Tayler's POV
Naiuwi na si Maxine. Dinala ko siya sa dorm niya. Iniwan ko muna siya saglit kina Alex, habang ako ay pupunta sa condo para maglabas ng galit at sama ng loob. Hindi ko gusto ang ginawa ng taong 'yon kay Maxine. I will never forgive that person. If i was that person, I would hide nicely because of the time I met and know where s/he hiding, I will kill him/her immediately. Nakapahayop niya at mas masahol pa siya sa demonyo. Kahit gan'on, haharapin ko pa rin siya. Ti-triplehin ko ang sakit na mararamdaman niya sa ginawa niya kay Maxine.
Hindi ko kayang hayaan 'to. Gagawa't-gagawa ako ng paraan para mahanap ang taong 'yon. Kung may kinalaman sa 'kin yung nangyari kay Maxine o wala, papatayin ko siya. Napakahayop niya! Nagawa niya 'yon kay Maxine tapos sa campus pa?! Sinong gagong gagawa n'on?! Kung hindi siya naturuan ng maayos at wala siyang disiplina, i volunteer myself to teach that person a good manners and discipline. That person didn't think twice what the consequences of what that s/he did. Kapag hindi ko na na-kontrol ang sarili ko, baka hindi lang simpleng pagpatay ang gagawin ko sa kanya.
Nakarating na ko sa condo ko matapos nang ilang minutong pagmamaneho. Bumaba na 'ko ng kotse. Hindi naman nagtagal ay nakarating na 'ko sa unit ko at pumasok na. Malakas kong sinara ang pinto at binato ko ng malakas ang bag ko sa kung saan. Dumeretso ako sa kusina para uminom. Kumuha ako ng baso na may tubig. Pagkatapos kong uminom ay sinadya kong ilaglag ang baso. Hindi ko na namalayan na umiiyak na pala ako habang nagwawala. Tinignan ko ang paligid. Sobrang gulo na. Pumasok ako sa kwarto ko at doon naman ako nagwala.
Ibabato ko na sana yung lamp shade na hawak ko ng may pumigil sa 'kin."Dre bitawan mo 'yan!"si Cairo.
Sinubukan nila akong pigilan habang si Justine ay kinuha ang lamp shade sa kamay ko."Tangina dre kumalma ka!"si Liam.
"LEAVE ME ALONE!"sigaw ko habang sinusubukan kong pumiglas sa kanila.
Napaupo tuloy kaming tatlo."Dre kumalma ka muna! Hindi natin maayos 'to kung hindi ka kakalma! Kung papangunahan ka na naman niyang galit mo!"sigaw ulit sa 'kin ni Cairo.
Napatigil na lang ako sa pagpiglas sa kanila at umiyak na lang."I'm stupid..."sabi ko habang umiiyak.
"Hindi ka tanga Tayler. Wala lang talagang makakapagsabi sa 'tin kung ano yung mga mangyayari palang."sabat ni Justine.
"I'm Maxine's boyfriend so i have an obligation to take a good care of her and protect her no matter what but how do i call myself her boyfriend if i can't protect her! huh? tell me! am i right?"lalo akong napahagulgol ng iyak habang sinasabi ko 'yon sa kanila.
Hindi naman agad sila nakapagsalita. Ramdam ko na nagtititigan silang tatlo."D-dre nagkakamali ka."nagsalita bigla si Cairo na nasa kanan ko."Hindi tamang sinisisi mo ang sarili sa nangyaring 'yon kay Maxine. At wala ring may gustong mangyari 'yon sa kanya."aniya.
"No, i'm right."pamimilit ko."Hindi niyo kase alam yung nararamdaman ko ngayon dahil hindi naman kayo ang nasa posisyon ko."sabi ko sa kanila nang hindi ko sila tinitignan.
Walang nagsalita sa kanila pero bigla na lang akong hinatak at tinayo ni Justine saka niya ko biglang sinapak dahilan para mapaatras ako."Gago ka dre!"sabi ni Cairo sabay natayo sila ng kapatid niya at inawat nila si Justine kahit mukha naman siyang kalmado."Bakit mo naman sinapak si Tayler?!"hindi makapaniwalang niyang tanong kay Justine.
Napahawak na lang ako sa labi ko na naglabas kaagad ng dugo."Gusto ko lang naman siyang gisingin tsaka nagpapalamon na naman kasi siya sa emosyon niya."sagot naman ni Justine habang nakatingin sa 'kin."Kung may kinalaman ka man o wala sa nangyari kay Maxine, hindi mo pa rin 'yon kasalanan. Sabi nga ni Cairo, walang may gustong mangyari 'yon. Hindi mo ba naiintindihan? O gusto mong lumupuhin pa kita para ma-realize mong mali ka."kalmado nitong sabi."Tsaka mas mabuti pang samahan mo si Maxine d'on. Siguradong ikaw ang unang niyang hahanapin. At naniniwala rin akong hindi din gugustuhin ni Maxine na nagkakaganito ka kung nandito man siya."dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...