CHAPTER 178

485 30 0
                                    

Vizier's POV

Tahimik lang kami ni Maxine dito sa loob ng sasakyan. Walang nagsalita sa aming dalawa. Patanaw-tanaw lang siya sa labas ng binatana at panay ang tingin sa screen ng cellphone niya. Mukhang may gagawin ang isang 'to. Nagkataon lang talaga yung kanina. Nakita ko siya na pumasok sa eskinitang 'yon kaya naman ako ay nakaramdam ng kakaiba. Dali-dali akong bumaba ng sasakyan ko at doon ko nakitang kasama ni Maxine yung tropa nung nagngangalang Blue. Ang buong akala niya siguro ay hindi ko siya kilala. Bago ko kilalanin ang babanggain ko ay kinikilala ko muna siya. Hindi ako nagpapadalos-dalos kagaya ng iba.

Pati yung Chico Yu na nakakabatang kapatid ni Professor Yu, yung Derenn Nolasco at ang iba pa niyang tropa. Syempre yung girlfriend niyang si Ivy Seb Calves at ang mga kaibigan ng girlfriend niyang sina Maggie Elle Alvaira at si Seerah Choi. They didn't know that i know a lot. Kaya nga sa bawat bumabangga sa akin ay sinasabi kong kilalanin muna nila ako bago nila ako banggain. Kagaya na lang nung kaibigan ni Maxine na si Damon Blaine LeCard. Dati pa pala siyang may gusto kay Maxine pero si Maxine, never siyang nagkaroon ng feelings sa Damon na 'yon. Poor him.

I think, hindi pa niya ginagawa ang lahat para sa kay Maxine pero sa tingin ko din na imposible siyang magustuhan ni Maxine dahil mukhang hindi pa siya nakaka-move on totally si boyfriend niya. Goodluck to him. Nakarating na kami ni Maxine dito sa school. Agad bumaba ng ma-park ko ang kotse ko. Sabi ko sa driver ko na ako na lang ang magda-drive simula ngayon kaya naman siya na muna ang bahalang magmaneho para kay mama. Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakakapagmaneho. Binitbit ko na ang bag ko.

Sabay namin sinara ni Maxine ang pintuan ng kotse ko. Naglakad ako palapit sa kanya."Nicholas, salamat. Salamat sa pagsakay mo sa 'kin tsaka doon sa kanina."biglang nagpasalamat sa akin si Maxine."Kung hindi ka dumating eh baka naging breakfast na 'ko ng mga kulugong 'yon."natatawa niyang sabi sabay nagpakawala siya ng mabigat na hininga."Nasayang ko na naman ulit yung oras mo."sabi niya pa sabay yuko.

"You didn't waste my time."matapos kong sabihin sa kanya 'yon ay pinamulsa ko ang kanan kong kamay."Actually... I don't do anything. I just want to come early."sabi ko pa sa kanya.

"Weh?"hindi niya makapaniwalang sabi."Edi wala ka talagang bakla ay este balak! Juskong bibig 'to. I mean wala ka talagang balak na gawin? Masyado pang maaga oh. Diba sabi mo kanina na mamaya pang 10:30 yung klase mo?"sabi naman niya sa akin sabay suklay sa buhok niya.

"Ano bang gagawin mo?"muli na naman akong nagtanong.

"Magbabasa-basa sa library."agad din naman siyang sumagot at napamaywang siya."Kumabaga, advance reading."dagdag niya pa sa kanyang sinabi."Kung sumama ka na lang sa 'kin sa library tutal wala naman akong kasama ngayon at baka pagkainteresan mo pa ang pagbabasa."

"Hindi naman siguro kita maiistorbo diba?"

Napatango-tango siya."Hindi 'yan. Ako na bahala tara."sabi niya sabay hatak sa kamay. Hindi sa kamay, sa pulsuhan lang. Nagmamadali siyang maglakad habang hatak-hatak niya pa rin ako hanggang sa nakarating na kami kaagad dito sa library."Hi ate, good morning."bati ni Maxine dito sa babae. Mukhang siyang yung nagbabantay.

Mas lumapit pa si Maxine sa kanya ako napalapit na din dahil hindi pa ako binibitawan ni Maxine."Magbabasa ka ulit 'no?"mahinang tanong nung babae kay Maxine pero narinig ko. Tanging pagtango na lang ang ginawa ni Maxine bilang sagot."Oh siya sige na."sabi pa nung babae kay Maxine.

Kinayawan pa ni Maxine yung babaeng 'yon pagkatapos ay umalis na kami sa harap niya. Hatak-hatak pa din ako hanggang ngayon ni Maxine. Naghanap na siya ng libro."Ahm Maxine?"tawag ko sa kanya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon