Maxine's POV
Tumatakbo ako ngayon. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero hinahayaan ko na lang. Napatigil ako sa tapat ng pintuan. Tinignan ko ang pinto, faculty room. Dito kami nagpunta ni Vizier nung naghahanap kami ng damit. Dali-dali akong pumasok sa loob. Agad kong sinara ang pinto. Gumilid ako at bigla na lang akong napaupo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako matigil sa pagiyak. Hindi ko maintindihan sila kuya kung bakit mas pinili pa nilang makinig sa paliwanag ni Tayler kesa sa akin. Ni walang sumunod sa akin para pigilan ako. Ewan ko ba sa mga 'yon.
Basta ako, hindi ako basta-basta maniniwala sa mga sinasabi nung lalaking 'yon. Kung sina kuya mapapaniwala niya, pwes ako hindi. Pinagmukha niya akong tanga. Naniwala ako na patay na siya tapos ngayon bigla-bigla na lang siya magpapakita? Gusto niya ba akong mamatay ng maaga? Kung dati ay natitiis ko pa si Tyler, pwes ngayon hindi na. Magmamatigas ako. Hindi ako basta-basta susuko. Hinding-hindi ko siya bibigyan ng isa pang pagkakataon. Sobrang sakit na nga sa akin nung mga araw na magkasama pa kami dahil kay Zerene.
Pero ngayon mas matindi yung sakit. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito basta may nararamdaman akong galit na feeling ko anumang oras sasabog na. Hindi sa natatakot ako, pero gusto ko munang hindi siya makita. Sana naman, intindihin niya muna yung nararamdaman ko ngayon kasi nahihirapan ako at mas lalo pa akong mahihirapan kapag nararamdaman ko yung presence niya sa paligid. Mas lalo akong naguguluhan sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Naiisip ko ngayon kung ano ng ginagawa nila ngayon. Sure akong maniniwala sila sa mga sasabihin ni Tayler lalo na sina Justine. Kaibigan niya ang mga kulugong 'yon kaya hindi na ako magugulat pa kung agad silang naniwala.
Napayuko na lamang ako. Narinig ko ang pagbukas ng pinto. May narinig akong naglakas. Narinig ko din ang pasara ng pinto. Naradaman ko na palapit siya sa akin. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko."Are you okay?"tanong sa akin ni Vizier. Lumuhod siya sa harap ko.
Bigla naman akong mas lalong humagulgol ng iyak."H-hindi..."utal ko siyang sinagot."Hindi ako okay..."naiiyak na sabi ko pa.
"I saw and i heard what happend a little while ago."sabi pa ni Vizier."Hindi ko sinasadya 'yon. Lalapitan sana kita kaso naguusap kayong lahat."matapos niyang sabihin 'yon ay napatigil siya saglit."Mukhang nakumbinsi na ng ex mo yung mga kaibigan mo."rinig ko pang sabi niya."Its hard to forgive him or give him another chance right?"hindi naman ako naka-imik ng sabihin naman niya 'yon. Bigla niyang kinuha ang mga kamay ko."Makinig ka muna sa mga kwento niya Max, kung ano yung mga pinagdaan niya sa loob ng ilang taon na hindi kayo nagkasama dahil kung sila at maski ako, nalungkot at nabigla ng marinig ko ang kwento niya. A man like him is deserve a girlfriend like you."
May bigla akong hindi maintindihan sa mga sinasabi niya sa akin."A-ano bang sinasabi mo Vizier?"utal pa rin na sabi ko.
"Yeah, i like you but i want you to be happy. I felt that you still love him. You're so obvious Max. I know, your friends or your brother already know it. I don't wanna see you crying because its killing me like hell! Magkaayos lang kayo, ayos na sa akin pero magkabalikan kayo? Hindi ako papayag. I want you to be part of my life Max, forever. Even Damon can't do anything to stop me courting you. I've been thinking about you. You always in my mind and i always want you by my side."si Vizier.
"Vizier..."
Nakita kong may ngiti sa kanyang labi? Nawiwirduhan na naman ako sa lalaking 'to. Bigla niyang pinunasan ang pisngi ko na nabahiran ng luha ko."Mabait ka. Masarap kasama at hindi sa lahat, masaya kang kasama. Hindi na ako magugulat kung madami ng nagkagusto sayo."natatawang sabi niya."I know, this is not the right time to make a move but its okay. I let you to cry..."bigla naman niya akong hinatak para yakapin?! Siraulo 'to ah!"But while we're hugging each other. You feel better?"rinig kong sabi niya pa.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...