CHAPTER 231

359 14 5
                                    

Sunny's POV

Nandito pa rin kami sa ospital kasi dumating sina Tayler na sugatan. Para tuloy silang sumali sa rambol nito. Si Cairo maayos na ang lagay. Yung kapatid niya, nasugod din sa emergency room dahil 2 beses na tamaan ng bala ng baril at 3 tatlong beses nadaplisan. Buti na lang at mabilis natapos ang operasyon kay Liam dahil sinunod naman si Tayler. Jusko po... Ngayon, nasa kani-kanilang kwarto sila. Tulog at pinapahinga yung sarili. Ako ito, nasa kwarto ni Justine, inaantay siyang magising. Si ate naman kasama sina Alexander sa labas. Grabe galit at pagaalala ni kuya Alex nang ikwento ni Cairo nangyari sa kanila.

Pero ngayon, ang hinihintay naming magising ay si Tayler dahil siya ang gustong pagpaliwanagin ni kuya Alex. Grabe talaga yung hitsura nila kanina, hindi ko na kayanan. Sa kanilang apat, sina Tayler at itong kulugong 'to yung mas malala ang tama. Nandito rin ngayon sina Damon, Vizier at yung kapatid niyang babae na matagal ng nawawala. Kahit nagpaliwanag na si Cairo kanina, medyo naguguluhan pa rin talaga ako. Kinabahan nga ko kasi hindi nila kasama si Maxine kanina nang pumunta sila dito kaya ang resulta, lalong nagalit at nagaalala si kuya Alex. Ang hiling ko talaga ngayon ay nasa maayos na sitwasyon si Maxine kahit papaano.

Nang makita ko yung mga sugat, tama ng mga bala ng baril at daplis nila, sure akong hindi basta-basta ang nakalaban nila. Hindi daw nakita at kilala ni Cairo yung tao sa likod nitong nangyari sa kanila pero sure daw siyang alam ni Tayler. Sumasakit tuloy yung ulo ko sa mga nalama namin ngayon. Si kuya Alex, gusto ng magpatulong sa mga pulis pero pinigilan siya ni Cairo. Gulong-gulo na nga si kuya Alex dahil sa sobrang pagaalala kay Maxine. Nagaalala nga si ate kasi baka mahimatay si kuya Alex. Hay jusko po... Sana naman matapos natong hamon ulit sa kanila. Kung sino man yung mastermind nito na 'to na Del Eillero din, sana last na siya.

Tumayo ako at lumabas muna ako ng kwarto ni Justine dahil baka maistorbo ko ang mahimbing niyang tulog."Oh kamusta naman si Justine?"bungad naman na tanong sa 'kin ni ate.

"Ayos naman."sagot ko sa kanya."Nakakabahala lang kase ngayon ko lang siya nakitang puro tama ng baril tsaka mga sugat."malungkot ang tono ko habang sinasabi ko 'yon kay ate.

"Kung sino man yung gumawa nito sa mga jowa niyo, pustahan tayo, hindi siya or sila basta-bastang kalaban."sabat naman ni Andrea habang nakatayo sa harapan ni Lairus."Naalala niyo ba yung nangyari sa 'tin four years ago? Si Axill 'di ba na transferee? Nagpanggap siyang kaibigan natin kasi gusto niyang maghigati kay Tayler. Tapos mga kasabwat niya pa d'on is sina Zerene na ex ni Tayler, ex naman ni Sunny na si Ian, tapos yung mismong tatay ni Tayler! 'Di na talaga ako magugulat kung isang araw, maulit na naman yung pangyayaring 'yon."kwento naman niya.

"Wag naman sana..."ani ko.

"It's already happening..."sabat naman ng kapatid ni Damon."I know, some of you knew me as Levi's friend. Did all of you remember the girl who is with Tayler sometimes? Yeah, her full name is not Levi Crane Severino, it's Levi Del Eillero."aniya na nagpalaki sa mga mata namin at nagpabigla."Before i start the story how she get i and Maxine, let me introduce myself to all of you first. I'm Valvereen Fé Nicholas, Vizier's long lost younger sister."lahat kami ay nabigla nang magpakilala siya."Okay so let's start?"tumango na lang kami sa sinabi niyang 'yon."As she said, she was the fourth child of Del Eillero's. She kidnapped me and Maxine to use us as her bait for Tayler but i'm grateful because her plan for me didn't work. But sadly, she escaped with Maxine. Levi will take Maxine in one place but i don't know where."kwento niya."But you know what it hurts me the most? When she already know in the beginning that i am Vizier's sister. Then she use me as a bait for Tayler and our friendship was fake. I truly love her. I even treat her as my older sister because i thought she was my best friend... I trusted her... But she betrayed me..."kwento niya pa. May nakikita akong ningning sa mga mata niya. Sigurado akong luha 'yon.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon