CHAPTER 211

438 27 1
                                    

Justine's POV

Nadala na kaagad ang katawan ng lola ni Aya sa morgue. Hindi na kami tumawag ng pulis. Si ate LL ay mukhang natotroma pa dahil sa nangyari. Pabalik na ngayon si Liam dito kasama si Tayler kaya ang naiwan sa ospital ay si Maxine. Hay. Ang mga 'yon talaga. Hindi man lang iniwan si Liam para may magbantay sa dalawa d'on. Habang tinutulungan ni Cairo si ate LL na kumalma ay ako naman ay nagsasaliksik dito. Nandito ako ngayon sa kwarto nina Andrea kung saan namatay ang lola ni Aya. Wala akong mahanap na kung ano dito. At ang isa pa niyan, napatay namin yung mga lalaking pumasok dito sa dorm ng girls.

Wala na din ang mga katawan nila dito. Isinama na ng ambulansya pagkasundo sa katawan ng lola ni Aya. Sigurado akong nakarating na kay Kurt ang balita. Nahuli kami ng dating. Kung nakarating lang sana kami ng mas maaga pa, edi sana naligtas pa namin ang lola ni Aya. Hindi na siya ligtas dito. Kung patuloy pa siyang mananatili dito baka hindi lang si ate LL ang madamay. Kailangan magtago ni Aya sa ibang lugar. Kailangan siyang mailipat sa ibang lugar matapos niyang magpagaling o pwede rin na kung kaya na ng katawan niya, sa ibang lugar na lang siya magpagaling. 

At kailangan niyang lumaban. Masyadong delikado para kay Aya ang maiwang mag-isa lalo na't ngayon ay napahamak siya. Mahina pa ang katawan niya. Hay. Lumabas na ako ng kwartong pinasukan ko."Justine."bigla akong nakarinig ng boses.

Agad kong hinanap ang boses na 'yon at nakita ko si Tayler, kasama si Liam."Nasa'n na yung katawan ng lola ni Aya?"tanong ni Liam sa amin.

"Nadala na sa morgue."ako ang sumagot. Lumakad ako palapit sa kanila."Kamusta na si Aya?"tanong ko din sa kanila.

"She's okay now but she will stay for too long in the hospital."sagot ni Tayler.

Umupo siya kahoy na sofa matapos niya akong sagutin. Napamulsa ko ang mga kamay ko."Ano ng balak mo Mr. Ty? Masama para kay Aya ang manatiling mag-isa lalo na sa situation niya ngayon. She needs a safe place where she can rest. The safest place Mr. Ty."muli ko pa siyang kinausap.

Umupo si Liam sa tabi niya."What if sa mansyon nina Tayler?"bigla namang sumabat si Cairo na pinapaypayan si ate LL sabay napalingon din kami sa kanya."Safe si Aya d'on. Sigurado ako. Tsaka medyo malayo sa atin ang mansyon nina Tayler at tayo-tayo lang naman ang nakakaalam n'on. Pwede nating dalhin doon si Aya ng palihim. Kung kakayanin ng katawan niya."dagdag niya pa sa kanyang sinabi.

"Nangako ako sa sarili ko na hindi muna ako babalik doon."biglang sabi ni Tayler na nakakuha ng atensyon namin

"Edi kami ng bahala nina Justine na dalhin si Aya d'on kung hindi ka makakasama sa 'min."sabat pa ni Cairo."Ang mahalaga maprotektahan at mapangalagaan natin si Aya. Tsaka pa'no yung tungkol sa lola niya?"sabi niya pa na nagpalumo sa akin ng kaunti.

Nagkatitigan naman kami ni Tayler pero agad din naman niyang iniwas ang tingin sa akin."Alam mo Mr. Ty na hindi natin pwedeng ilihim 'yon kay Aya dahil sa oras na magising siya. Ang lola niya ang una niyang hahanapin."sabat naman ng kapatid niyang si Liam.

"Alam ko na 'yan."sabi naman ni Tayler nang hindi nakatingin sa amin."Kaya si Maxine ang pinaiwan ko doon sa ospital para siya na ang magsabi kung sakaling magigising ngayon si Aya."habol niya pa sa kanyang sinabi.

Saglit kaming nabalot ng katahimikan. Bigla na lang nagsalita si Liam."Teka... Makakapasok pa ba tayo nito? Ang dami na nating inaasikaso tapos ganito pa yung sitwasyon natin."wika nito.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon