CHAPTER 175

550 38 8
                                    

Vizier's POV

Kakatapos lang ng klase ko ngayon. Last na klase ko na ngayong araw 'yon, so wala na akong gagawin. Pwede na akong umuwi ng bahay para makapagpahinga. Hindi kami mag-classmate ni Maxine ngayon. Siguro sa ibang classroom siya. Tumayo na ako at binitbit ko na ang bag ko tsaka ako lumabas ng classroom kasunod ng mga classmate ko. Sa likod ako ng school dederetso dahil doon naka-park ang kotse na susundo sa akin. Nag-text na sa akin yung driver ko na nakarating na siya dito. Masyado malaki yung University na 'to kaya tyaga-tyaga sa paglalakad.

Madadaanan ko muna yung tennis field bago ako makarating sa parking lot. May bigla akong  napansin kaya napatigil ako sa paglalakad. Nakita ko si Maxine kasama nung mga lalaki at babae kanina sa cafeteria. Nabigla ako ng sampalin ng lalaking sumuntok sa akin kanina sa cafeteria si Maxine. Napaatras si Maxine hanggang sa wala na siyang maatrasan dahil alambre na yung nasa likod niya kung saan parang nakakulong ang tennis field. Bigla na lang may kinuhang malapad at malaking kahoy yung isang lalaki sa tabi ng basurahan pagkatapos ay binigay doon sa lalaking sumampal kay Maxine.

Naglakad ako ng tahimik papunta sa kanila. Ihahampas na niya na sana yung kahoy kay Maxine ng matigil siya dahil nagsalita ako bigla."Subukan mong ihampas sa kanya 'yan, gagawin kong tennis ball ang ulo mo."bigla akong nagsalita.

Sabay-sabay silang napalingon sa likuran nila kung nasaan ako."Diba ikaw yung nanakit sa girlfriend ko?"maangas niyang pagkakasabi sa akin.

"Good, that you remember me."sabat ko pa.

"Ini-English pa ako ng gagong 'to ah."natatawang sabi niya.

Kasabat n'on ay inihampas niya sa akin ang kahoy na hawak niya sa tagiliran ko pero hindi 'yon tumama sa akin ng saluhin ko ang paghampas ng kahoy sa akin."Aalis kayo, o gusto niyong mapuruhan?"seryosong sabi ko sa kanila habang nagtitiis ako ng sakit dahil masyadong malaki at mapalad ang kahoy na sinalo ko at dahil din medyo malakas ang ginawa niyang paghampas.

"Aba't!"

Hahatakin niya na sana yung kahoy pero nauna ako sa kanya na gawin 'yon. Nang maagaw ko sa kanya ang kahoy niya ay hinampas ko sa binti niya 'yon."Kung ayaw niyong umalis, lulumpuhin ko na lang kayo."maowtoridad na sabi ko sa kanila.

Napaupo siya ng ihampas ko sa binti niya itong kahoy. Agad siyang nilapitan nung babae na sa tingin ko ay girlfriend niya."Babe lets go na. Baka mapuruhan ka pa."nagaalalang sabi niya sa nobyo.

Tinulungan siyang itayo ng girlfriend at mga kasama niya."Hindi pa tayo tapos, tandaan mo 'yan."may pagkakadiin na sabi niya sabay naglakad na sila habang akay-akay siya ng mga kasama niya.

Hindi ko na sila pa sinundan ng tingin. Nilapitan ko si Maxine."Ayos ka—"

Natigil siya sa pagsasalita ng bigla kong hawakan ang baba niya at tinagilid ko para tignan ang pisngi niya. Sure ko kasi ay nasaktan 'to ay sigurado din akong mabigat yung kamay ng lalaking 'yon."May masakit pa ba? Maliban dito sa pisngi mo?"tanong ko sa kanya.

"W-wala na."

Matapos niyang sabihin 'yon ay binitawan ko na ang baba niya. Tinignan ko siya sa mga mata ng deretso."Pauwi ka na ba?"muli ko pa siyang tinanong.

"H-hindi."nauutal siyang sumagot."May trabaho pa kasi ako kaya hindi pa muna ako makakuwi."sabi niya pa.

"Ihahatid na kita."prisinta ko.

"Ah hindi na kailangan. Kaya ko naman eh."pagtanggi niya.

Napamulsa ko ang dalawa kong kamay at saka ako humugot ng hangin. Napansin kong bigla siyang nagiwas ng tingin. Tinignan ko ang dibdib ko. Nakabukas pa pala yung butones sa parte dibdib ko kaya kita medyo yung dibdib ko. Nainitan kasi ako kaya ginagawa ko yung ganito kaya kadalasan kong isuot ay yung mga long sleeve polo na white plain lang at pinapartneran ko ng pantalon at brown shoes.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon