pagaasikaso ng ganito dahil madami din naman kaming gumagawa nito hindi lang para kay Maxine, kay Tayler din. Ilang araw na din kasi silang absent eh. Mas ginusto pang umabsent ni Tayler para maalagaan niya si Maxine. Kinikilig tuloy ako habang iniisip 'yon! Hshshshs >0<♥ Ano na kayang balita sa kanilang dalawa? Sana maayos na pakiramdam ni Maxine para makapasok na siya ulit.
Miss na namin siya. Sawa na kami sa pagmumukha ni Andrea eh. Syempre charot lang! Naging busy din kasi kami these days. Hindi na din nga namin makuhang mag-hang out eh sa sobrang busy. Pero kapag nagkaroon na kaming lahat ng oras sa bawat isa? Baka mag-out of town pa kami hahahahahahaha. Naging tahimik naman yung mga nagdaang araw namin. Sana naman tuloy-tuloy na yung gan'on hindi katulad nung Highschool kami. Naalala ko tuloy yung mga katarantaduhan na ginawa ni Zerene kay Maxine. Pero 'di ko talaga makakalimutan na pinagtangkaan niya yung buhay ng kaibigan ko.
Sariwang-sariwa pa talaga sa isip ko yung mga nangyari ilang taon na ang nakakalipas. Sa dami ng nangyari noon, nandito pa rin kami. Nakakalungkot din dahil may nagsakripisyo para sa minamahal niya. Napatigil at napalingon ako ako kay Sunny bigla habang may sinusulat siya. Masaya na siya ngayon sa piling ni Justine. Siguro, masaya din si Ian dahil hindi pinabayaan ni Justine si Sunny. Nagsakripisyo si Ian para makapiling ni Sunny yung totoong para sa kanya. Iba talaga ang nagagawa ng love. Si Cairo kasi puro kalokohan eh. Kahit nasa panganib na, nakuha pang maglokohan at magbiruan. Ewan ko ba sa boyfriend kong 'yon. Minsan may sayad eh.
Nakaramdam ako ng biglang pagkauhaw. Hinanap ko kaagad ang tumbler ko. Pagkabukas ko nito ay nakita kong wala ng lamang tubig."Ah Sun, punta lang ako sa cafeteria ah?"paalam ko sa kanya habang nililigpit ko ang mga gamit ko.
"Sama na din ako sayo. Tapos na din naman na 'ko eh."sabi niya naman.
"Oh sige."pagpayag ko.
Inayos muna namin ang lahat ng mga gamit namin. Pagkatapos n'on ay tumayo na kami at binitbit na namin ang mga gamit namin at nagtungo na kami sa cafeteria."Nagugutom ka na ba?"bigla niya akong tinanong.
"Nauuhaw lang."agad din naman akong sumagot."Eh ikaw ba?"tanong ko din sa kanya.
"Same lang din."sagot niya naman.
Agad din naman kaming nakarating sa cafeteria. Kakaunti lang ang mga tao dito. Nahagip ng mga mata ko sina Cairo? Mukha silang nagtatalo nung mga babae."Lapitan natin sila."baling ko kay Sunny. Agad namin silang nilapitan."Ahm Cai? Anong meron dito?"bungad ko kay Cairo. Lumapit ako sa kanya.
"And who you?"masungit akong tinanong nung babaeng 'to.
Nagkatinginan muna kami ni Cairo."Diba dapat, kung gusto mong alamin or kilalanin yung isang tao, dapat mauna ka munang magpakilala."may pagkakadiin na ani ko.
"Oh i wonder. Same manners din pala kayo ng boyfriend mo. Are your parents teach you well huh?"maarte naman niyang wika.
"Anong ibig mong sabihin?"
Bigla siyang natawa."Your boyfriend is a pervert. He touch my butt!"inis na sabi niya.
Napalingon ako bigla kay Cairo."Yna nagsisinungaling 'yang babaeng 'yan! Alam mong kahit malibog akong tao hinding-hindi ko 'yan magagawa... Kilala mo 'ko Yna..."paliwanag ni Cairo.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...