CHAPTER 198

438 33 9
                                    

Maxine's POV

Kakatapos lang ng klase namin ngayon ni Lisa at Yna. Maghihiwalay-hiwalay din kami maya-maya lang dahil may klase pa si Yna, si Lisa naman ay wala na kaya deretso uwi na lang siya habang ako naman ay deretso sa juice bar. Sa tingin ko, hindi magiging madali ang college life namin lalo na na-meet ko na yung isang kagaya ni Zerene. Alam kong hindi pa niya nilalabas ang lahat kaya bahala na. Ang ayoko sa lahat ay yung pinaguusapan ang tungkol kina mama at papa. Sa tuwing maaalala ko kasi sila nanghihina ako at parang hindi ko kayang igalaw ang katawan ko.

Kahit saan talaga ako magpunta, hahabulin din ako ng away. Siya nagsimula eh. Pinagpipilitan niya kasi yung isang bagay na alam din naman niya na hindi totoo. Nanggigigil ako sa babaeng 'yon. Alam kong babawi 'yon eh. Nagmukhang may riot nga kanina doon sa cafeteria eh kasi halos lahat kami nakipagrambulan doon sa mga kaibigan nung Ivy pati na rin yung boyfriend niya. Ibang klaseng babae at ibang klaseng anak. Dapat nga sinusunod niya yung gusto ng daddy niya eh kasi feeling ko mabait na ama yung daddy niya tapos pinagsasalitaan niya ng gan'on.

Ang swerte niya pa nga eh kasi may daddy siyang gan'on. Sa tuwing makakita ako ng pamilyang kumpleto at masaya hindi ko maiwasang hindi maginggit. Hays. Iba na talaga ang takbo ng mundo ngayon. Kung sino pa yung maswerteng nagkaroon ng mabubuting magulang sila pa yung nagkaroon ng mga anak na parang hindi naturuan ng tama at mali. Naloloka ako sa babaeng 'yon. Maganda nga, panget naman ugali. Para talaga siyang si Zerene. Ayoko or hindi ko talaga siya papatulan kanina eh kaso kingina ang sakit ng sabunot niya sis! Tapos nagkasugat pa ako sa batok ko dahil sa ginawa niya.

Hays. Lumabas na kami ng room nina Lisa at Yna."Pa'no na mga 'teh? Una na ko ha? Ingat sa paguwi!"paalam sa amin ni Yna.

"Sige!"-ako.

"Study well."si Lisa. Nagkawayan pa kami bago kami tuluyang naghiwalay. Kaming dalawa na lang ngayon ni Lisa ang magkasama."Max, hatid na kita sa work mo."prisinta niya.

"Ah hindi na. Ayos lang."pagtanggi ko naman.

"Stop being shy person Max, i'm your friend so you don't need to be shy. And besides, doon din naman ang daan ko and para makatipid ka naman ng sakay, right?"sabi niya pa.

Napailing na lamang ako."Oo na nga."pagpayag ko naman.

Ilang saglit pa ay nakalabas na kami ng University. Agad kaming pumasok sa kotse niya at nagsuot na ng seat belt. Matapos n'on ay nagmaneho na si Lisa."Wala na bang masakit sayo Max?"bigla naman niya akong tinanong.

"Bakit mo naman natanong?"takang sabi ko.

"Baka kasi may masakit pa sayo maliban diyan sa sugat sa batok mo."may iba akong naisip ng sabihin niya 'yon. Hindi naman ako kaagad makapagsalita."Alam kong hindi galit 'yang nararamdaman mo kay Tayler. Hindi mo lang talaga nagustuhan yung mga inaasta niya ngayon because he still love you and he wasn't like the boys around you. Did you know? If your man loves you so much, he will do anything just to be with you again. This is just a challenge to you and him. So, if both of you will fight together, you will pass the challenge. Parang sa laro lang 'yan Max. You need someone to help you para manalo."dagdag niya pa sa kanyang sinabi.

"Alam mo Lisa, hindi natin kailangan ng katulong. Matuto tayong tumayo sa sarili nating mga paa, matuto tayong lumaban ng magisa hanggang sa masanay tayo kung may tiwala tayo sa sarili natin na kaya nating lagpasan yung isang bagay ng walang katuwang or katulong."sabat ko naman.

The Bully And The Gangster Meets Ms. Good Girl Season 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon