CHAPTER 197

417 25 2
                                    

Maxine's POV

Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nagkikita ni Tayler. Hindi rin nagbanggit si Cairo kung ano yung nangyari habang magkasama sila at kahit gustuhin ko man na malaman kung ano yung mga napagkwentuhan nila, mananahimik na lang ako. Sure akong nag-enjoy silang dalawa na magkasama. Mas mage-enjoy siguro sila kapag magkakasama silang lahat. Siguro nga, iniiwasan ako ni Tayler. Ayaw niya na sigurong lumala pa yung away sa pagitan naming dalawa. Kasalanan naman niya eh. Hindi dapat siya nagpapadala sa nararamdaman niya. Normal lang naman na magkagan'on eh kaso dapat limitahan niya para hindi siya makasakit ng kapwa niya.

Isipin niya na muna yung mangyayari bago niya gawin yung isang bagay. Naiintindihan ko naman kung bakit siya nagkakagan'on eh, nahihirapan lang niyang tanggapin. Kahit din naman sa akin eh. Hindi din madali kaya kung ako sa kanya, ayusin niya yung kinikilos niya at kontrolin niya yung nararamdaman niya dahil ayoko ng may masaktan pa siyang iba. Hindi lang naman para sa kanya at sa akin 'yon eh, para rin sa iba.  Pigilan niya yung sarili niya kasi ako, pinipigilan ko si Vizier na gumawa ng kahit ano sa kanya dahil ayokong lumaki pa yung gulo.

Hindi ko siya masisisi. Siya 'yan eh, si Tayler na habulin ng gulo kahit saan man siya magpunta. Unti-unti akong nakakaramdam na parang nawawala na yung feelings ko para sa kanya dahil sa ipinapakita niya. Kung gusto niya talaga kaming magkaayos, unahin niya na muna yung sarili niya. Hindi ibig-sabihin n'on eh may mali na sa kanya or may sira, gusto ko lang na hindi na siya makasakit pa ulit. Alam kong may chance pa rin na maulit 'yon pero mas maganda na din yung kahit kaunti, mawala. Patunayan niya na karapat-dapat na siyang patawarin. Kung gusto niya talaga na magkaayos kami, gawin niya na hindi yung uunahin niya pa yung gulo.

Biglang na lang natapon ang tubig sa hita."Bwisit."inis na sabi ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng pantalon na suot ko at pinunas ko sa hita ko."Hintayin niyo ko ha? Nagpalitan lang ako."paalam ko sa kanila.

"Gusto mo bang samahan na kita Max?"prisinta ni Andrea.

"Ah hindi na kaya ko naman."pagtanggi ko. Tumayo na ako.

Nagulat ako ng pagkalingon ko ay may nabangga ako."What the hell!"sigaw nung babaeng nabangga ko. Pamilyar ang isang 'to.

"S-sorry Hindi ko sinsadya..."humingi naman ako ng paumanhin.

"You again? Are you playing with me huh?!"galit na sabi niya sa akin. Binaba niya ang bag niya."Okay. Then let's play."sabi niya pa.

Bigla na lamang niyang hinablot ang buhok ko at saka niya ako sinabunutan."N-nag sorry naman ko diba.."sabi ko habang sinusubukan kong tanggalin ang kamay niya sa pagkakasabunot sa buhok ko.

"Your sorry is not enough!"sigaw niya pa sa akin.

Napahiga na lamang ako sa sahig. Napapatong siya sa akin habang sinasabunutan niya pa rin ako."Maxine!"narinig kong may tumawag sa akin.

Napaalis itong babaeng 'to sa pagkakapatong sa akin dahil may umawat sa kanya."Bitawan niyo siya!"sigaw nung kaibigan ng babaeng sumabunot sa akin.

Bigla na lamang nilang sinugod sina Andrea at Yna. Nang makawala yung babaeng sumabunot sa akin ay muli na naman niya akong sinugod."Tumigil kana pwede ba!"sigaw ko sa kanya habang sinusubukan ko pa rin na pigilan siya sa pagsabunot sa akin.

"Hindi ako titigil dahil nakakailan kana sa 'kin!"sigaw din niya.

Hind na ako nakapagpigil kaya sinabunutan ko na rin siya. Ilang saglit lang ay may humatak sa babaeng 'to at saka niya ito sinampal?!"I can hurt you even your a girl."sabi sa kanya ni Vizier.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon