A few weeks later...
Cairo's POV
Ilang araw nang panay ang paginom ni Tayler ng alak at natuto na rin siya manigarilyo. Ang laki ng pagbabago kay Tayler matapos nung araw na nakita namin siya sa bar. Maayos naman yung pagaaral niya kaya nga lang lagi siyang puyat pero hindi halata sa mukha niya kasi nangingibabaw pa rin yung kagwapuhan niya pero sa totoo lang? naawa ako sa kulugong 'yon. Sa bawat pagsubok namin na kausapin siya, sinusungitan, wino-walk outan tapos ay sinisigawan niya kami. Simula ng gabing 'yon, nagbago na si Tayler. Hindi na namin siya nahatid n'on sa tinitirahan niya dahil nauna na siya sa amin na umalis.
Pero hindi ibig-sabihin n'on ay suko na siya kay Maxine. Ayos na rin ito dahil parehas nilang kailangan ng oras o panahon. Ewan ko pero nalata kay Tayler na iniiwasan niya si Maxine. Nitong mga nakaraan kasi ay ilang beses kong nakita na kamuntik na silang magkita o magkasalubong pero itong si Tayler, sa bawat makikita niya si Maxine umiiba siya ng daan pero kahit din kami, parang iniiwasan niya na. Hindi ako sure d'on ha sa iniiwasan niya kami. Feeling ko lang 'yon. Pero kingina, Hindi pa rin ako makapaniwala na marunong na siyang mag-yosi.
Tsaka napansin namin ni kuya kong kulugo at ng iba ay palaging nakasuot si Tayler ng itim na jacket at mask. Nagmukha nga siyang magnanakaw eh pero ito namang baby labidab ko, napakagwapo naman daw ni Tayler para maging magnanakaw. Syempre ako naman 'tong si mataas ang confident level. Ang lahat ay naging busy lalo na ngayon dahil ilang araw na lang ay magte-take na kami ng exam para sa first semester. Pagkatapos daw ng first semester ay may isang linggo kaming walang pasok kaya 'yon pero bukas pa rin yung school para sa may mga gagawin o may gustong gawin.
Nandito kami ngayon sa cafeteria. Sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Ang iba sa amin ay tapos na at ang iba naman ay hindi pa. Hindi kami kumpleto ngayon dito. Si Saise ay may klase ngayon, ang magjowa namang sina Zack at Kaireen ay may klase din and speaking of Kaireen naging masaya at maayos ang naging 21st Birthday niya. Sobrang nag-enjoy kaming lahat pero ako hindi kasi ikaw ba naman itulak sa pool ng biglaan matutuwa ka ba? So 'yon buti na lang at lagi akong handa sa mga pwedeng gawing kalokohan sa akin ni kuya kong kulugo.
"Ah excuse me."bigla kaming napalingon sa likod ko ng may magsalita."Sorry sa pangiistorbo hehehe. Cairo, Max pinapatawag nga pala kayo ni Prof Reyes."sabi niya sa akin. Siya si Genevee, classmate ko sa first class sub ko.
"Bakit daw?"takang tanong ko sa kanya.
"Aba malay ko."sagot naman niya sabay taas ng balikat niya."Nand'on siya sa office niya ngayon. Puntahan mo na lang siya."pagbibigay-alam niya pa sa akin.
"Ba't 'di ikaw na lang yung inutusan niya? Bakit kami pa? Alam niya naman na lunch break diba?"sabi ko pa.
"Wag ka ng magreklamo diyan, pumunta ka na lang. Bahala kana. Aalis na ko."pagkatapos naman niyang sabihin 'yon ay umalis na siya.
Nakita kong tumayo na si Maxine bitbit ang bag niya."Mauna muna kami ni Maxine, Yna."paalam ko kay Yna nasa tabi ko lang.
Tinanguan niya na lang ako na may kasamang ngiti kaya naman tumayo na ako at binitbit ko na rin ang bag ko. Naglakad na kami palabas ni Maxine ng cafeteria. Napakamot na lamang ako ng ulo ko. Sa dami ba naman ng students na tinuturuan ni Prof Reyes, kaming dalawa ni Maxine yung napili niyang utusan. Isa si Prof Reyes sa mga Professors namin na mahilig magutos. Tapos ngayong lunch time pa niya kami napiling utusan. Kung kelan gutom na gutom na ko eh. Hindi kasi ako nagising kanina ng maaga dahil nagpuyat kami ni Liam sa kakalaro ng online games kaya 'yon, na late ako ng pasok.
BINABASA MO ANG
The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2
Teen Fiction[Season 2] *** Ilang taon na ang nakakaraan matapos ang trahedyang nangyari kaya naman hindi naging madali para kay Maxine ang biglaang pagkawala ng kanyang nobyo. Naniniwala siya na buhay pa din si Tayler gayunmpan hindi pa nakikita ang kanyang ka...