CHAPTER 236

351 16 0
                                    

After a few years...

Summer's POV

Sa wakas! Sa loob ng ilang taon, graduated na kami ng college! Agad din naman kaming nakakuha ng trabaho. Kaming dalawa ni Sunny, nag-apply sa isang kumpanya, so parehas kaming empleyado d'on. Sa katunayan nga niyan, sa kumpanya kami ni Tayler nagtatrabaho ni Sunny. Oo, sa kumpanya ni Tayler. Ngayon kasi ganap na si Tayler bilang bagong CEO ng company nila. Doon na siya nakatira sa mansyon niya pero hindi niya pa d'on isasama si Maxine. Speaking of Maxine, magkasama sila ngayon ni Alexander na nakatira sa isang bahay. Nakabili na kasi ng bagong bahay si Alex. At since nagtatrabaho na sila, kailangan na nila ng bahay na matutuluyan.

Si Maxine ay isang manager sa sarili niyang Café habang si Alexander, may sariling restaurant. Dahil magaling at mahilig siyang magluto, naisipan na lang niyang magtayo ng sarili niyang restaurant. Naging maayos naman ang pagpapatakbo niya. Minsan nga doon kami kumakain ni Sunny every lunch break kasi malapit lang yung restaurant na 'yun ni Alex sa kumapanya ni Tayler. Si Andrea naman naging wedding planner. Nitong mga nakaraan, marami siyang naging client. Tapos si Yna ang assistant niya. Si Damon, hindi ko inaasahang magiging piloto habang si Vizier naman, doctor sa sarili nilang hospital. Sina Cairo at Liam, naging sundalo. Hindi ko alam kung bakit 'yon yung kinuha ng dalawang 'yon.

Pero ayos lang naman daw dahil gusto daw nila ng thrill habang nagtatrabaho. Si Yna naman hindi mapakali at alalang-alala kay Cairo dahil baka may hindi magandang mangyari sa kanya doon. Wala rin naman siyang magagawa dahil 'yun ang gusto ng boyfriend niya. Si Liam naman, mukhang ayos lang. Hanggang ngayon kasi, hindi namin ma-contact si Lisa. Wala na kaming balita sa kanya simula nung kunin siya ng mga magulang niya at dalhin siya sa ibang bansa. Palihim na lang namin ginagawan ng paraan kung pa'no namin mako-contact si Lisa dahil sa ngayon naman, ayos pa si Liam. Hay, buti pa sina Kurt at Aya, nagkabalikan. Nasa Cavite silang dalawa ngayon dahil doon sila nagtatrabaho.

Ngayon, day off namin Sunny. Sobrang pagod kami nitong mga nakaraang araw dahil ang daming trabaho sa kumpanya. Habang nanonood ako ay may biglang tumawag sa 'kin."[Summer?]"boses ni Tayler. Ininom ko muna yung softdrinks na nasa ibabaw lang ng lamesa."[Alam kong day off mo ngayon pero gusto ko sanang magpatulong dahil magpo-propose na 'ko ngayon kay Maxine.]"

Nang marinig ko 'yon ay bigla kong nabuga ang iniinom kong softdrinks. Pinunsan ko muna ang bibig ko."Ano?! Magpo-propose kana kay Maxine?!"hindi ko naman makapaniwalang sabi.

Bigla namang lumitaw sa kung saan si Sunny at lumapit siya sa 'kin. Nilagay ko sa loud speak para marinig din niya."[Yes, later. Kaso hindi ako maka-isip ng idea kung anong klaseng pakulo yung gagawin ko para ma-surprise siya.]"rinig naming sabi niya.

Napatakip na lang kami ni Sunny ng bibig para hindi kami makagawa ng kahit anong ingay. Sobrang pagka-excite yung naramdaman ko!"Ganito kaya Tayler..."si Sunny ang nagsalita."Alam kong medyo nakakadiri pero kung mag-date or kumain kaya kayo mamaya ni Maxine sa restaurant ni kuya Alex. Sa pagkain mo, ilagay mo d'on yung singsing. Kunware nabilaukan ka tapos sabihin mo may nakain kang kung ano. Tapos darating si Alex para tulungan kang ilabas yung singsing. Pero bago 'yon, 'di ba nasa lalamunan mo na yung singsing, tatayo ka tapos doon ka aarte. Syempre tatayo n'on si Maxine tapos doon na lalabas si kuya Alex para tulungan ka. Tapos tada! Lumuhod kana. Syempre kami maglalabas ng pampaputok. Yung mga pampasabog ba katulad sa mga party, basta 'yon. At syempre, dapat lahat kami nandoon. Sta-stand by lang kami. Lalabas lang kami kapag nag-yes na si Maxine tapos magpapaputok na kami. Plus, yung mga taong kumakain pa doon yung makaka-witness sa gagawin mo."suhestyo niya."Ano agree ka ba?"tanong naman niya kay Tayler.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon