Andrea's POV
Magkakasama pa rin kami ngayon dito sa condo ni Tayler. Nilalagnat nga si Maxine ngayon. Halos lahat kami ay nandito. Hindi na namin sinama pa si Vizier dahil baka magkagulo pa sa pagitan nila ni Tayler. Mabuti ng si Damon lang yung isama namin kesa isama pa namin si Vizier. Baka hindi kayanin ni Maxine yung bigat ng atmosphere kapag magkasama pa yung dalawang 'yon. Sabay-sabay na kaming naghapunan. Sa katunayan nga niyan ay kumakain na kami ngayon. Usual, si Tayler ang nagluto pero tumulong naman kami nina Alexander.
Hindi pa kaya kumain no Maxine ng kanin pero pinagluto naman siya ni Tayler ng noodles. Grabe! Nafi-feel ko talaga na magkakabalikan na 'tong dalawang 'to. Hindi naman sa ayaw ko kina Vizier at Damon pero kasi feel ko na si Tayler talaga yung para kay Maxine. Hindi ko masabi kung bakit basta 'yun na yung nafi-feel ko. Hindi sumalo sa amin si Tayler ng hapunan. Sabi niya ay mamaya na lang daw siya kakain dahil busog pa daw siya. Palusot lang yung isang 'yun eh. Magkakatabi sina Maxine, Damon, Alex, at Sunny sa mahabang couch.
Malaki din itong condo ni Tayler, hindi ko ine-expect. Para sa akin, dapat nagsariling bahay na lang siya para mas malaki lalo."Ah Tayler bakit nga pala nag-condo ka?"biglang tanong ko sa kanya."Pwede ka naman ng tumira doon sa mansion niyo since wala ng nakatira doon."suhestyo ko pa.
"Saka na."sagot niya."Before i go back to mansion, should i bring wife first or maybe girlfriend."sabi niya habang nakapamulsa ang mga kamay.
Biglang napaubo si Maxine. Palihim akong natawa pero tinakpan ko ng palad ko ang bibig ko. Kinikilig ako shet!"Oh uminom ka muna ng tubig. Magdahan-dahan ka lang kasi."Inabutan ni Alex ng tubig yung kapatid niya.
Agad naman itong kinuha ni Maxine at uminom na habang hinahaplos ng kuya niya ang likod niya."Ayos ka lang Max?"natatawang tanong ni Yna kay Maxine.
"Huh? Ah O-oo..."utal naman na sumagot si Maxine. Sinilip ko si Tayler. Hindi siya nakatingin kay Maxine pero napansin kong may ngiti sa kanyang labi."Nga pala. P-pwede na kayong umuwi since tapos naman na kayong kumain."sabi niya pa.
"Sig—Ah!!!"napasigaw bigla si Kurt habang nakaupo siya sa may gilid nung sofa sa tabi mo Damon.
"Hindi pa tapos kumain si Kurt. Ito pa oh."sabat naman ni Damon sabay lagay ng natitirang pagkain niya sa Plato ni Kurt.
"Palusot ka pa dre. Ayaw mo pang umuwi eh kasi ayaw mong masolo ni Tay—"muli siyang napatigil sa pagsasalita at napasigaw na naman siya ng kurutin ni Damon ang tagiliran niya."Sabi ko nga mananahimik na ko."dagdag niya pa sa kanyang sinabi
Napailing ako at natawa. Gan'on din ang iba."Ay oo nga pala Tayler, since wala na yung daddy mo. Sino na yung nagma-manage ng company niyo?"tanong din naman ni Summer kay Tayler."Madalas akong napapadaan doon sa building ng company niyo tapos napansin kong marami pa ring employees na pumapasok d'on"habol niya pang sabi.
"My mom's and my dad's secretary named Alfredo Alvaro is the one who manage our company."sagot naman ni Tayler."Since i can't be a CEO now, i said to Secretary Alvaro that i want him to manage our company but i still help him to the things he can't fix because sometimes Reefort Company is in trouble. And as of now, nothings happened naman so, thanks to him. I trusted him so much so, i don't need to worry about our company."mahabang ani Tayler.
"Grabe, simula bata ka palang andami mo ng nararanasang hirap pero ayan ka pa rin. Nakatayo at sinusubukan na bumangon. Iba talaga ang dugong dumadaloy sa mga Fuegeras."ani ni Sunny.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...