CHAPTER 202

391 19 2
                                    

Hi Umbrellas!!! I just want you to know that my first story ( The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 1. ) are now reached 100k readers/views!!! I WOULD LIKE TO SAY THANK YOUUUU TO ALL MY SOLID UMBRELLA'S. I REALLY APPRECIATE ALL YOUR VOTES AND THE COMMENTS 😭❤️ please stay with me until the end of this story! By the way, sorry for slow updates because i'm still busy now and i don't have a time. Modules gives me a fuckin' headache but to all taking modules, please don't be sad or feel depressed. Cheep up baby! Smile and chill. Don't let modules ruin your study. Use Wattpad for motivation, inspiration and energy. I love you all! Once again, thank you to all of you!!!❤️ 150k soon.


Justine's POV

Mauuna ako sa kanilang pumasok. Si Sunny ay sasabay na lang daw sa ate niya. Ayos na rin 'yon dahil maaga talaga akong papasok ngayon dahil may kailangan akong aralin sa library. Tulog pa ang iba sa akin ngayon habang ang iba ay nasa sofa lang nakaupo at nagkakape. Si Alexander tulog pa rin dahil kakauwi lang nila kaninang alas kwatro dahil inabot na ng madaling araw yung gig nila kaya 'yon, bagsak sila pero si Damon ito nakaupo at nagkakape lang. Wala naman silang pasok sa umaga pero sa hapon meron na. Mabuti naman 'yon para makabawi muna sila ng tulog kahit ilang oras lang.

Hindi ko alam kung pupunta kami sa condo ni Tayler ngayon para bisitahin namin si Maxine kasi wala pa namang sinasabi si Alexander. Pero kung hindi sila pupunta, ako pupunta. May gusto kasi akong sabihin kay Tayler at makipagkwentuhan na din mamaya pagkatapos ng klase ko. Alam kong hindi pa rin siya pumapasok dahil inaalagaan niya pa si Maxine. Hays. Ibang klase talaga yung taong 'yon. Never niyang sinukuan si Maxine. Ni hindi ko nga halos ma-imagine yung kapag dumating na yung oras na sumuko na siya o sinukuan niya na si Maxine.

'Yon yung isang bagay na napakaimposibleng mangyari. Hindi uso kay Tayler ang sumuko at wala sa buka-bularyo niya ang sumuko sa kahit na ano. Ako, kami na nakasama niya sa lahat ng kalokohan, kapahamakan at maski sa impyerno hindi kami nagiwanan at nagsukunan. Kaya kung magkakabalikan na sina Maxine at Tayler at naging sila in the future, sigurado akong magiging mabuting asawa at ama si Tayler sa magiging pamilya nila. Pa'no ko nasabi na si Maxine ang magiging katuwang ni Tayler? Huh. Halata na. Tinamaan na si Tayler kay Maxine ng sobra at nangako pa si Tayler na papakasalan niya si Maxine kahit na anong mangyari.

Hays. Siguro kung naging babae ako, si Tayler yung jojowain ko hahahahaha. Habang nagbibihis ako ay tumunog ang ringtone ng cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa hinihigaan ko."[Hello?]"sagot ko sa tumawag.

"[Justine.]"boses ni Tayler.

Ewan ko pero nakaramdam kaagad ako ng kaakaiba sa boses niya."[May nangyari ba?]"agad ko siyang tinanong para malaman ko kung may nangyari ba.

"[Dito ko na lang sa condo sasabihin. Pakidalian lang. Pasensya na sa istorbo.]"-Tayler.

"[Mmm... Sige. Pupunta na 'ko diyan ngayon.]"-ako.

Siya na ang tumapos sa paguusap namin. Binaba ko muna ang cellphone ko sa kama ko. Nagmadali na akong magbihis. Masama ang kutob ko dito. Sigurado akong may nangyari kay Maxine. Hays. Nagsisimula na naman. Mukhang susubukan na naman kami. Sana iba ito. Hindi sana ito katulad ng nangyari sa amin dati. Sigurado akong kapag may nangyari, magsasakripisyo na naman si Tayler. Hindi pwede iyon. Wala na dapat na magsakripisyo sa amin. Matapos kong magbihis. Ay dali-dali kong kinuha ang bag, susi ng kotse ko ay phone ko pagkatapos lumabas na ako ng kwarto namin ni Damon.

Sinara ko na ang pinto."Oh nagmamadali ka yata?"bumungad sa akin si Cairo pero hindi ko na lang siya pinansin.

Bumaba na ako kaagad ng hagdan. Nagtungo kaagad ako sa kotse ko. Pinasok ko muna ang bag ko sa loob ng kotse ko. Binuksan ko muna ang gate pagkatapos ay pumasok na ako ng kotse ko. Inistart ko na ang kotse ko. Tumingin ako sa likod dahil baka may bigla akong mabangga. Ligtas ko namang nailabas ang sasakyan ko. Hindi ko na sinara ang gate. Sila din naman magsasara niyan kaya naman nagmaneho na kaagad ako. Sana hindi traffic para kaagad akong makarating sa condo ni Tayler. Sana maayos na ang lagay ni Maxine ngayon. Ano kaya ang nangyari.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon