CHAPTER 184

492 32 6
                                    

Maxine's POV

Maaga akong nagising ngayong araw ng linggo. Unang linggo ko ito sa trabaho at sa school. Hay! Ibang klase talaga kapag may nari-received kang blessing galing kay god. Grabe din yung gising ko kanina. May ngiti sa mga labi ko. Nagpre-prepare ako ng agahan naming lahat. Ako ulit ang naghanda ng agahan namin hehehe. Nung mga nagdaang araw kasi sila yung naghahanda kaya araw ko naman para makabawi. Sina ate LL yung bumibili ng mga lulutin namin. Swerte na lang kung may araw na libre kaming lahat. Masyado na kaming nalalayo sa isa't-isa eh. Hindi kasi sumasang-ayon yung oras sa amin.

'Yun nga yung mahirap i-manage ngayon pero kapag nabigyan kami ng free time lahat aba syempre lulubos-lubusin na namin pero ngayon, si Vizier muna yung kasama ko hehehe. Hoy walang ibig-sabihin 'yon ah. Baka mamaya sa susyal na lugar ako dalhin ng isang 'yon ah jusko. Sa mamahaling restaurant pa nga lang eh umayaw na ako paano pa kaya kung sa mas susyal na lugar pa? Hindi kasi ako sanay sa mga susyal-susyal na 'yan. Kahit sabihin pa nilang masasanay din ako, ayoko pa den. Bahala sila sa buhay nila na 'ko.

Naalala ko na naman yung kagabi bwisit! >_< kamusta na kaya ngayon si Vizier? Sure akong umiyak kagabi 'yon kasi nga diba sabi niya gabi-gabi siyang umiiyak dahil sa kapatid niya. Pero hindi halatang umiiyak siya 'no? Pansin ko din na namumula yung pisngi niya kapag nasa arawan. Syempre maputi eh. May naalala tuloy ako. Kamukha niga yung thai actor na crush ko shet! Sa mga BL series hehehe. Tuwing may time ako nanonood ako ng mga BL series. 'Yon na nga yung kinababaliwan ko hindi na k-drama huhuhu :(

A/N: Boy Love Series or BL Series. 'Yan yung mga series na dalawang lalaki yung bida. Yung isa sa kanila gay pero parehas silang bisexual. May mga scene diyan na 18+ plus pero hindi lahat ng BL series is all about sex. Parang yung mga Possessive Series lang ni inang CeCeLib. Not all the BL series is all about sex, its all about also love, trust, hope, forgiveness and acceptance. (BL Fan po si Author hshshsh)

Tapos na akong maghanda ng almusal namin. Kaunti lang naman yung hinanda ko pero sigurado naman akong sapat 'to sa amin lahat."Wow naman. Mukhang good mood si mayora ah."bungad sa akin ni ate LL.

"Syempre may date mamaya eh kaya good mood."bigla namang lumitaw si Andrea.

Binato ko sa kanya yung hinubad kong apron."Ikaw magsabit niyan ah!"sigaw ko sa kanya.

"Defensive si mayora 'teh hahahahaha!"sabi pa ni Andrea.

Nakita kong lumabas naman ng silid namin si Yna."Aga niyo ah."bungad sa amin ni Yna.

Naupo na silang lahat. Gising na rin yung magkapatid na Delos Reyes. Naupo na rin ako sa tabi ni ate LL."Good morning ha?"masungit na pagkakasabi ko.

"Good morning!!!"sabay-sabay nilang sabi tapos ay parang natatawa pa sila.

Nagsimula na kaming kumain lahat."Wala kayong klase sa school lahat ngayon 'no?"biglang nagsalita si Sunny.

"Yap."si Andrea

"Yes!"si Sasie.

"Naman!"si Kaireen

"Pero lahat tayo may trabaho."si Yna.

"Buti si Maxine pagkatapos ng work may date! Hmp! Sana all na lang!"sabi pa ni Andrea.

Nagsitawanan kaming lahat."Ah Max, nakapagpaalam kana ba kay kuya Alex?"tanong naman ni Sunny.

Tumango-tango ako habang may pagkain sa bibig ko. Nilunon ko muna yung kinakain ko at tsaka ako uminom ng tubig."Oo kagabi."sagot ko sa tanong ni Sunny."Tinext ko na lang si kuya kasi wala akong pantawag."sabi ko pa.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon