CHAPTER 186

450 29 4
                                    

Continuation part 2...

Tayler's POV

Nasa byahe pa rin ako. Hanggang ngayon ay umuulan pa din. Bwisit na ulan 'to pinapaubo na ako at sinisipon na din ako. Mukhang magkakasakit ako nito sa maling oras at lugar. Puro bahay ang at mga malalaking puno ang nakikita ko sa paligid. Wala na akong makitang hotel simula nung umalis ako sa unang hotel na pinuntahan ko kanina. Ang malas naman ng araw na 'to. Kung kelan excited akong makita yung mga tiyahin ko, doon pa sila mawala at hindi pa nagsabi sa akin. I know why they didn't tell me what they reasons because of my evil dad.

And speaking of my evil dad, hindi ko siya nabisita sa puntod niya ng nasa Manila pa ako. May balak pa rin ako dalawin siya pero kung may time pa ako. Even he's a demon for me, he still my dad. Nawalan na ako ng respeto sa kanya but as his son, should i respect him even he's the mastermind all of what happened to our life. Even he's the reason why my mother died. He still my evil dad after all. But i've never forget all what he did to our lives. Wala ng mas titindi pa sa ama ko.

A man like him would go to hell. I'm so harsh and bad to him right? But the most evil is him. Nakuha ko ang ugali 'tong kay daddy kaya wala na dapat akong sisihin kung bakit ako ganito. Aapakan ko na sana yung preno dahil nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan ng bigla itong hindi tumigil. Bigla tuloy akong kinabahan. Sinubukan ko pa siyang tapak-tapakan pero hindi talaga siya humihinto. Ano na namang nangyayari ngayon? Sira ba yung preno? Damn it! Kung battery na lang sana yung nasira ayos lang dahil kaya ko pa 'yon na ayusin.

Tinignan ko yung paahan ko. Tama naman yung inaapakan ko.
Nagulat ako ng pagkataas ko ng ulo ko ay may malaking truck sa harapan ko. Bigla ko na lang nailiko ang sasakyan ko hanggang sa dumausdos ako sa isang pababa. Sinusubukan kong pahintuin ang sasakyan ko pero ayaw talaga nito. Nakita kong dederetso kami ni Turtle sa tubigan. Damn.. Sobrang malas naman nito! Ilang saglit pa ay tuluyan ng napunta sa tubig ang sasakyan ko at unti-unti na itong lumulubog sa tubig hanggang sa isang iglap ay tuluyan ng nalubog ang kotse ko sa tubig.

Sinubok-sibukan kong tanggalin ang seat belt sa pagkakasuot sa akin. Ilang saglit pa ay tuluyan ko na itong natanggal sa pagkakasuot sa katawan ko. Ngayon naman ay sinusubukan kong lumabas ng sasakyan ko. Nanghihina na talaga ako pero sinusubukan ko pa rin. Hindi naman ako nabigo. Nabuksan ko na din sa wakas ang pintuan ng driver seat. Agad akong lumangoy paakyat. Kahit hindi na kaya ng katawan ko ay pinilit ko na lang dahil baka ito pa ang maging dahilan ng pagkamatay ko. Hindi ako papayag na ang magiging ikinamatay ko ay panghihina kaya ako nalunod.

Hindi ako papayag sa gan'on. Matapos kong maka-experience na mala-pelikula ay humiga ako sa lupa. Hingal na hingal ako at napapaubo pa. Sabi na't hindi pa tapos ang kalbaryo sa buhay ko. No matter how far i go, lalapitin pa rin ako ng gulo't-kapahamakan. Hindi ko masisisi ang sarili ko. Challenge na rin 'to sa buhay ko but i feel, i want to give up. Hindi ko na kaya pang bumangon at maglakad. Ni hindi ko na nga naramdaman ang tuhod, binti at paa ko. Dito na lang siguro ako magpapahinga ngayong gabi. Ipinikit ko na lang ang aking mata...

After a months...

Ilang buwan na akong nagpalaboy-laboy dito sa kalye sa Cebu. Kung saan-saan na ako napupunta. Ni hindi ko na nga alam kung nasa Cebu pa rin ako. Sobrang dumi ko, halos ilang buwan na akong na dito, akong walang kain-kain, walang ligo-ligo at natutulog lang nga karton. Hindi ako nahihiyang gawin 'yon. This is the first time i experienced this. Ang future CEO, palaboy muna ngayon. I just need to do this. Ilang buwan na din akong pagala-pagala dito sa Cebu. Tanging sina tita Ruth lang ang kilala ko dito, wala ng iba. Meaning, wala na akong ibang mapupuntahan.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon