Maxine's POV
POV ko pa ren kaya 'wag ka ng magreklamo hmp! Tapos na kaming kumain ni Tayler. Naghuhugas siya ng mga pinagkainan namin ngayon. Nandito naman ako sa salas, nanonood ng TV. Dito na lang ako maghihintay sa kanya. Wala pa rin nagbago sa cooking skills ni Tayler. Magaling at masarap pa rin siyang magluto tulad ng dati. Kahit ilang taon na ang lumipas tandang-tanda ko pa rin yung first time na kumain ako ng pagkain siya mismo ang nagluto. Napangiti na lang ako ng palihim habang inaalala 'yon. Alam niyo kahit alam kong nandito na si Tayler, hinahanap-hanap ko pa din siya.
Hindi ko maintindihan kung ano yung nararamdaman ko ngayon basta ang alam ko lang ay masaya ako. Naging maayos naman kanina ang tanghalian namin ni Tayler. Nakakaloka kasi kanina hindi ako naging komportable. Ewan ko ba kung bakit. Siguro hindi na ako sanay? Imposible naman 'yun. Ilang taon lang naman siya nawala eh. Ah basta. Hindi ko siya sinisilip kasi baka ay mahuli niya ako hehehe. Ang laki din nitong condo niya. Hindi ka pa ito nalilibot pero sure akong malawak 'to. Yung kwarto niya hindi ko pa nakikita. Gusto kong makita kaso nakakahiya. Sobrang nakakahiya dahil ako pa yung nagpunta dito! Syempre gago ka pala self eh ikaw ang may gusto hmp!
Maganda ang paligid kaya naman tumayo ako at nagtungo ako sa glass wall. Grabe ang ganda ng view sis! Nakakarelax din. Ang sarap sigurong tumambay dito na may kalmadong musics, or magbasa, kahit magpatugtog ng kahit anong music instruments. Sure akong mahal pagkakabili dito ni Tayler. Siguro naman may roof top 'to 'no? Na may swimming pool sa taas na pwedeng tambayan hehehe. Ba't ko ba 'yun iniisip?! May hindi talaga ako maintindihan sa akin ngayong araw at ang weird.
Napahikab ako. Paguwi ko siguro mamaya ay magpapahinga na ako. Araw talaga ng pahinga ko ngayon eh pero itong araw yung napili ko para magkausap kami ni Tayler."Inaantok kana."may biglang nagsalita. Tinabihan niya ako."Gusto mo bang ihatid na kita?"sabi pa sa akin ni Tayler.
"Ah hindi hindi hehehe. Napahikab lang ako 'no tsaka hindi ibig-sabihin n'on eh inaantok na 'ko ano ka ba."paagsisinungaling ko.
Ipinamulsa niya ang kanyang kanang kamay."Hindi ka pa rin nagbabago, hindi ka pa rin marunong magsinungaling."sabi niya pa.
Hindi ko ipinahalata na nagulat ako."Ewan ko sayo!"masungit na sabi ko sa kanya.
"Dito ka na lang muna magpahinga. Pero kung gusto mo."
"Hoy mister."napamaywang ako matapos kong itawag 'yon sa kanya."Hindi porket nag-sorry ako sayo eh totally forgiven ka na, ano ka siniswerte? Sabihin na nating matindi nga yung pinagdaanan mo pero ako? Hindi din naging madali sa akin 'no kaya hindi mo din madaling makukuha ulit ang loob ko."matapos ko namang sabihin 'yon sa kanya ay napa-cross arms ako sabay ay nagiwas ako ng tingin sa kanya.
"Its means, you allow me to..."
"Oo!"
Hindi pa rin ako tumingin sa kanya."Maliligo lang ako saglit, gusto mo bang sumama?"sabi niya.
Nagulat naman ako kaya nabaling niya ang atensyon ko."Aba't!"
Tatangkain ko sana siyang hampasin kaso ay nakaiwas siya kaagad sa akin. Binalik ko ang atensyon ko sa labas nitong glass wall."I love you, Max."rinig ko pang sabi
Napakagat ako ng labi ko bilang pagpigil sa kilig na naramdaman ko nung sabihin niya 'yon. Napatakip pa ako ng bibig ko. Bumalik ako sa salas. Kinuha ko yung unan na nasa tabi ko lang at ipinatong ko ito sa hita ko. Siraulo talaga ang isang 'yon. Napahiga tuloy ako dito sa sofa sa sobrang kilig. Ampotek! Ba't ako ganito? Mukha tuloy akong abnormal hays... Dahil sa hindi ko malamang dahilan, bigla ko na lang minulat ang mga mata ko. Shit! Nakatulog ako! Agad akong umupo galing sa pagkakahiga. Nandito pa rin ako sofa pero nasaan si Tayler? Baliw 'yon ah hindi man lang ako ginising.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...