CHAPTER 225

365 19 3
                                    

Maxine's POV

Naghahanda na 'ko para pumasok. Oo, papasok pa rin ako kahit sa kabila nung nangyari. Ayoko namang pabayaan ang pagaaral ko at kailangan kong pumasok mamaya sa trabaho. Buti na lang at nasabihan nina kuya si ma'am Andi na hindi ako nakapasok kahapon dahil may nangyari. Gusto nga nila 'wag muna akong papasukin eh hindi ko sila sinunod. Ayoko kasing maapektuhan yung pagaaral at pagtatrabaho ko. Tsaka kahit hindi ko malimutan yung pangyayaring 'yon, kailangan kong mag-aral at pumasok. Baka sa paraang 'yon, isipin nila na okay na 'ko. Ayoko rin naman silang pagalalahanin. Tsaka tama lang siguro kung gawin kong mas busy pa yung sarili ko.

Gusto kong kalimutan yung mga bagay na nagpapalungkot sa 'kin. Pero mukhang imposible eh. Mahirap pero susubukan pa rin. Nagsusuklay na lang ako habang nakatingin sa salamin na nasabit sa dingding. Bigla tuloy akong napatigil sa ginagawa ko at napatingin ako sa sarili ko. Feeling ko, kinakabahan ako na ewan. Dapat ipakita ko sa kanila na parang wala lang na nangyari. Humugot ako ng hininga. At sinabi ko sa sarili ko na kaya ko 'to. Pinagpatuloy ko na ang pagsusuklay sa buhok ko. Matapos nun ay binitbit ko na ang bag ko at yung mga librong bitbit-bitbitin ko. Pagkatapos nang lahat ng 'yun ay lumabas na 'ko.

"Tara na?"bungad ko sa kanila ng may ngiti.

Nagsitayuan na sila. Ang nandito na lang ay sina, Sunny at Andrea kasama ang mga boyfriend nila na sina Justine at Lairus dahil ang iba ay maaga ang pasok."Let's go!"masayang sabi ni Andrea habang nakahawak sa kamay ni Lairus.

Una silang bumaba kasunod yung magjowang Sunny at Justine. Sa likod nila ay kami ni Tayler."Bye ate LL!"paalam ni Sunny kay ate LL na nasa gate.

"Bye 'teh!"paalam din ni Andrea bago sila lumabas ng gate ni Lairus.

Tumigil muna ako saglit para magpaalam din kay ate LL."Bye ate LL! Ingat ka dito ha?"sabi ko naman sa kanya.

Hinawakan niya ako sa kamay."Wag kang magaalala sa 'kin jusko."masayang sabi nito sa 'kin.

Iniwan na namin siya. Bago ako pumasok sa loob ng kotse ay kinawayan ko muna siya. Matapos n'on ay tuluyan na 'kong pumasok sa loob. Sinuot na namin ni Tayler ang seat belts namin. Hindi naman nagtagal ay nagmaneho na din siya. Nasa harap lang namin ang sasakyan nina Justine at Sunny. Sana naman maging normal 'tong araw na 'to. Ayokong isipin yung kahayupan ng lalaking 'yon na ginawa niya sa 'kin. Mas gusto kong ituon ang atensyon ko sa pagaaral ko, sa trabaho ko, sa mga kaibigan ko... At syempre kay Tayler. Napatingin ako sa kanya habang nagmamaneho siya. Kalmado naman na siya hindi kagaya kagabi. Sana magtuloy-tuloy na 'to...

MAKALIPAS lang ang ilang minuto ay agad kaming nakarating sa campus. Pinarada muna ni Tayler ang sasakyan pagkatapos ay bumaba na kami. Nakita kong natayo lang si Tayler pagbaba niya ng kotse pero nang makalapit ako sa kanya at sinenyasan ko siyang maglakad na ay nagpatuloy na kami. Pansin kong pinagtitinginan kami? Or ako? Ng mga estudyante dito. Hindi ko na lang pinansin pa pero bigla na lang ako makaramdam ng kakaiba. Ang weird na nito ha. Hanggang sa nakapasok na kami ng campus at habang naglalakad kami dito sa hallway, pinagtitinginan pa rin nila ako or kame. Hindi ko alam pero parang ako talaga yung tinitignan nila!

"Ayos ka lang ba?"tanong sa 'kin ni Tayler habang nakapamulsa ang mga kamay niya.

"O-oo..."utal naman akong sumagot.

"Ba't sila tumitingin sayo 'teh?"taka naman akong tinanong ni Sunny na nasa kaliwa ko lang.

"Hindi ko nga alam eh."natatawa na lang akong sumagot

"OMGGG!!!"tili ni Andrea. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil din kami dahil kami ang nasa likuran nila ni Lairus. Dahan-dahan niya kaming nilingon."S-siguro ito yung dahilan k-kung bakit ka pinagtitinginan teh..."aniya sabay binigay niya sa 'kin ang phone niya.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon