Maxine's POV
Feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko. Kagigising ko lang ngayon. Anong oras na ako natulog kagabi dahil ginawa ko pa yung homeworks ko. Buti na nga lang at tinulungan ako ni Yna kaya natapos ako kaagad. Alam niya kasing napagod ako d'on sa dalawa eh tsaka ang sakit ng tiyan ko ngayon. Kagabi pa 'to eh. Ang dami ko kasing nakain doon kina Damon. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako kung paano nalaman ni Damon na lumabas kami ni Vizier kagabi. Ibang klase din ang isang 'yon. Baka ini-stalk na ako n'on. Putek ayoko pa naman yung gan'on. Feeling ko ang creepy na ewan.
Nagkakape palang ako ngayon. Kasama ko sina ate LL. Sina Sasie, Summer at Andrea ay nauna na dahil may klase sila ngayong umaga. Buti na nga lang ay umalis na sila kasama si Andrea. Alam kong kukulitin lang ako ni Andrea na magkwento eh. Hindi ko na rin tinanong sina Yna kung dumaan ba dito si Tayler kahapon. Baka nga talagang may ginagawa siya kaya 'yon. Mamaya pupuntahan ko na si Tayler doon sa condo niya mismo para makapagusap kami ng personal at masabi ko na rin yung tunay kong nararamdaman. Baka magsisi pa ako kapag nahuli na eh.
Kahit hanggang sa pagtulog ko, si Tayler pa rin nasa isip ko. Grabe ganito ba ako karupok? Hindi. Sadyang mahal ko lang talaga si Tayler kaya ako nagkakaganito kaya 'wag niyong tawagin na marupok yung isang tao. Sadyang mahal lang talaga yung taong mahal nila kaya mabilis silang mahulog. Pero mas maganda talaga kapag marupok tawag eh. Oo na. Aminado na ako na marupok talaga ako pero atleast kay Tayler lang. Ayoko ng patagalin pa yung ginagawa nila. Marami ng tao ang gustong gawin ko kung ano yung mas tama hindi lang para sa akin, para rin sa kanila. Hay nako...
Napansin kong hindi mapakali sina Sunny at Kaireen. Kanina pa may tinatawagan 'tong dalawang 'to eh."Bakit kaya hindi sumasagot si Justine?"takang sabi ni Sunny habang may kinakalikot sa cellphone niya.
"Hindi ko naman ma-contact si Cairo."bigla na lang nagsalita si Yna."Kahapon ko pa siya sinusubukan tawagan pero hindi naman siya sumasagot. Tinadtad ko na rin siya ng text tapos ni isa. Wala pa siyang reply."nakasimangot na sabi niya pa."Kapag nalaman ko na nambabae na naman ang isang 'to. Baka 'di lang mata tanggalin ko sa kanya."inis naman niyang sabi.
Palihim kaming natawa ni ate LL."Buti naman at nakuha mo pang sagutin 'tong tawag ko?"inis na sabi ni Sunny sa kausap niya. Sure akong si Justine 'to."Bakit 'di ka sumasagot sa mga tawag ko sayo kahapon ha? Nagaalala kaya ako baka may nangyari na sayo.... Saan naman kayo nagpunta?.... Laguna? Anong ginawa niyo d'on?....Sino?..... Importante ba yung taong 'yon?.... Tse!..... Nakabalik na ba kayo dito?.... Ano?!.... Edi hindi kayo makakapasok niyan?..... Na'ko Justine ah.... Tse! Oo na! Sino pa yung mga kasama mo diyan?..... Sina Tayler?..... Oh sige ako ng bahala.... Ano 'yon?.... ANO?! Teka anong nangyari sa kanya?!.... Ano na naman ba 'yang ginagawa niyo jusko.... Okay.... Mag-ingat kayo. Sabihin mo lang kung may kailangan kayo, kami ng bahala.... Sige.... Love you..."pagkatapos n'on ay binaba na ni Sunny ang tawag.
Nakita kong tinititigan ni Yna si Sunny na parang nagtataka siya. Ako rin ay nagtaka kung bakit ganoon ang reaksyon ni Sunny."Sino ba kausap mo 'teh?"agad na tinanong ni Yna si Sunny.
"Si Justine."agad din naman siyang sumagot."Kasama niya sina Cairo, Liam at...."bigla siyang napatingin sa akin."Tayler."banggit niya sa pangalan ni Tayler."Nasa Laguna sila ngayong lima."sabi niya pa
"Pa'nong lima eh si Cairo, boyfriend mo, si Liam at Tayler lang naman ang mga binaggit mo?"si Yna.
May nakikita akong ningning or parang liwanag sa mga mata ni Sunny."K-kasama din nila si Kurt."utal na sabi niya.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...