Tayler's POV
Nagising ako dahil sa sakit mg ulo ko. Hang-over siguro 'to. Madami kasi akong nainom kagabi. But damn... It really hurts. Nakita ko ang sarili ko sa sarili kong kwarto? Nakahiga ako sa kama at nakakumot pa? Teka sino nagdala sa 'kin dito? No... Si Maxine... Pero hindi niya dapat 'yon ginawa dahil baka mabinat siya lalo pa't may sakit pa siya. Hindi ko ma-imagine na buhat-buhat niya ako kaya hindi ako makapaniwala na magagawa niya akong ilagay dito sa kama ko pero bakit hindi ko man lang naramdaman? Hindi ako manhid. Dahil siguro lasing ako kagabi?
Ah hindi. Baka naglakad lang ako papunta dito hindi ko lang maalala dahil lasing ako kagabi. Oo, tama gan'on nga kasi imposibleng kayanin ako ni Maxine dahil alam kong mabigat ako. Pero kasi kahit lasing ako, alam ko kung ano yung ginagawa ko. Imposible naman kasi 'yon. Pero bakit wala siya dito? Umalis ba siya ng hindi man lang nagsasabi sa akin? Tinignan ko ang oras sa wall clock, 4:15 AM palang. Inalis ko ang kumot na nakalagay sa akin at saka ako bumangon. Naglakad na ako palapit sa pintuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.
Sumilip muna ako. Nahagip ng mga mata ko si Maxine na nakaupo sa sofa. Nagpakawala muna ako ng maikling hininga bago ako lumabas."Bakit hindi ka pa natutulog?"bigla kong tanong sa kanya habang sinasara ko ang pinto ng kwarto ko."Anong ginagawa mo dito? At bakit nand'on ako sa kama ko?"muli ko pa siyang tinanong habang paupo ako sa tabi niya."Maayos na ba yung pakiramdam mo?"tanong ko sabay dinampi ko sa noo niya ang palad ko para i-check kung mainit pa ba siya.
Gan'on pa rin ang init niya nung huli ko siyang chineck kagabi."Bakit ka bumangon?"tanong niya din sabay baling ng tingin sa 'kin.
"Bumalik ka na lang d'on sa kwarto. Magpahinga kana. Mainit ka pa."sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik."Are you okay?"alalang tanong ko pa sa kanya."Maxine, bumalik kana d'on sa loob. Ayos lang ako dito kahit hindi ako komportable."ani ko.
Tulala lang siya at walang imik. Bigla ko na lang siyang hinila at saka ko siya niyakap."Tayler bitawan mo'ko. Mainit ako. Baka mahawa ka pa. Ayos lang ako. Wala ka dapat ipagaalala."rinig kong sabi naman niya.
Hindi ko ginawa ang gusto niya kaya mas niyakap ko pa siya ng mahigpit."May bumabagabag ba sayo? Sabihin mo, ano 'yon?"-ako.
"Wala kaya bitawan mo na ko. Mahahawa ka pa ng sakit ko kapag 'di mo pa rin ako binitawan."-Maxine.
"Hindi ka talaga marunong magsinungaling."natatawang sabi ko. Hinarap ko na siya sa akin at deretso akong tumingin sa kanya habang siya ay nakayuko lang."Sabihin mo na. Dali."pamimilit ko pa.
"Naalala ko lang yung mga magulang ko. Lalo na si mama na hindi ko nakasama ng matagal."sabi niya sa malungkot na tono.
Pinatong ko ang kamay ko sa ulo niya sabay ginulo ko ang buhok niya."You know what Maxine? You shouldn't be sad because your mother will be sad too. I understand why are you like that. But Maxine, your friends are here and i'm also here. I know, your mother is watching you. So, don't be like that. Hindi natin maiiwasan na maalala o ma-miss yung isang taong mahalaga sa buhay natin na nawala na pero dapat hindi tayo maging malungkot sa oras na nami-miss natin sila. Dapat ipakita natin sa kanila na ayos lang tayo dahil mas matutuwa sila kapag gan'on."mahabang pagkakasabi ko sa kanya
Tinitignan niya ako bigla."Ikaw ba. Masaya ka ba na mag-isa ka lang dito?"tanong naman niya sa akin.
Napabuntong-hininga na lang ako."Isa rin ba 'yan sa mga bumabagabag sayo?"nagtanong din akong muli.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...