CHAPTER 210

382 17 3
                                    

Hi Umbrellas! I'm so sorry for long update bcoz i cannot open my wp account. idk why but now i finally opened and i changed my password! It take a too long before i fix my account. I'm really really sorry😭 Please take care of yourself and stay safe! I love you and!️❤️

Continuation...

Liam's POV

Lahat kami ay nagulat nang makita namin ang mga magulang ni Lisa. Hindi kaagad kami naka-imik nang makita namin sila. Ito ang kinakatakot ko. Hays. Ang liit talaga ng mundo. Nakita kong nanginginig ang kamay nila kaya hinawakan ko ito."M-mommy let me e-expl-"natigil si Lisa sa pagsasalita ng bigla siyang sampalin ng mama niya.

Agad ko siyang hinatak palapit sa akin."Ayos ka lang?"tanong ko sa kanya habang nakahawak ang isa kong kamay sa pisngi niya. Tumango na lang siya bilang sagot.

"Sino ka? Boyfriend ka ba ng anak ko?"baling sa akin ni Mrs. Tuason. Magkasalubong ang mga kilay niya at halatang galit siya."Lisa, we don't allow you for having a relationship while your studying. Why would you do this?"hindi naka-imik si Lisa nang tanungin siya ng nanay niya.

"Pasensya na ho Mrs. at Mr. Tuason kung hindi ho namin sinabi ni Lisa ang tungkol sa relasyon namin. Gusto ni Lisa na maging masaya at 'yon rin ho ang gusto ko."pagsabat ko naman.

Nagulat ako ng bigla akong sampalin ni Mrs. Tuason."Mom!"sigaw ni Lisa.

"Shut up Lisa."maowtoridad na sabi ni Mrs. Tuason.

Bigla na lang niyang hinatak si Lisa."Mom, bitawan mo ko!"nagpumiglas si Lisa.

Sinubukan ko pa siyang hatakin pero sinuntok ako ng daddy niya kaya napaupo ako sa sahig."Don't your dare meet my daughter again. At tigilan niyo na ang relasyong meron kayo. Hindi ikaw ang gusto ko para sa anak ko."may pagkakadiing sabi ni Mr. Tuason.

Napahawak ako sa labi kong may kaunting dugo. Sa lahat yata ng masasakit na salita, yung sinabi ni Mr. Tuason ang pinakamasakit."Liam ayos ka lang ba?"umupo si Maxine at tinanong niya ako.

"Ayos lang ako Maxine."sumagot naman ako sa tonong malungkot.

"Oh Tayler saan ka pupunta?"tanong naman niya sa nobyo niya."Tignan mo yung lalaking 'yon. Tinatanong ko, ayaw sumagot. May nangyari na sayo, mukhang wala pang pakealaman."iritang sabi niya pa.

Napabuntong-hininga na lang tuloy ako. Tumayo na ako. Inalalayan naman ako ni Maxine."Puntahan mo na si Tayler. Ayos lang ako dito."sabi ko sa kanya.

"Syempre 'di ako papayag na iwan na lang kita."sabi niya sabay hinatak niya ako at madali siyang naglakad."Nasa'n nga pala si Tayler? Saang room siya nagpunta? Tsaka anong nangyari?"mga tanong niya sa akin.

"Si Tayler na ang bahalang magkwento sayo at yung hinahanap mo, ayon oh."sabi ko sabay turo ko sa may bandang kanan namin.

Nakita ko kasing nakatayo si Tayler habang magkakrus ang kamay. Nagmadali si Maxine na puntahan si Tayler habang hatak-hatak niya pa rin ako."Maxine, silipin mo si Kurt sa kwarto niya. Kung gising, papuntahin mo dito."bungad niya sa amin.

"Okay."pagpayag naman ng nobya niya.

Agad din namang umalis si Maxine para puntahan si Kurt sa kwarto niya."Alam kong kaya mo 'yan. Walang pagsubok ang hindi natin inaatrasan. Alam mo 'yan Liam. Kaya hindi ko na kailangan pang aalalahin kayo, 'yang mga bagay na alam ko namang magagawan niyo ng paraan. Ang mapapayo ko na lang ay 'wag kang susuko, 'wag mong isusuko yung kung ano mang meron kayo ni Lisa."sabi ni niya nang hindi nakatingin sa akin.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon