Maxine's POV
Araw na ngayon ng sabado. Lahat kami ay may trabaho ngayon kaya wala kaming sapat na oras para lumabas. Pero yung iba sa amin ay may klase ngayon, kakaunti lang naman 'yon. Pagkatapos ng klase nila, pwede na silang dumeretso sa mga pinagtratrabahuhan nila. Mamaya pang 10:00 AM ang pasok ko sa trabaho. Alas-siete palang ng umaga. Matapos kaninang kumain ay tumambay muna ako dito sa salas habang may yakap-yakap akong unan. Hawak ko ngayon ang cellphone ko. Tinitignan ko lang yung facebook ko. Ang tagal ko na din kasing hindi nao-open yung account ko.
60+ friend requests, 10 messeges, at 99+ notifications. Halos lahat ng notifications ko ay galing sa mga mentions, tags at madami din ang nagpo-post sa timelime ko. Tinignan ko ang mga bagong post sa timeline ko. Ang post nila ay puro "paacept" at "panotice". #FamousKaGhorL? Sa totoo lang, kaya tambak ang mga ganito sa facebook ko ngayon ay pinagbawalan ako ni kuya na makipagusap kanino man. Masyadong possesive si kuya sa akin eh. Ayos lang naman sa akin 'yon tsaka kung sa tingin niyo eh nasasakal ako, nagkakamali kayo.
May biglang pumasok sa isip ko, si Vizier. Sinearch ko ang pangalan niya dito sa Facebook. Tinype ko ang full name niya. Isa-isa ko siyang hinanap. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bigo akong mahanap ang account niya. Nagtataka tuloy ako baka wala siyang Facebook. Ni-log out ko na ang account ko. Pumunta naman ako sa instagram at dito ko siya hinanap pero makalipas ang ilang minuto ay bigo na naman akong mahanap siya. Sa Twitter naman ako nagpunta.
Bago ko siya hinanap ay may bumungad kaagad sa akin dito sa twitter, isang twitter post. "Thingking of you is my own drug. It's driving me crazy as hell."yan ang nakalagay sa TP(Twitter Post.) Nakalimutan ko kung sinong tao yung nagsabi sa akin ng ganyan. Walang like or retweet ang post niya. Ipinost niya ito 5 hours ago. Ang username niya ay _psycho. Tsaka pamilyar kasi yung post niya eh. Ini-stalk ko ang account niya, #StalkerMode. Wala siyang followers. Iisa pala yung tweet niya tapos iisa lang yung finallow niya at nakita kong ako?!
Bigla akong kinabahan at nagsitayuan ang mga balahibo ko. May malamig na hangin na dumaan. Hindi naman nakabukas ang electric fan pero nakabukas naman ang bintana. Biglang nag-shutdown ang phone ko."Ngayon ka pa na-lowbat?! Haaaiish!!"inis na sabi ko.
"Oh 'nyare sayo 'teh?"tanong sa akin ni Andrea habang nagpupunas siya ng kanyang buhok.
Tinabihan niya ako sa pag-upo."Ah wala. Ang weird lang."sabi ko
"Huh?"
"Kanina nagtwi-twitter ako. Ise-search ko sana kung may twitter account si Vizier kasi hindi ko makita yung facebook at instagram account niya. Bago ko hanapin yung account niya may bumungad sa aking post. Ang nakalagay."Thingking of you is my own drug. It's driving me crazy as hell."Tapos alam mo ba kinabahan ako kasi 'yon pala yung unang tweet niya. Walang like or retweet. Tapos ini-stalk ko yung account niya. Alam mo ba... Nagsitayuan ang balahibo ko ng tignan ko yung mga finallow niya tapos... tapos...tapos... Nakita kong ako lang!"kwento ko kay Andrea.
Habang kinikwento ko sa kanya 'yon ay nakakaramdam ako ng takot at medyo kinakabahan pa ako."Hala ka 'teh!"sigaw ni Andrea. Dumikit pa siya sa akin lalo."Baka mamaya para sayo yung post niya 'teh."nakakatakot na pagkakasabi ni Andrea."Baka mamaya multo pala yung may-ari ng account na 'yon tapos ikaw yung mumultuhin niya... ARGHHHHH!!!"muli n naman siyang napasigaw.
Pinitik ko yung noo niya."Gaga ka. May multo bang marunong mag-social media? Ikaw 'teh yung utak mo linisin mo na nga ng madalas tsaka palagyan mo ulit ng turnilyo kay Justine baka nawala na naman yung pinasok namin diyan eh."pabiro kong sabi sa kanya.
"Panira ka ng moment eh."dismayadong sabi naman niya."Eto seryoso. Wala ka bang idea kung sino 'yon? Kasi baka mamaya masamang tao 'yan ah. Pero yung post niya ang sweet at ang lakas ng dating eh. Parang may pinatatamaan siya."bigla namam siyang nagpalit ng mood.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...